Day 8: Amarine's thoughts

1.2K 54 8
                                    

Azalea Zhinli Centana's POV

" Hi Monday! " pasigaw na bati ko pagkamulat na pagkamulat ng mga mata ko kaya isang lumilipad na barya ang tumama sa ulo ko.

" Aray naman Derah! Bakit ka nangbabato? " tanong ko habang nakanguso. Cute daw kasi yun pag nakanguso eh...

" Anong bakit? Bakit ka nangugulat? Bigla bigla ka na lang sisigaw!" Reklamo niya.

" Ang aga-aga ang sungit mo. Binabati ko lang naman yung Monday kasi Monday ngayon." Sabi ko tsaka tumayo. Ang gulo gulo pa ng buhok ko. Hihihi... Matagal kasi ako bago nakatulog eh.

Alam niyo naman iniisip ko pa yung pagpapakawala ko ng mana kay Zinco.

Buti na lang naitago ko sa likod ko yun eh. Naku kung hindi...

Nabuko na ko. Bye bye freedom na!

" Hay naku! Tatanda talaga ako sayo ng maaga Prinsesa Azalea. Ang mabuti pa mag-ayos ka na at sa cafeteria ka na mag-agahan. May meeting daw kasi lahat ngayong araw sa field." Sabi ni Derah.

" Meeting tungkol saan? " tanong ko sa kanya habang hinahanda yung mga damit ko. Ang cute cute talaga ng uniform namin.

" Tungkol sa nangyaring pag-atake sa Academy nung isang araw." Sabi ni Derah kaya napatingin ako sa kanya.

" Weh? Bakit kailangan pang magmeeting? Nakilala na ba kung sinong mga wizards yun? " tanong ko. Hindi naman kasi Dark Wizards yung mga umatake sa harang, kaya nga gulat na gulat ako nung nakita ko yung nangyayari sa labas ng harang eh.

" Ewan. Basta bilisan mo na prinsesa Azalea, may parusa ang mahuhuli sa meeting." Sabi niya kaya pumasok agad ako sa banyo at sinimulang maligo. Ayoko ng malate ulit noh...

***

Amarine Luna Altemar's POV

" Good Morning Clandestinians!" Bati ni Headmaster Arianne.

Nakakagulat ang meeting na to, bigla na lang kasing binalita na magkakameeting para sa lahat ng wizards na nag-aaral sa Clandestine Academy.

Kaya ayan yung iba mga wala pang agahan... Di ko nga alam kung lahat ba to naligo eh.

" Good Morning Headmasters!" Bati naming lahat. Sumenyas naman siya na magsiupo na kami kaya nagsiupo na kaming lahat.

" Hindi na kami magpapaligoy ligoy pa..." Sabi ni Headmaster Rico. Parang masyado atang seryoso yung pag-uusapan namin ngayon.

" Nandito kami para ipaalam sa inyo na nagkaroon ng pag-atake sa harang ng paaralan natin noong nakaraang araw." Pagkasabi nun ni Headmaster Arianne, kanya kanya na ng bulungan sa buong field.

Chika mode!

" Tahimik! " sita ni Master Orange tsaka hinampas yung latigo niya kaya nagsitahimik kami.

Creepy - -

" Dahil sa pagsugod na iyon, nasira ang maliit na bahagi ng harang pero wala namang dapat ipag-alala kasi naayos din naman ito kahapon." Sabi ni Headmaster Cai. Ang bilis namang maayos... Teka... Sinong nag-ayos?

" Sinong nag-ayos? " napalingon naman ako kay Asher na nagtanong. Epal talaga tong mindreader na to eh.

" Hindi na yon mahalaga Asher. Ang pag-uusapan natin ngayon eh ang mga wizard sa sumira sa harang. " sabi ni Headmaster Cai. Nanahinik naman si Asher, nasabi ko na bang magkapatid sina Headmaster Cai at si Asher? Oh ayan nasabi ko na... Magkapatid sila. Dapat nga kasama siya sa Hunters eh kaya lang ayaw daw niya.

" Bakit hindi ba black wizards ang umatake sa harang? " tanong ng isang studyante galing sa protectors.

" Hindi." Sagot ni Headmaster Arianne kaya lalo kaming nagbulungan. Pati ako nakichika na din...

" Hindi daw... Eh sino? " bulong ko kay Hana. Kaklase ko, galing din siya sa Terra kingdom at kaya niyang makipag-usap sa mga halaman. As in nauutusan niya yung mga halaman. Ang ganda ng power niya no? Samatalang ako bulok ang magic...

