This Chapter is Dedicated to @kwapo- pasensya na at nalate ng update! Enjoy! Muawh! Natutuwa ako sayo ang tiyaga mo maghintay. Hihihi... salamat!
(Aishi: Oh my! Halalu! Mali ako... Arin nga pala ang pangalan ng pinsan ni Arthur hindi Adira T_T. Sa ibang kwento ko po pala yun. Pasensya naligaw. Ayan na inayos ko na. Ieedit ko na lang. Patawad!)
Dion Gust Almiro's POV
"Sa wakas makakapagpahinga din." sabi ni Fern tsaka humilata sa lupa na sinapinan niya ng malalaking dahon. Huminto muna kami sa paglalakad at mas piniling dito na magpalipas ng gabi sa gitna ng gubat. Wala naman kasi kaming nakikitang bahay dito na pwedeng tuluyan.
"Malamok!" sabi ni Arin tsaka humiga sa higaang gawa ng pinsan niyang si Arthur. Minsan naawa na ako kay Arthur kasi panay ang utos ni Arin pero parang sanay naman na siya. Si Amarine naman naglatag lang ng kumot tsaka humiga. Kalat kalat kami ng pwesto ngayon ng higa, kanina pa kami nakakain sa daan kaya isa na lang ang gusto at dapat naming gawin, yun ay ang matulog.
Nakasandal lang ako dito sa may puno, si Zaid naman ginawa lang unan yung dalawang braso niya. Wala ng latag latag. Tumabi lang sa kanya si Ace at Asher na pinagitnaan pa siya.
"Patabi." nilingon ko naman si Arthur na umupo ng tabi sa akin at sumandal sa kabilang gilid ng puno.
"Yara dito ka sa tabi ko. Ikaw Zhinli?" tanong ni Fern sa dalawa. Lumapit naman si Yara kay Fern at nakihiga.
"Tatabi muna ako kay Arin. Wala kasi siyang katabi." sabi ni Zhinli tsaka humiga sa tabi ni Arin.
"Awww.. Touch ako!" natatawang sabi ni Arin.
"Oi patabi din!" sabi naman ni Amarine na tumayo na at kinuha yung kumot na nilatag niya.
"Tara sa kanila Fern." mahinhing sabi ni Yara kaya tumabi din sila ni Fern kina Zhinli at Amarine.
"Wow! Ang daming stars!" manghang sabi ni Zhinli nung nakahiga na silang lima.
"Ai teka Adara tara dito!" tawag ni Zhinli pero inirapan lang siya ni Adara. Mataray nga talaga si Adara pero mabait yan. Hindi lang talaga siya madalas makipagkaibigan.
"Masyado siyang masiyahin." sabi ni Arthur na nakatingin kila Zhinli.
"Oo nga. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ako o ano." sagot ko naman. Ang daming stars at bihirang mangyari to. Sa mundo kasi namin, dumadami lang ang mga bituin sa langit pag wala ang buwan. Yun lang ang nagpapailaw sa langit...
"Nakita ko na si Prinsesa Azalea." sabi ni Arthur kaya napalingon ako sa kanya.
"Huh?" tanong ko.
"Mukha kasing takang taka ka. Totoo yung sinabi nila Headmaster na buhay si Prinsesa Azalea at kahit ako hindi makapaniwala. " sabi niya habang ako hindi makapaniwalang nakikinig. Wala akong alam sa Vista kingdom kahit na anong basa ko kasi sa mga libro, wala din akong nakikitang impormasyon maliban sa mga naunang Hari at Reyna.
"Siguro naman nabalitaan niyong nakulong kami ni Adira dahil sa napagbintangan kaming katulad ng mga magulang namin? " tanong niya kaya napatango ako. Alam naman yun ng lahat, hindi lang kami nakialam at wala naman kaming laban sa council. Kahit pa sabihing mga maharlika kami, wala pa din kaming laban sa Magic Council.
"Oo. Pero wala kaming laban noon kaya patawad." sabi ko tsaka yumuko. Ngumiti naman siya tsaka natawa ng unti.
"Hindi mo kailangan magsorry. Tsaka isa pa natulungan naman kami ni Prinsesa Azalea. " sabi niya kaya nagtanong agad ako.
BINABASA MO ANG
99 Days of Freedom
FantasyAzalea is known as the hidden princess. A fantasy story that you'll surely love