8

110 28 10
                                    

Honey's POV

Umuwi ako sa bahay ng hindi nagpapaalam kina Aiko. Nagbihis ako at nag-ayos. Kahit panay ang tulo ng luha ko hindi ko yun pinansin. Isa lang ang nasa isip ko, kailangan kong magmukhang maganda ngayon. Siguro kaya nagawa ni Top yun kasi hindi na ako maganda sa paningin niya. Baka pag nagkita ulit kami at maayos na ulit ako bumalik na siya sakin. Naniniwala akong mahal parin ako ni Top at alam ko sa sarili kong ako parin ang gusto ni Tita para kay Top.

Ngumiti ako sa salamin bago tumayo. Nag-suot ako ng dress at five inches na heels. Kahit masakit sa paa, titiisin ko wag lang mawala sakin si Top.

"Bessy?" Kunot-noong tawag sakin ni Aiko.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tiningnan niya ko mula ulo hanggang sa paa ko sabay kurap ng dalawang beses.

"What's yan? Anong occasion? Nag-update naman me sa twitter last night but wala akong na-see about occasion."

"Nothing. Umuwi ka na, baka hinahanap ka na sa inyo." Hinila ko siya palabas ng bahay. "Take care okay? Bye!"

"But bes—"

Sinarado ko agad ang pinto. Ayokong malaman ng kahit na sino sa kanila ang mga plano ko dahil for sure kokontrahin lang nila ako. Madali lang sa kanilang sabihin na bitawan ko na si Top pero para sakin hindi.

Sumilip ako sa bintana at nakita kong nakaalis na ang sasakyan ni Aiko.

"I'm sorry bessy."

Lumabas ako ng bahay at pumasok sa sasakyan ko. Pinaharurot ko yun papunta sa bahay nila Top. Kailangan kong maka-usap si Tita. Kailangan kong malaman kung bakit niya nagawa yun, kung bakit siya nagsinungaling.

Papasok na sana ako sa loob ng bigla akong hinarang ng dalawang guard.

"Sorry po pero bawal kang pumasok dito."

"Pardon?" Nabibingi na ba ako? "Excuse me, dadaan ako."

Sinubukan ko silang itulak pero masyado silang malakas. Naramdaman ko rin ang sobrang higpit ng pagkakahawak nila sakin sa braso.

"A-aray! Ano ba nasasaktan ako!"

"Umalis ka nalang para hindi ka na masaktan."

"Ayoko! Kailangan kong maka-usap si Tita! Magkikita pa kami ni Toppo kaya pwede ba umalis kayo jan at bitawan niyo ko!"

Nagpumiglas ako sa kahit na ang sakit na ng braso ko. Feeling ko nauubusan ako ng lakas sa ginagawa nila.

"Sabing hindi ka nga pwedeng pumasok!"

Tumama ang ulo ko sa kotse ko ng itulak nila ako. Dumilim ang paningin ko kasabay nang pagsakit ng ulo ko. Sinubukan kong tumayo pero masyadong mahina ang katawan ko. Naramdaman ko rin ang pagkirot ng paa ko dala ng sobrang taas ng heels ko.

"Anong nangyayari dito?"

Isang hindi pamilyar na boses ang narinig ko. Hindi ko naidilat ang mga mata ko dahil pinapakiradaman ko pa ang ulo ko.

"Nagpupumilit po kasi pumasok ma'am. Siya po yung babaeng pinagbabawal ni Mrs. Chua na pumasok." Mrs. Chua? Si Tita?

"Ako nang bahala dito. Sige na kuya, pumasok na kayo sa loob."

Hinawi niya ang buhok ko at hinipan ang mata ko. Napadilat ako sa ginawa niya. Bigla akong nakaramdam ng inis ng makita ko ang taong nasa harapan ko.

"Para ka namang nakakita ng multo." Naka-ngising sabi niya.

"Hindi ba?" Nginisian ko rin siya. Biglang nagbago ang expression ng mukha niya at nag-taas ng kilay. Tama nga ang kutob ko, unang kita ko palang sa kanya alam ko nang may tinatago siya.

At meron nga, ang sungay niya.

"Sad to say hindi multo ang nasa harap mo." Hinawakan niya ko sa pisngi at nilapit ang bibig niya sa tenga ko. "Kung hindi demonyo."

Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya. Nakaramdam rin ako ng takot pero hindi ko iyon pinahalata.

"Tingin mo ba matatakot mo ako sa ginagawa mo? Kahit pa anong sabihin mo, babawiin at babawiin ko parin kung ano yung sakin." Madiin kong sagot.

Bigla siyang tumawa at nag slow clap sa harapan ko. Gusto ko siyang sabunutan dahil naiirita na ako! Pero hindi ko papairalin yung pagkairita ko. Kailangan siya ang maunang sumabog bago ako.

"At sa tingin mo hahayaan kong mangyari yang binabalak mo? Stupid. Nasa iyo na kasi pinakawalan mo pa."

"Mas tanga ka. Alam mong pag-aari pa ng iba, nilandi mo na."

"Excuse me pero hindi ako ang nanlandi. And fyi again, nung nakilala ko siya wala ng kayo kasi niloko mo. Ngayon na masaya na siya sa iba gusto mo siyang bumalik ulit sayo?"

"Hindi ko siya niloko. Wala kang alam."

"At ikaw? Tingin mo ba alam mo lahat ng pinagdaanan niya?" Nagkatitigan kami sandali bago siya magsalita ulit. "Alam kong nasasaktan ka ngayon. Pero para sa ikakaunlad ng ekonomiya at para sa kaalaman mo, nasaktan din siya noon. Masaya na kami kaya pwede ba lumayo ka na?"

Biglang kumirot ang dibdib ko. Para akong binabato ng mga kutsilyo. Sapul na sapul sa puso ko. Pero hindi ko kayang i-give up si Top. Mahal na mahal ko siya at hindi ako titigil hangga't hindi niya nalalaman ang katotohanan. Hindi ko siya kayang isuko dahil lang sa masaya siya. Selfish na kung selfish pero hindi ko kayang nakikita siyang masaya sa iba.

"I'm sorry pero hindi ko kayang layuan si Top. Ako dapat ang nasa tabi niya ngayon at hindi ikaw. At para din sa kaalaman mo, hindi ko siya niloko dahil hindi ko kayang manloko. Mahal ko si Top at alam kong mahal niya din ako. Kaya pwede ba, ilugar mo yang sarili mo." Tumayo ako tinitigan siya sa mata. "Matindi kalaban ang ex."

Pumasok ako sa sasakyan ko at agad na pinaandar palayo. Hindi ko lubos maisip kung bakit nangyayari sa amin ni Top lahat ng to. Nagmamahalan lang naman kami. Masaya kami sa piling ng isa't isa pero bakit pilit nilang sinisira yun? Bakit hindi nalang nila magawang supurtahan kami?

Napangiti ako ng maalala ko si Parker. Tama! Si Parker ang makakatulong sakin para maayos tong lahat ng to. Kailangan niyang sabihin kay Top na walang kami at kahit kailan hindi magiging kami.




Letter [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon