Mitchisel Fern Zerez's POV
"And for our first duel training, from the Terra Kingdom, Princess Mitchisel Fern Zerez and from the Aqua Kingdom, Princess Yara Serafin Mondel." Announce ni Headmaster Rico.
"Tayo na agad ang maglalaban Fern. Wag masyadong patayan ah." Sabi ni Yara sa akin kaya nginitian ko siya. Part to ng training namin, duel battle. Malas lang kasi nauna akong mabunot at si Yara pa ang kalaban ko. Mas gusto ko sanang lalake ang kalaban ko para kahit mapuruhan ko sila ok lang. Hahaha...
"Akong gagawa ng shield para walang matamaang iba." Nakangiting sabi ni Azalea kaya napatango kami.
"Isa lang ang rule, defeat your enemy." Sabi ni Master Orange kaya napatango na lang kami.
Pumasok na kami sa harang na ginawa ni Azalea tsaka kami pumwesto ni Yara sa magkabilaang side.
"Good luck Yara." Sabi ko sa kanya tsaka siya nginitian. Ngumiti din siya tsaka namin narinig yung senyales na simula na.
"Go Mitchisel ko! Pssttt... Asher... Cheer mosi Yara dali." Napafacepalm na lang ako kay Ace.
"Manahimik ka Iñigo!" Sigaw ko sa kanya tsaka tinignan si Yara.
"Game na ba?" Tanong ni Yara kaya nagpalutang ako ng ilang tipak ng bato.
"Game na Yara." Sabi ko tsaka kami nagsimula. Pinapunta ko agad sa dereksyon ni Yara yung mga bato na inilagan naman niya tsaka siya naglabas ng water balls.
"Woooh! Go Mitchisel koooo!!" Sigaw ni Ace. Bwisit talaga tong Iñigo na to.
"Shut up!" Sigaw ko tsaka naman nagpagalaw ng mga vines ng halaman. Sinusubukan kong hulihin si Yara pero panany ang ilag niya. F*ck... Ang laki ata ng binilis ni Yara?
"Nice Yara! Bumibilis ka na." Sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya tsaka nilaro yung water balls niya.
"Salamat!" Sabi niya tsaka gumawa ng ahas na tubig na agad naman akong inatake.
Pinalutang ko yung mga dahon at ginawang patalim tsaka pinaulan yun sa kanya habang umiilag dun sa higateng tubig ahas.
"Awww..." Sabi niya nung natamaan siya sa may braso at magkasugat, hihinto na sana ako ng sinenyasan kami nila headmaster na magtuloy lang.
"Sorry Yara. Training kasi to." Sabi ko sa kanya. Binalutan naman niya ng tubig yung kamay niya tsaka ko nilingon.
"No problem. " sabi niya tsaka ako nakaramdam ng basa sa may paanan ko.
Sh*t...
Hindi na ko makakaalis sa pwesto ko. Inangat ko yung tingin ko ng makita kong may malaking water ball na siyang ibabato sa akin. Dahil nga sa hindi na ko makakaalis, inipon ko yung mga lupa sa paligid ko at binalot sa water ball ni Yara.
"Ahhh..." Sabi ko na pinipilit itulak pabalik sa kanya yung binalot kong water ball. Nung bumalik sa kanya yung tira niya, nawalan siya ng kontrol sa tubig sa paanan ko kaya nakawala ako agad. Masasabi kong ang laki nga ng nadagdag na kapangyarihan sa amin dahil sa elemental stones. Pumuwesto agad ako sa may likudan ni Yara tsaka siya siniko sa may likudan. Sinipa ko pa siya kaya agad siyang tumilapon.
Naghahanda na ko para sa huling tira ko ng hindi ako makagalaw.
Sh*t... Ano to?
"Ack... " sabi ko ng parang...
What the hell... Kinokontrol niya ang paggalaw ng dugo ko!
Napaluhod na ako tsaka pinilit kontrolin yung mga puno na nasa tabi ni Yara. Nagtagumpay naman ako ng hinampas siya ng sanga ng isang puno. Agad ako lumayo at nagtago muna sa kanya.
Inhale... Exhale...
Delikado yun.
Napapikit siya at sa tingin ko pinapakiramdaman niya ko. Unti unti kong pinalapit sa kanya yung mga vines ko para di siya makakilos ng mawala siya bigla sa paningin ko.
"Asan?" Tanong ko sa sarili ko na hinahanap siya ng bigla akong tumilapon.
"Awww... Pano ka napunta sa likod ko?" Tanong ko sa kanya.
"Naging tubig ako. " sabi ni Yara kaya napangisi ako.
