Chapter 53: The day before the end

631 28 5
                                    

Azalea Zhinli Centana's POV

Nakahiga lang ako ngayon sa asul kong kama. Hihihi...

"Nakakamiss din pala." bulong ko sa sarili ko tsaka tinaas yung kanang kamay ko na parang inaabot yung kisame. Nandito ko ngayon sa dati kong kulungan este kwarto. Dito na din ako lumaki kaya kahit papano mahalaga sa akin ang lugar na ito.

"Zhinli! Kanina ka pa namin hinahanap. Masusunog kami ni Zaid nang wala sa oras." napabangon naman ako nang biglang pumasok si Ace. Hihihi... Nakakatawa yung itsura niya, ang gulo kasi ng buhok niya  tapos mukha pa siyang pawis na pawis. Mukha siyang ginahasa.

"Nakakatawa yung itsura mo Ace." sabi ko tsaka tumayo. Nagpapalipas lang naman ako ng oras, bukas kasi ang birthday ko. Ibig sabihin, bukas yung laban namin sa mga masasamang pangit na kasama ni Azarin. Sayang nga at di kami makakapagparty.

"Oo na. Nakakatawa na! Ikaw naman kasi umalis ka nang di nagsasabi, yung supladong prinsipe mo tuloy lalong nainis sa gwapong si ako." sabi ni Ace na naglalakad palibot sa kwarto ko. Ano bang sinasabi nito? Kahit naman noon pa masungit na si Zaid.

"Maliit lang pala talaga to." sabi ni Ace habang binubuksan yung kaisa-isang kabinet sa kwartong to. Wala namang laman yan kaya bahala siya. Busy lang siya mangialam ng mga gamit dito sa loob ng may maalala ako.

"Ui Ace, may itatanong ako." sabi ko tsaka tumayo. Nagpaplano akong yakapin siya ng umatras siya.

"Ano yan? Bakit ka mangyayakap! Wag po bata pa ako, tapat ako kay Mitchisel ko." sabi niya na niyayakap yung sarili niya. Napasimangot naman ako. Bakit naman? Masama bang mangyakap tsaka itatry ko lang naman kung bibilis din yung tibok ng puso niya kaparehas ni Zaid. Ganun kasi yun pagniyayakap ko. Nag-aalala kasi ako, paano kung may sakit pala sa puso si Zaid? Waaahh.. Wag naman sana.

"Bawal ba magyakapan pag bata pa?" tanong ko. 17 naman na ako ah tapos mag-e18 na ko bukas, edi di na ko masyadong bata.

"Hindi mo naiintindihan, ang ibig kong sabihin eh bata pa ko para mamatay." sabi niya na parang walang alam yung kausap. Grabe to si Ace, naiintindihan ko naman siya ah. Magulo lang talaga siya, may namamatay ba sa yakap? Siguro nga hindi ganun katalino si Ace kagaya ng sinabi ni Fern. Naku, sana di sa kanya magmana yung magiging anak ni FErn. Hihihi.. pero ok lang din pala kasi masaya kasama si Ace.

"Nakakamatay ba yung yakap?" tanong ko tsaka siya nagpapadyak at ginulo yung buhok niya.

"Ay ewan. Makinig ka Zhinli, si Zaid ang tanungin mo. Mahal ko pa ang buhay,ko  double dead na ko sa masungit mong prinsipe at amazona kong Mitchisel baka mamaya ma triple dead ako sa kuya Asher mo sumama pa si Headmaster Cai... Pano na lang ako?" sabi niya na naiiling na lumabas ng kwarto ko.

Kahit kailan talaga ang gulo niya kausap.

Yara Serafin Mondel's POV

"F*ck... She's not on her room!" sabi ni Zaid na kanina pa paikot-ikot sa buong Academy. Hinahanap niya si Zhinli na kaninang umaga pa nawawala. Lahat naman kami tumutulong na sa paghahanap pero wala talaga siya.Saan naman kaya nagpunta yung si Zhinli?

"Wala siya sa Seekers." sabi ni Amarine na kakabalik lang sa pagiging anyong tao. Nag-ala ibon kasi siya kanina.Handfa na nga siguro kami sa digmaan, sana nga lang maging maayos ang lahat.

