5

131 28 13
                                    

Honey's POV

Nagkayayaan kami nila Aiko na mag-perya. First time kong pupunta sa lugar na yon kaya excited na excited ako. Pero sana andito si Toppo. Ghad miss na miss ko na siya! Ilang araw na kaming hindi nakakapag-usap. How i wish he's fine.

"Bessy! Are you ready na ba? Viena and Charmaise are waiting na sa labas. Tara go!" Buti nalang andito ang mga kaibigan ko at kahit papaano hindi ako nabobored. Pero iba parin pag si Toppo yung nasa tabi ko.

Nagulat ako ng makita ko si Auke at Ryker. Napatingin agad ako kina Viena at Charmaise na naka-angat na ang mga kilay. Sabi na eh! Nako! Eh ang iinit ng ulo ng mga to sa isa't isa. Sa perya ba talaga ang punta o sa punerarya?

"Hi Honey!" Napalingon ako sa likod at nakita si Parker kasama si Braden na may dala dala pang bulaklak. Argh! Ano ba naman to?! World war three na ba?! Bakit andito din tong si Parker? Aish! Ilang araw ko na nga siyang iniiwasan eh!

"Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw ko kay Parker.

"Yes nga! Why ba kayo nandito ha?! Ikaw Bra! Who told you na sumama?" Inis na sigaw ni Aiko. Eh mortal enemy niya yang lalaking yan eh. Sila ang tunay na aso't pusa.

Tinuro nila si Viena at Charmaise na naka-angat parin ang mga kilay. Ayaw na ayaw kasi ni Viena kay Auke dahil sobrang lakas ng trip manakot at isa pa pervert! Samantalang eto si Ryker nahawaan na din kay Auke! Kaya ayaw na ayaw sa kanila ni Charmaise at Viena. Siguro kaya nila tinawagan tong mga to para pati kami ni Aiko maasar. Aish! Bakit ba kasi naging kapatid ni Aiko tong si Ryker?! Argh!

"Aalis pa ba tayo? Naiinip na ko." Cold na sambit ni Braden. Kung si Aiko sobrang daldal etong si Braden sobrang tahimik at kung magsalita parang taong yelo!

"Honey for you." Sweet na sabi ni Parker pero hindi ko lang pinansin. Ugh! Nagbago na isip ko, mukhang hindi na ko mag-eenjoy dahil andito si Parker! Eh kung isumbong ko kaya to kay Toppo para matuto? Psh, alam niya namang may boyfriend ako eh.

"Sino ba kasing nagsabi kasama sa lakad natin tong mga to?" Tanong ni Charmaise.

"Basta me sinama ko lang yung kapatid ko because mommy won't allow me to go to perya without him." Singit naman ni Aiko. Bumuntong hininga lang si Charmaise dahil wala naman siyang choice lalo na at kapatid ni Aiko yung lalaking kinaiinisan niya.

"Bakit niyo pa kasi tinawagan sila Parker at Braden? Paano nalang pag nalaman ni Toppo to? Nako magagalit sakin yon!" Pagwawala ko.

Kahit na hindi na kami masyadong nakakapag-usap still, loyal parin ako sa kanya. Siya lang ang gusto ko at wala ng iba.

"Wala naman kayong gagawing masama ni Parker. Tara na, anong oras na rin eh." Suggestion naman ni Viena. Kahit na ayaw namin silang makasama no choice padin. Andito na sila eh and si Ryker ang driver namin.

Tatabi na sana ako kay Viena ng biglang sumingit si Auke.

"Si Honey jan! Dun ka nga sa gulong!" Minsan lang magtaray tong si Viena, tuwing katabi niya lang talaga si Auke. Ewan ko ba, nagiging maldita ata kami kapag dumidikit kami sa mga taong to.

"Ayoko nga. Gusto mo bang makakita ng taong walang mukha?"

Nanahimik nalang si Viena at naglagay ng earphone sa tenga. Di ko na sila pinansin at pumwesto sa likod dahil naunahan na naman ako ni Aiko at Braden na nag-aagawan pa sa napakaluwag na pwesto. Ayaw na ayaw talagang magtabi tsk.

"Hi Honey."

Argh! In the end wala paring kwenta yung iwas na ginagawa ko! Lagi nalang si Parker nakakatabi ko!

"So saan ako?!" Gulat na gulat na tanong ni Charmaise ng mapansin niyang tanging sa tabi nalang ni Ryker ang pwede. Oh! Tama, dun nalang ako sa tabi ni Ryker!

"Dito ka nalang Charmaise! Ako nalang sa unahan." Nakita ko ang pagliwanag ng mukha ni Charmaise. Ayoko din naman kasing katabi si Parker kasi for sure kukulitin niya lang ako ng kukulitin. Psh.

"Are you sure? Thank you Honey! Babawi ako sayo mamaya." Ngumiti lang ako at pumwesto sa harap. Anong oras na at hindi parin kami nakakaalis.

Nginitian ko si Ryker at umupo sa tabi niya. Minsan nakakatakot din tumabi sa kanya lalo na't nahahawaan siya sa kapervertan ni Auke. But i trust him lalo na't kapatid siya ni Aiko. Isa pa mabait naman talaga tong si Ryker, maloko lang talaga. Malakas siyang manakot pero napakaduwag naman kapag siya na ang tinakot.

Hinintay ko parin ang pagtunog ng phone ko. Umaasa akong magtetext ot tatawag na si Toppo. Ano naman kayang pinagkakaabalahan niya at hindi niya man lang ako naalala? Top Chua siguraduhin mo lang na nasa akin parin ang puso mo!


Top's POV

I was busy on planning how to surprise her when my mom calls me.

"Top."

"Hi mom. What can i do for you?"

"Top, you need to go home as soon as possible."

"Why? Is there something wrong? May nangyari ba kay Honey?"

Simula ng umalis ako pinabantayan ko na kay Mom si Honey. Alam ni mom kung gaano ko kamahal si Honey at hindi ko kayang mawala siya.

"Actually..."

Binaba ko yung hawak hawak kong singsing. Bakit parang may hindi magandang nangyayari?

"Mom? Anong nangyari?"

"She's, she's in a relationship with Parker. Son, kinalimutan ka na niya."

Napapikit ako sa kinatatayuan ko habang prinoproseso ng utak ko ang sinabi niya. Si Parker? Si Parker na matalik kong kaibigan? Fuck Honey! Saan ako nagkulang? Kailan ako nagkulang?!

"Ahhhhhhhhhhhhhhhh!"

Wala na akong pake kung duguan ang kamay ko. Basta ang alam ko niloko niya ko. Sinayang niya lahat ng effort ko! Ilang linggo palang akong wala sa tabi niya pinagpalit niya na kaagad ako?! Hindi naman pumalya ang pagpapadala ko ng sulat ah? Araw araw pinapadalhan ko siya ng bulaklak at sulat para malaman niyang kahit malayo ako, nasa tabi niya parin ako. Nagsawa na ba siya?

"Akala ko ba mahal mo ko Honey bar. Anong nangyari?" Tanong ko sa larawan niyang nakapatong sa mini table ng gilid ng kama ko.

Paano nga pala kami magtatagal kung kaunting distansya lang namin nagpatukso na kaagad siya. At sa kaibigan ko pa talaga. Paano ko siya papakasalan sa tamang panahon kung hindi niya kayang maghintay? I love her but i think her feelings fade. Hindi nga siguro sapat ang mga sulat na pinapadala ko para lang manatili siya sa piling ko.


Letter [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon