Azalea Zhinli Centana's POV" Oi Zhinli gumising ka nga! "
" 10 minutes pa... " sabi ko sa kung sino mang gumigising sa akin. Inaantok pa ko eh...
" 10 minutes pa Ms. Centana? " sabi nung boses.
" Sige 20 minutes na lang. Nakakaantok eh." Sabi ko habang nakapikit pa.
Napadilat naman ako ng may malakas na ingay ang tunog sa gilid ko.
" Mas-master Orange. " sabi ko habang nagkakamot ng ulo. Tinignan ko naman yung gilid ng upuan ko na may lamat na.
0_o
Nasa klase nga pala ako at Thursday ngayon. Battle day... Master Orange...
" Waahhh Sorry po! " sigaw ko. Para namang nag-aapoy yung mata niya sa galit sa akin.
" Lumabas ka na sa klase ko Ms. Centana bago pa kita maparusahan! " sigaw niya kaya mabilis akong tumakbo palabas ng klase namin.
Ayoko na kayang maparusahan.
Nakakaantok naman talaga... Pano kasi battle class yun kaya lang discussion muna ng basic rules in fighting.
Eh super kulang ako ng tulog. Ang haba kasi ng sermon ni Derah kagabi dahil sa pagtakas ko eh.
" Wala ka bang klase? " napalingon naman ako sa nagsalita.
" Fern? Ah... Meron. " sabi ko habang nakatingin sa kanila. Kumpleto sila ng hunters.
" Eh bakit ka nandito? " tanong ni Dion. Ngumuso naman ako nung naalala ko yung nangyari. Tsaka kinuwento sa kanila yung nangyari.
" Seryoso? " natatawang tanong ni Ace.
" Mukha ba kong nagbibiro? " tanong ko. Tinapik tapik naman ni Fern yung likod ko at ewan ko lang kung tapik yun o hampas. Ang lakas eh...
" sa lahat ng klaseng pwede mong tulugan. Yung kay master Orange pa. " sabi niya habang tinatapik na hinahampas yung lilod ko.
>_< ang bigat ng kamay niya...
" Hoi Fern nasasaktan na si Zhinli! " sabi ni Ace kaya tumigil siya tsaka ako tinignan.
" Ai naku... Sorry. Nakalimutan ko." Sabi niya tsaka tinago yung kamay niya sa likod niya.
" Bumalik na tayo sa klase natin." Sabi ni Adara kaya napalingon ako sa kanya. Ang ganda niya talaga...
" Ah Oo nga pala. Sige Zhinli may pinapagawa kasi samin si Headmaster Rico." Sabi ni Yara. Tumango naman ako.
" Ah sige! " sabi ko tsaka nginitian sila. Kumaway kaway pa ko nung medyo nakalayo na sila.
" Ano naman ng gagawin ko? " tanong ko sa sarili ko habang nakatingin ng deretsyo sa field. Dahil oras pa ng klase paniguradong busy sina Headmaster, wala din si Derah sa Dorm ko kasi gabi lang naman siya nandun.
" Aha! " sabi ko ng maisip ko na kung anong gagawin ko. Aalamin ko na lang kung anong nangyari sa mga magulang nina Arin at Arthur at mukhang alam ko na kung pano ko malalaman.
Ako ngayon si Detective Zhinli!
---
" Blah blah blah ... Ayyy ayoko na! " sigaw ko tsaka nilapag yung binabasa kong libro.
" Shhh... " sabi nung librarian kaya nagpeace sign ako tsaka sinubsob yung ulo ko sa lamesa.
Nakakainis naman eh. Ang dami ko ng nabasa kaya lang wala man lang nakasulat tungkol sa mga magulang nina Arin at Arthur.
BINABASA MO ANG
99 Days of Freedom
FantasyAzalea is known as the hidden princess. A fantasy story that you'll surely love