" White wizards din ang umatake sa atin." Sabi ni Headmaster Cai kaya lalong lumakas lahat ng bulungan. Nagkatinginan pa kami ni Hana kasi kung white wizard ang umatake sa amin, ibig sabihin may nagtatraydor sa amin?

" Magsitahimik kayo! " sabi ni Headmaster Rico. Medyo matagal bago kami nagsitahimik.

" Isa lang ang paalala namin, kung white wizard din ang umatake sa atin, ibig sabihin may mga nagtatraydor sa atin. Iwasan niyo ang lumabas ng gabi o ang lumabas ng harang." Sabi ni Headmaster Arianne.

" Sige na... Magsipasok na kayo sa klase niyo." Sabi ni headmaster Cai tsaka tumalikod at naglakad paalis. Kanya kanya na sila ng alis samantalang ako naiwan dito sa field. Ewan para kasi nagpaprocess pa yung utak ko eh.

" Oi Amarine!!!" Bigla naman akong bumalik sa realidad ng may sumigaw ng pangalan ko.

Nakita ko naman si Zhinli na paparatong habang may kagat kagat pang toasted bread.

" Zhi-zhinli..." Sabi ko sa kanya. Napatingin naman ako sa kamay niya, wala na yung liwanag.

" Bakit ka nakatingin sa kamay ko? Aha! Siguro nakita mo yun no? " sabi niya kaya napaatras ako. Teka... Hindi kaya alam na niyang nakita ko yung pagliwanag ng kamay niya nung kasama niya si Zinco?

Geeezzz... Hindi kaya siya yung white wizard na umatake sa amin?

Pero..

" A-anong nakita? " kinakabahang tanong ko. Bigla naman niyang kinaway sa harap ko yung kamay niya.

" Yung pangugulangot ko? Grabe ka lahat naman ng tao ginagawa yun. Makati lang talaga yung ilong ko kanina tsaka naghugas naman ako pagkatapos. Nag-alcohol panga ako eh. Amuyin mo pa " sabi niya kaya pilit akong natawa.

" Ahehehe... "

Ano ba Amarine... Kaibigan mo yan!

Tingin mo ba kayang gawin yun ni Zhinli?

Kaya nga lang...

Isang linggo ko pa lang siya nakakasama. Baka nga...

" Ang weird mo Amarine. " sabi niya habang nakangusong umangkla sa kamay ko.

" Tara na malelate na tayo! " sabi niya tsaka ako hinatak papuntang classroom.

Buong klase akong tulala. Buti na nga lang at mabait si Master Era, kahit na napapansin na niyang tulala ako eh okay lang.

---

" Ahmmm... Amarine ok ka lang ba talaga? " tanong sa akin ni Zhinli. Halatang halata sa mukha niya na nag-aalala siya.

Nakonsensiya tuloy ako bigla... Nasa cafeteria kami ngayon. Since half day lang naman palagi ang klase namin, eto at tambay na naman kami.

" Oo okay lang." Sabi ko tsaka pilit ngumiti.

" Kung may problema ka pwede mo namang sabihin. " mahinahong sabi niya habang kumakain ng cake.

" Sigurado ka bang wala kang kapangyarihan? " tanong ko. Nagulat naman ako nung dumugo yung labi niya.

Nakagat niya kasi pagkatapos ko magtanong...

" Awray... " sabi niya na dinidilaan yung may sugat niyang labi.

" Hi-hindi ko sure eh. Pero di ba lahat ng wizard may powers baka late lang yung akin. Hmmmm..." Sabi niya tsaka nagpose na parang nag-iisip ng sobrang lalim.

" Alam ko na! Baka may magic nga ako. Siguro di ako nasyadong tinatablan ng kalungkutan. Hangang five seconds lang ako malungkot eh " sabi niya tsaka ulit sumubo ng cake.

" Pwede bang yun yung power mo? " tanong ko habang nakatingin sa kanya na busy sa pagkain.

" Siguro. Hindi ko alam eh at dahil sa hindi ko alam hindi ko na sinubukang alamin." Sabi niya kaya napangiti na lang ako. Ano ba naman yung iniisip ko.

Hindi naman siguro yun magagawa ni Zhinli. Masyado siyang inosente para magawa yun.

Pero pano nga kaya kung siya yung umatake sa harang?

Aisshhh...

Sino ka ba talaga Zhinli?

Aishi's Note:

Owwww... Sino ka nga ba Zhinli?

99 Days of FreedomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon