Hurricane Breeze Frostalia's POV
Hayy... Kagaya ng inaasahan. Pumunta nga siya sa kung nasaan yung mga nawalan ng Mana. Mukhang alam ko na kung saan ako nagmana ng katigasan ng ulo.
Napasandal ako sa isang puno habang nakaupo. Sa tingin ko tama na yung naitulong ko. Sa mga oras na to, sigurado naman na akong nabasa na ni Tito Asher yung sulat. Kasama na din ni Mama si Zaid. Hindi na siya mapapano doon.
Pumikit ako tsaka binuksan yung portal ng hinaharap. Lumabas naman dun si Derah, ang Derah na nabubuhay sa hinaharap. Isa siya sa mga nagpalaki sa akin noong sa akin noong nawala ang mama ko at nalunod sa kalungkutan ang papa ko.
"Mabuti naman at binuksan mo na yung portal!" Sabi niya tsaka pinikit pikit yung mga mata niya. Hindi siya makikita ng kahit na sino dito, bisita lang siya sa time line na ito.
"Madami ng nabago sa hinaharap." Sabi niya kaya napangiti ako.
"Nasa hinaharap na ba siya?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman siya kaya napangiti ako tsaka tumayo.
"Mission accomplish pala ako." Sabi ko sa kanya.
"Ang tigas ng ulo mo. Mapaparusahan ka sa ginawa mong pangingialam." Sabi ni Derah.
"Handa ako Derah. Handa ako. " sabi ko tsaka tumayo at tinignan ang buong academy mula dito.
Kailangan ko ng bumalik sa panahon ko. Sana magkita tayo sa hinaharap, Mama.
Theron Asher Zin's POV
"Tito Asher,
Hurricane ang pangalan ko, anak ng bunso mong kapatid sa hinaharap. Anak ako ni Prinsesa Azalea. Biniyayaan ako ng kapangyarihan. Kapangyarihang magbabago sa panahong kinabibilangan ko. Kaya kong maglakbay sa oras, kontrolado ko ang oras. Hindi kagaya ng iba, kaya kong makihalubilo sa mga taga ibang panahon, sa panahon niyo. Tatlong araw pagkatapos kong ipanganak, mamamatay ang aking Ina dahil sa panghihina ng katawan niya. Sa magaganap na labanan, mauubos ang kapangyarihan niya para iligtas kayo. Lumaki akong wala siya, nabuhay lang siya sa mga kwento niyo. Lumayo sa inyo ang aking Ama, hindi niya kinaya ang pagkawala ng aking ina. Kayo ng mga kaibigan niyo ang nagpalaki at nagsanay sa akin. Patawad at pinakialaman ko ang oras, sinanay ko siya sa pakikipaglaban at sa pagamit ng kapangyarihan. Tinuruan ko siya ng mga bagay na magagamit niya sa labanan. Nagpakilala ako sa aking ina kaya hindi ko alam kung ipapanganak pa ba ko sa hinaharap. Ano mang parusa ang ibigay sa akin ng kapalaran, tatangapin ko.
Isa lang ang pinangarap ko, ang makasama ang aking ina. Nakasama ko naman na siya sa pagsasanay, kung sakaling mabago nga ang tadhana at hindi na ako ianganak limang taon mula ngayon, paki sabi na lang na mahal na mahal ko siya.
Tito Asher, buksan niyo sana ang mga mata niyo. Walang kakambal ang aking ina.
Gustuhin ko mang sabihin ang lahat, may mga bagay na kayo dapat ang umalam.
Salamat sa pag-aalaga. Sana... Sapat na ang naitulong ko.
- Hurricane Breeze Frostalia"
Ibinaba ko yung sulat tsaka tinignan si Adara.
"Wag mo kong pagbintangan na gawa gawa ko lang yan at lalatigohin talaga kita ng kuryente." Mataray na sabi niya. Wala naman akong sinasabi. At WALA talaga akong masabi. Galing sa hinaharap?
"Kung iniisip mong kalokohan yan, ang t*nga mo. Nikita ko siya Asher, nakita ko ang anak ni Zhinli. Magkamukhang magkamukha pa nga sila. " sabi niya kaya napabuntong hininga ako. Kung ganun...
"Si Zhinli si Azalea." Hindi tanong yun. Kung sinanay nga niya ang kapatid ko na nanay niya, ibig sabihin si Zhinli yun. Kasama namin si Azalea kaya sigurado akong hindi siya yun.
BINABASA MO ANG
99 Days of Freedom
FantasyAzalea is known as the hidden princess. A fantasy story that you'll surely love