"Wow... Hahaha... Game na talaga." Sabi ko tsaka binalot yung maliliit na bato sa katawan ko na nagsilbing armor.
"Witwiw! Go girls!" Cheer naman ni Amarine. Paniguradong mas mainggay kung nandiyan si Zhinli.
"Gumawa ako ng flat na bato at tinungtungan yun na parang naging board ko tsaka sinugod si Yara. Magaling nga si Yara sa pagamit sa ability niya pero lugi siya sa close combat.
Ginamit ko yung dalawang sanga na ginawa kong arnis tsaka siya sinugod. Gumawa naman siya ng tubig na espada tsaka sinanga yung mga tira ko.
"Hyaa..." Sabi ko tsaka siya sinipa sa may sikmura kaya siya tumilapon.
"You ok?" Tanong ko sa kanya tsaka siya tumayo. Gumawa siya ng water blades tsaka pinatama sa akin.
Pinaulanan ko naman siya ng mga bato tsaka kami nag manual combat. Nauubusan na ko ng Mana sa tagal ng laban namin.
Nang mapansin siguro nila Headmaster na wala na kaming gaanong mana, inawat na niya kami tsaka ibinaba ni Azalea yung harang. Halos sabay kaming napaupo ni Yara.
"Ok lang ba kayo?" Tanong ni Azalea na may dalang tubig.
"Oh Mitchisel ko, tumutulo yung dugo sa may noo mo. Ikikiss ko!" Sabi ni Ace kaya ibinato ko yung bato sa noo niya. Psshhh... Papansin.
"That was close!" Sabi ni Arin.
"Ayieee!" Asar naman naming tatlo nina Arin at Amarine kina Yara at Asher ng binuhat ni Asher si Yara para ata dalhin sa clinic pero ang mga loko, nagantihan ako ng binuhat naman ako ni Ace na pakindat kindat pa.
"Ibaba mo ko. Kaya ko ang sarili ko." Sabi ko habang nagpupumilit bumaba ng kindatan pa ko ulit ng bwisit. Ang lakas talaga ng topak neto!
Azea Zhinli Centana's POV
"Pagod na ko." Sabi ko tsaka humiga na sa may damuhan. Hinihingal na ko sa pagod. Ang strikto kasi ni Hurricane eh. Ang bata bata pa niya tapos ang super strikto na niya.
"Pag-atake pa lang yun gamit ang Mana." Sabi niya tsaka ako inabutan ng tubig. Hihihi... Oo nga no? Ang simple pa lang ng pinapagawa niya. Buti pa siya ang galing galing na niya. Alam niyo kasi parehas kami ng kapangyarihan. Nakakapagpalabas din siya ng Mana. Ibig sabihin. Isa din siyang keeper. Ang weird no? Sabi nila isa na lang daw ang Mana keeper pero tatlo na kami. Hindi siguro marunong magbilang ang nagpakalat ng chismis na yun.
"Ang hirap kasi." Nakangusong sabi ko tapos umupo siya sa tabi ko.
"Bilang Mana Keeper,hindi ka lang source lang ng Mana. Kaya mo ding gawin ang ginagawa ng ibang mana holders. Kaya mong kumontrol, mag-absorb at mag-block ng Mana. In other words, ikaw at ang Mana ay iisa." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. May kamukha talaga siya.
"Ah... Nga pala... Hurricane, bakit parehas tayo ng kapangyarihan? " tanong ko sa kanya.
"Hindi tayo parehas ng kapangyarihan. S ka talaga!" Sabi niya kaya napabangon ako.
"Ayan ka na naman sa S word! Teka... Pano mo pala nalaman yun?" Sabi ko sa kanya kasi ako lang naman ang nagpauso nun eh. Hihihi... Ayoko kasing bangitin yung mismong word. Alam niyo na... Bad yun eh.
"Narinig ko lang kay Lily." Sabi niya kaya parang may light bulb na lumitaw sa taas ng ulo ko. Ang cute siguro nun, may lalabas na bumbilya sa ulo mo.
"Ah si Bata Maldita! Magkakilala kayo?" Tanong ko tapos tumango siya. Baka galing din siyang bahay ampunan? Kumusta na kaya yun si Bata Maldita? Nung naging busy kaming mga Hunters di na sila nagpupunta ulit dito eh.
"Oo." Sabi niya lang tsaka tumayo at pumasok sa loob ng kubo. Naku.... Itong batag to palagi na lang akong iniiwan.
BINABASA MO ANG
99 Days of Freedom
FantasiAzalea is known as the hidden princess. A fantasy story that you'll surely love