Chapter 24: The Aqua Kingdom

1.3K 59 4
                                    

Hi @MessRoom12, kaway kaway para sayo to. Salamat!

Ace Iñigo Arsen's POV

"Wala pa din bang malay si Zhinli?" tanong ko pagkapasok ko sa kwartong tinutulugan niya.

"Wala pa nga. Kahapon pa siya walang malay." nag-aalalang sabi ni Yara kaya napailing na lang ako. Kaya ayokong mamoblema eh baka pumangit ako neto pero kung sa bagay parang impossible namang pumangit ako.

"Prinsesa Yara, handa na po ang mga pagkain niyo. Inaantay na po kayo ng Mahal na Hari at Reyna." sabi ng isa sa mga tagasilbi dito sa kaharian. Oo, nasa loob na kami ng Palasyo ng Aqua Kingdom. Mabuti na nga lang at malapit na kami sa gate nung nawalan ng malay si Zhinli.

"Susunod na kami." sabi ni Yara tsaka inayos yung kumot ni Zhinli.

"Mabuti pa kumain na kayo, ako ng magbabantay sa kanya." sabi ni Derah tsaka pumuwesto sa ulunan ni Zhinli.

"Are you sure?" tanong ni Arin tsaka tumango yung Ada.

"Tara na. Masamang pinag-aantay ang Hari." sabi ni Adara tsaka naunang lumabas ng kwarto. Wala na din kaming nagawa at nagsisunuran na lang. Naiwan sa kwarto sina Zhinli, Derah at Zinco. Wala naman sigurong mangyayaring masama.

"Magandang gabi po mahal na Haring Serno at Reyna Yna. " sabay sabay na bati namin. Sumenyas naman ang Hari na umupo kami. Ang linaw talaga ng tubig nila, kitang kita ko tuloy ang gwapo kong mukha.

"Wag na kayong masyadong pormal. Lahat ng kaibigan ng anak ko ay kaibigan ko na din." mahinhing sabi ni Reyna Yna. May pinagmanahan pala talaga si Yara, tapos si Master Yana na ate ni Yara mukhang sa Hari nagmana.

"Maraming salamat po." sagot ni Asher kaya napangisi ako. Oi Asher nagpapagood vibes ah!

Sabi ko sa isip ko kaya sinamaan ako ng tingin ni Asher. Anong tingin yan? Ingit ka lang at mas gwapo ako. Hahaha...

Napansin kong lalong tumalim yung tingin niya tsaka ngumisi sa akin.

"Ahemmm... " sita sa akin ni Fern pagkasiko niya sa tagiliran ko. Amazona to nakikipagbiruan lang kay Asher eh. Siguro Amazona din ang Reyna ng Terra kingdom.

"Nga pala, kamusta na yung isa niyo pang kaibigan?" tanong ng hari kaya nagkatinginan kami.

"Wala pa din pong malay." sagot ni Fern kaya napatango ang Hari.

"Ganun ba? Nakakapagtaka naman. Tubig galing sa Fountain of Life ang pinangamot sa kanya ni Yara." sabi ni Haring Serno kaya napatango na lang kami. Kami din naman nagtataka.

"Sana naman magising na siya. May naaalala pa naman ako sa kanya." sabi ng Reyna tsaka napatawa ng mahina.

"Sino po?" tanong ni Yara tsaka tumahimik ang Reyna.

"Isang matalik na kaibigan." sabi niya tsaka ngumiti.

"Hahaha... Tama ka mahal. Kamukha nga niya si Azirin. Mabuti pa kumain na kayo. Madami pa iyan." sabi ni Haring Serno kaya nagsikain na kami.

"Ah mawalang galang na po mahal na Hari. Sino po ba si Azarin?" tanong ni Amarine habang ngumunguya. Nakakatuwa siya at parang di man lang natatakot sa Hari. Kung sa bagay, lumaki silang normal ang nakakasalamuha kaya ano bang alam nila sa pressure ng isang maharlika. Nakakaingit tuloy silang apat ni Zhinli. Buti na lang at gwapo ako...

"Shhh... Hindi ka dapat sumasabat sa usapan ng Mahaharlika." sabi ni Arthur kaya napanguso si Amarine.

"Wag kang mag-alala. Ayos lang. Nga pala tungkol sa tanong mo, si Azarin ang Reyna ng Vintus Kingdom." sabi ni Reyna Yna kaya nagkatinginan kami. Lahat kami interesado sa kwento ng Vista Kindom kaso nga isang mysteryo ang kahariang yun.

99 Days of FreedomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon