Chapter 32: Prinsesa Azalea

1.2K 60 11
                                    

Azalea Zhinli Centana's POV

"Seryoso? Si.. Si Zhinli si Prinsesa Azalea?" sigaw ni Amarine. Hihihi... Kung hindi lang ako nahihilo ngayon, baka kanina ko pa siya niyakap at kinurot kurot. Ang cute cute niya magulat.

"Kaya pala!" sabi ni Arin kaya nilingon ko siya.

"Kaya pala ano?" mahinang tanong ko. Iiii... ayoko ng ganito, nanghihina pa ko.

"Kaya pala crush ka din ni Arthur kasi crush niya si Prinsesa Azalea noon pang unang pakita mo samin bilang si Prinsesa Azalea.... Awww... What?" sabi niya nung bigla siyang siniko ni Arthur.

"Crush mo si Zhinli este Azalea?" tanong ni Yara tsaka tumingin sa akin. Ok lang naman sa akin kahit anong itawag nila. Parehas naman na ako si Azalea at Zhinli eh.

"Hah? Ah ano..." sabi ni Arthur na parang nahihiya. Bakit? Ano bang nakakahiya kung crush niya ko?

"Crush ko din si Arthur!" masayang sabi ko kaya lahat sila napatingin sa akin.

"Huh? I-ikaw din?" tanong ni Arthur kaya tumango ako.

"Ako lang ba o talagang umiinit ng sobra sa kwartong to?" tanong ni Ace.

"Just shut up Ace! " sabi ni Fern kay Ace na nagpeace sign pa.

Nanahimik naman silang lahat kaya nagtataka akong nilingon sila isa isa hangang sa makita kong nakayuko si Zaid at nag-aapoy
yung kanang kamay.

"Waahh Zaid! Umaapoy yung kamay mo." sabi ko tsaka pinilit na hipan yung kanang kamay niya.

"What did you said, Zhinli? You like him?" tanong ni Zaid na sobrang seryoso. Nakakatakot naman siya.

"Huh? I like him? Oo naman. " masayang sagot ko tsaka nginitian si Arthur. Napatayo ako este kaming lahat pala ng biglang umapoy yung lamesa namin. Muntik pa nga akong matumba kasi nahihilo pa ko. Buti na lang to the rescue si Kuya Asher. Namimiss ko tuloy si kuya Zen este si Headmaster Cai.

"Hey Zaid! Chill lang naman." sabi ni Kuya Asher kay Zaid na nasa may likod ko.

Tumikhim naman si Gust bago nagsalita.

"Zhinli, pano mo naman nasabing crush mo si Arthur?" tanong ni Gust. Tinatanong pa ba yun?

"Shhh... Gust naman plano mo bang matusta ngayon? " tanong ni Amarine kaya napakunot ako ng nuo tsaka sila tinignang lahat.

"Hindi ba pag crush humahanga ka? Kaya ko nasabing Crush ko si Arthur kasi hinahangaan ko siya. Hihihi... " sabi ko tsaka sila biglang nagkatinginan.

"Ang why did you said that you like him?" tanong ulit ni Gust.

"Ano ba yan Guys? Syempre gusto ko siya, gusto ko kayong lahat, si Yara, si Fern, si Ace, ikaw Gust, si Amarine, si Arin, si Adara na din, si Zinco, si Derah, si Kuya Asher, yung mga headmaster at syempre si Zaid." sabi ko ulit tapos biglang nawala yung apoy sa lamesa. Cool...

"Next time bunso, wag ka ng magsasabi ng Crush at I like you sa iba. Ok?" sabi ni kuya Asher kaya napatango na lang ako. Ano
namang masama dun?

"Oh my... Magpalit ka na ng crush Arthur. " sabi ni Arin kaya sila nagtawanan. Bakit? Anong nakakatawa?

"Ok lang naman sa akin kung Crush niya ko." masayang sabi ko sa kanila ng biglang nagdabog si Zaid at lumapit sa akin.

"For you its fine, but not for me." sabi ni Zaid na sobrang titig at lapit sa akin kaya napalunok ako.

"Ahemmm love birds pasensya na pero nandito kasi kami." sabi ni Amarine pero di naman lumayo si Zaid, nakatitig lang siya sa akin tsaka nagsalita.

"Then that's good. All of you will see that this girl, is mine. Mine alone." sabi niya tsaka lumayo ng unti at umupo sa tabi ko.

99 Days of FreedomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon