Azalea Zhinli Centana's POV
Wow... Kanina ko pa pinapanood maglaban sina Fern at Ace. Oo na glalaban sila... Ang galing galing nga eh. Hihihi.
Kasi nagtetraining kami este sila lang pala at by pair yun. Si Fern tsaka Ace yung magkalaban tapos si Yara at Gust tapos si Zaid at Adara. Si Asher tsaka Arthur naman yung magkalaban tapos si Adira at Amarine. Ang galing noh kasali na sa training ng Hunters sina Amarine. Buti na lang nadaan sa charms ko sila Headmaster. Ang galing galing...
Hihihi... Busy ako sa panonood sa kanila ng may marinig akong sigaw. Napahinto din sila Fern sa pagtetraining dahil dun sa sigawan.
"Ano na naman yun?" tanong ni Ace na nakatingin sa Protectors building.
"Kung ano man yan... panigurado kailangan tayo diyan. Tara na!" sabi ni Gust tsaka naunang tumakbo papunta dun sa Protectors building. Kanya kanya din kami ng takbo at halos malaglag yung panga ko sa dami ng black wizards na umaatake sa mga protectors.
Paano sila nakapasok dito?
"What are you doing here Zhinli?" napalingon agad ako kay Headmaster Cai na nakatayo sa harap ko. May hawak siyang puting espada. Hindi ako nakasagot kasi may dumabog malapit sa amin. Kinarga agad ako ni Headmaster Cai tsaka tumalon palayo dun sa sumabog. Nakita ko naman sila na nagkanya kanya ng sugod sa mga kalaban, pati si Amarine nagtransform bilang dragon at nakipaglaban. Gumagaling na si Amarine...
"Yara, Fern... ilayo niyo muna dito ang mga estudyante ng protectors. Zhinli sumama ka!" utos ni Headmaster Arianne habang nakikipaglaban sa isang black wizard.
"Opo!" sigaw ni Yara tsaka sinimulang lapitan yung mga protectors, ganun na din yung ginawa ko tsaka sila isa isang dinala sa isang gilid. Sabay sabay na namin silang ilalabas...
"Ok na tara na.." sabi ni Fern. Paalis na kami ng may makita pa kong dalawang estudyante ng protectors na kinorner ng mga black wizards. Tatawagin ko sana sina Yara para iligtas yung mga estudyante kaya lang nakaalis na sila.
"Kaya mo yan Zhinli!" sabi ko sa sarili ko tsaka tumakbo agad palapit dun sa mga estudyante.
"Oi mga panget... pakawalan niyo sila!" sigaw ko sa mga black wizard. Madaling malaman kung sino ang black sa white wizard hindi lang dahil sa mga suot namin kundi dahil sa mga mata nila... lahat ng dark wizard katulad ng mata ng pusa ang mga mata Ewan ko kung bakit ganun.
"Ayos lang ba kayo?" nung nakalapit ako dun sa dalawang estudyante. Mukha silang makapatid, isang babae at isang lalake.
"Ah O-oo..." sabi nung lalake na yakap pa din yung babae. Baka di sila magkapatid. Siguro lovey dovey sila...
"Ikaw..." sabi nung isa sa dark wizard kaya napatingin ako sa kanya. Oh owww... pano pala kami makakalusot dito?
"Anong ako?" tanong ko sa kanya. Nilabas naman niya yung mahahaba niyang kuko.
"Mamamatay ka!" sigaw niya tsaka naglabas ng itim na apoy kaya nanlalaki yung mata kong napasigaw.
"kyaaaa..." sigaw ko tsaka tinakpan yung mata ko nung nahati siya sa dalawa sa harap ko mismo.
"Tsk... " sabi lang ni Zaid tsaka ako tinignan mula ulo hangang paa. Hinati niya... hinati niya yung wizard sa dalawa. Tinignan ko naman yung wizard na unti unting naging abo.
"Tsk... Why are you crying?" tanong niya kaya inangat ko yung tingin ko sa kanya. Crying? Umiiyak ba ko?
Dahan dahan ko naman inangat yung kamay ko tsaka kinapa yung pisngi ko.
BINABASA MO ANG
99 Days of Freedom
FantasyAzalea is known as the hidden princess. A fantasy story that you'll surely love