Azalea Zhinli Centana's POV
"Sino ka?" tanong ko nung pagising ko nakahiga na ko sa lap ng isang babae. Ang ganda niya, sobrang puti at ganda ng mga mata niya. Tapos ang lambot pa ng kamay niya na humahaplos sa ulo ko.
"Azalea..." malungkot na sabi niya. Yung boses! Siya yun! Sa kanya yung boses ng mumu!
"Si-sino ka po?" tanong ko sa kanya tsaka bumangon. Nakaupo na ko sa harap niya. Nasaan ba ko? Ang ganda naman dito. Maraming bulaklak, tapos ang liwanag tsaka ang dami pang ibon. Ang lawak...
"Kailangan mo ng makaalala." sabi niya kaya napakunot yung noo ko.
"Po?" tanong ko sa kanya tsaka siya tumayo.
"Namiss kita." sabi pa niya. Ano daw? Hala wala na kong naiintindihan. bakit naman niya ko mamimiss eh hindi naman kami magkakilala. Tsaka anong aalalahanin ko? May nakalimutan ba ko?
"Azalea, gusto mo bang makarinig ng kwento? Tanong niya sa akin ng nakangiti tsaka siya ulit umupo. Hindi ko alam pero napatango ako. Parang gustong gusto kong malaman kung ano yung ikukwento niya. Sinenyasan naman niya kong humiga ulit sa lap niya kaya ginawa ko yun. Tapos tsaka niya ulit hinaplos yung ulo ko. Ang sarap naman sa pakiramdam neto.
"Mayroong isang Prinsesa na itinago sa buong mundo, hindi siya pwedeng lumabas o ipakilala." sabi niya habang nakatingin sa langit.
"Itinago siya dahil delikado ang kapangyarihan niya. Lumaking masayahin ang prinsesa kahit na wala siyang madalas na kasama bukod sa kanyang ina. Tapos nung ika-18th birthday niya, pinakilala sa buong kaharian at hinayaan mag-aral sa paaralan ng mga wizards na gaya niya." sabi nung babae. Sa Clandestine kaya yun?
"Doon siya nakakilala ng kaibigan at mapapangasawa. Ilang taon ang lumipas at kinasal sila nung lalake." sabi nung babae. Ang ganda talaga niya kahit hindi siya nakatingin sa akin. Nakatingin kasi siya ng deretsyo sa mga halaman.
"Binigyan sila ng tatlong anak, si Prinsipe Zen, Prinsipe Ron at ang bunsong Prinsesa." Wala bang pangalan yung bunso? Kawawa naman di siya nabigyan ng pangalan.
"Kagaya ng sa kanilang Ina, itinago ang tatlong tagapagmana para sa kaligtasan nila. Tanging piling kaibigan lang ang nakakaalam at yun ang pagkakamali ng mag-asawa. Naipaalam nila sa isang taong hindi nila tunay na kaibigan." sabi nung babae na naging malungkot yung boses.
"Napatay siya at ang kanyang asawa. Ganun pa man, nailigtas niya ang kanyang mga anak. Namuhay si prinsipe Zen at Ron na tinatago ang katauhan sa iba. Samantalang ang bunsong prinsesa..." huminto siya tsaka ngumiti sa harap ko. Pamilyar talaga yung ngiti niya.
"Kinulong siya sa isang silid. Itinago sa lahat at naging buhay ng harang sa bawat kaharian. Nawalan siya ng ala-ala at ngayon... nakatayo siya sa harap ko. Ang bunsong prinsesa. " sabi niya kaya natulala ako.
Ehh?
Ako ba yung?
Itatanong ko na sana ng nagsalita siya.
"Dadating ang panahon na maibabalik din sa prinsesa ang bagay na nawala sa kanya. At bilang reyna, nangagako akong babantayan ang aking prinsesa hangang sa maging maayos na ang lahat. Azalea... mahal na mahal kita."
"... Azalea?" tuluyan ko namang binuksan yung mga mata ko. Ang sakit ng ulo ko.
"Sa wakas nagising ka din! " sabi ni Amarine tsaka ako niyakap.
"Finally!" sabi naman ni Arin kaya napaupo ako. Medyo nahihilo pa ko pero kaya naman.
"Wahhh... Hindi na ko makahinga !" reklamo ko tsaka sila nagtawanan.
"Namisss ko yang kaka-Wahh mo!" sabi ni Ace tsaka umupo sa gilid ng kama ko. Napausog naman ako ng biglang tumalon ai Zinco paakyat sa kama ko..
"Sabi sa inyo eh magigising na siya." sabi ni Asher na nasa may kama ko.
"Ok ka lang ba Zhinli? Anong nangyari?" tananong sa akin ni Yara. Anong nangyari?
"Nagugutom na ko." sabi ko bigla kaya nagkatinginan sila tsaka nagtawanan. Gutom naman talaga ako! Naririnig ko yung mahinang paghingi ng tulong ng tiyan ko.
"Malamang. Isang araw kang tulog eh. Tara sa baba. Magpapahanda ako ng pagkain." sabi ni Yara kaya tumango na lang ako. Mamaya ko n iisipin yung panaginip ko, medyo magulo eh pero parang kilala ko yung babae.
BINABASA MO ANG
99 Days of Freedom
FantasyAzalea is known as the hidden princess. A fantasy story that you'll surely love