"Hmmm... isang lugar na lang!" sabi ni Derah kaya nilingon namin siya. Kakabalik lang niya, busy kasi siya sa pag-aasikaso sa kapwa niya Ada. Sa mga Ada kasi binigay yung misyon na magbalita sa mga Hari at Reyna ng iba't ibang kaharian.

"Where?" tanong ni Zaid. Nag-aalala din naman ako kay Zhinli pero napapangiti ako sa mga kinikilos ni Zaid simula pa kanina. Lahat ng takot ko sa kanya dahil sa pagiging seryoso nawawala pag dating kay Zhinli. Tama nga siguro si Asher, panghabang buhay na siyang mag-aalaga ng bata sa katauhan ni Zhinli.

"Sa dati niyang kwarto kung saan siya nakulong dati." sabi ni Ace nakakarating lang. Mukhang siyang nakipagkarera sa mga Wolfen sa gulo ng buhok at ayos niya.

"What the hell is she doing there?" tanong ni Zaid tsaka nagmadaling umalis papunta siguro dun. Naiwan kami dito ni Ace kasi sumunod si Derah kay Zaid.

"Ang lakas ng tama ni Zaid." sabi ni Ace ma natatawa habang nakatingin sa direksyong pinuntahan nila Zaid. Mabuti pa hayaan na muna namin silang dalawa, kailangan din nating maghanda para bukas.

"Yara." tawag sa akin ni Ace habang naglalakad kami papunta kina Fern na nasa may open field ngayon, nag-aayos kasi sila ng mga gagamitin para sa labanan bukas.

"Hmmm?" nilingon ko siya bago siya ngumiti ng malapad. Mukhang may pinaplano na naman si Ace ah, sana lang di  masapak ni Fern sa kalokohan niya.

Titus Zaid's POV

"Zhinli!" sabi ko pagkabukas nang pinto. D*mn... this girl, I'm dying thinking where she and here she is... sleeping.

"Tsk." sabi ko tsaka umupo sa kama niya. She's sleeping soundly.

"Seriously?" I mumbled as I remove some hair strands from her face. A smile formed from my lips when I saw how she grab my hand and hug it.

"My Princess, please don't make me worry like this." bulong ko habang nakatitig sa kanya. Kung pwede ko lang siyang itago bukas para masigurong ligtas siya, baka yun na nga ang gawin ko pero hindi. May mga bagay na kailangang unahin at kasama sa mga bagay na yun ang mga nasasakupan ng kahirian namin.

"After this, I promise to celebrate your birthday." bulong ko tsaka sumandal patagilid sa kama niya at pumikit. I better stay here holding her hand. Baka kung saan pa siya magpunta.

Zhinli Azalea Centana's POV

Kakamutin ko sana yung kanang pisngi ko at nangangati ng maramdaman kong may nakahawak sa kamay ko.

"Zaid." bulong ko habang nakatingin kay Zaid na tulog na tulog. Nakasandal siya sa kama ko kaya napapangiwi ako. Hindi ba siya nangangawit? Tsaka anong ginagawa niya dito?

"Zaid..." pangigising ko sa kanya kasi mukhang nangangawit na talaga siya.

"Hmmm..." sabi niya tsaka niyakap lalo yung kamay ko.

"Hihihi... ang init talaga nang kamay mo Zaid, buti na lang di nakakapaso." mahina sabi ko habang nakatingin sa kanya. Bakit kaya ang ganda ng mata ni Zaid? Siguro mas cute pa siya sa akin pag naging babae siya. 

"Zaid... kinakabahan ako." bulong ko sa kanya kahit na alam kong tulog siya. Hihihi... ang weird, pero kinakabahan talaga ako. Parang may di magandang mangyayari. Pakiramdam ko, kailangan ko nang magpaalam at sulitin ang lahat para kahit na anong pang kalabasan nito, kahit papano... maging kampante ako na nagawa ko lahat sa labas ng kwartong to.


Aishi's super note:

Oh my gulay na nakakaumay... I'm sorry for SUPER late updates T_T. Unfortunately, nawala na siya sa ranking. So sad... Anyway, last three chapters na lang. Sorry talaga sa late updates! Peace tayong lahat. Muawh!

99 Days of FreedomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon