Arthur Linha's POV
Hindi pa din ako makapaniwalang pinakawalan na kami. Parang kagabi lang kausap pa namin si Prinsesa Azalea tapos kaninang umaga, pinakawalan agad kami.
"Naiinis ako sa mga tingin nila." Sabi ni Arin na masama ang tingin sa mga studyante na nakatingin sa amin. Kahit ako naiinis din kaya lang... may pinangako kami.
"Remember our promise Arin." Sabi ko kay Arin. Naglalakad kami ngayon papasok ng klase namin. Wala kaming panahon para magmukmok sa kwarto namin at isa pa malaki ang utang na loob namin kay prinsesa Azalea.
"Yeah. Wala na kong pagtitripan. I know that!" Sabi niya na naglakad na lang ng mas mabilis kaya binilisan ko na lang yung lakad ko.
"Awww..." Sabi ng kung sinong nakabanga sa akin. Tinignan ko naman siya.
Zhinli.
"Stupid! Ang lu..." Tumahimik si Arin ng marealize niyang hindi na nga pala kami dapat magsasalita ng masama sa kahit na kanino.
"Sorry." Napangiti ako sa sinabi ni Arin. Ang tagal na simula nung huli kong marinig yun galing sa kanya.
"Wahhh... Arin ikaw ba talaga yan? May sakit ka ba?" Tanong niya na inaabot yung noo ni Arin. Bukod kasi sa matangkad na tong pinsan ko, sobrang taas pa ng takong niya.
"What? What are you saying?" Tanong ni Arin kay Zhinli na pilit inilalayo yung noo niya kay Zhinli.
"Ang bait mo kasi? Hindi mo ko pinalutang tapos di mo ko inaway! Hala... Baka may taning na yung buhay mo. Sabihin mo!" Sabi niya kaya di ko mapigilang matawa.
"Hahahaha..." D*mn... Bakit ngayon ko lang napansin na nakakatawa pala tong babaeng to?
"Hala Arthur mamamatay ka na din? " tanong niya na medyo nanlalaki yung mata.
"Hahaha... Hindi hindi. Masama bang magbago?" Tanong ko kaya napahinto siya at napatango.
"Hmmm... Ayos! Nice no more bullies na..." Sabi niya kaya napatango na lang ako.
"Zhinli!" Napatingin kaming tatlo kay Amarine na tumatakbo palapit sa amin. Nakabusangot siya at halata namang iniisip niya na kinakawawa namin yung kaibigan niya. Hindi ko naman siya masisisisi.
Sino ba namang magtitiwala sa anak ng traydor?
Si Prinsesa Azalea lang ata.
"Bakit ka nandito? Ok ka lang?" Sabi niya kay Zhinli na hinahanap pa ata kung may pasa o sugat ito.
"Tsk... Ano na namang ginawa niyo sa kaibigan ko!" Sabi ni Amarine habang nakapamewang sa harap namin ni Arin.
Sa lahat ng studyante ng seekers, di Amarine lang ang naglalakas loob na kalabanin kami kahit palagi naman siyang talo.
"Wala noh!" Sabi ni Arin tsaka umirap. At least hindi niya ginamitan ng Gravity Magic si Amarine.
"Anong wala? Kayo pa ba?" Sabi ni Amarine na ready na atang umatake. Hanep...
"Wala kaming ginawa Amarine." Sabi ko kaya lang hindi siya naniwala.
"Hindi ako naniniwala! Siguro..." Hindi na natapos ni Amarine yung sasabihin niya ng nagsalita si Zhinli.
"Shhhh... Amarine wala nga. Ok lang ako! Look!" Sabi ni Zhinli habang pinapakita yung mga braso niyang wala namang pasa o gasgas.
"Kahit na. Hindi ka dapat lumalapit sa kanila..." Sabi ni Amarine.
Ano pa nga bang aasahan?
"Bakit naman wala naman silang nakakahawang sakit." Sabi ni Zhinli.
"Zhinli masyado ka kasing inosente eh! Ano ka ba? Kung anong puno siyang bunga. Masama na sila nasa sinapupunan pa lang kaya hindi na yun magbabago." Sabi ni Amarine.
BINABASA MO ANG
99 Days of Freedom
FantasyAzalea is known as the hidden princess. A fantasy story that you'll surely love