1

139 29 6
                                    

Honey's POV

Pauwi na sana ako ng may biglang humarang sa daan ko at biglang tinakpan ang mga mata ko.

"T-teka lang! S-sino kayo?! Ano ba!"

Nagsisisigaw ako dun pero ang nakakapagtaka eh wala man lang ni isang tumulong sakin. Marami pa namang tao kanina pero bakit parang nawala na parang bula?

"W-wala akong pera ano ba! Bitawan niyo na ko."

Para akong nakikipag-usap sa hangin. Panay lang ang lakad namin at nakakaramdam na talaga ako ng kaba.

"Sakay." Utos ng isa sa kanila.

Pero hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Mamamaya katapusan ko na pala kapag sumama ako sa kanila. Waaah! Madami pa kaming pangarap ni Top! Hindi pa ko pwedeng mamatay!

"A-ayoko! Saan niyo ba ko dadalhin?!" Pilit kong hinihila yung kamay ko pero masyado silang malakas.

"Buhatin mo na yan." Rinig kong sigaw ng isang lalaki.

Waah! Asan ba si Toppo?! Kailangan na kailangan ko siya ngayon! Hindi ako pwedeng mamatay! Ayoko pa! Gusto ko pang magka-anak kasama si Toppo! Gusto ko pang makita ang magiging anak ni Aiko! Waaaah!

"Bitawan niyo ko! Ano ba?!" Hindi nila ako pinansin at biglang pinaandar ang sasakyan. "Maawa naman kayo sakin! Si Toppo lang ang meron ako. Kung gusto niyo siya nalang kunin niyo! Pero biro lang huhuhu pakawalan niyo na ko."

Ako lang ata ang mamatay na tapos nagagawa pang magbiro. Pero wala na ba talaga akong magagawa?

Nanahimik nalang ako at nagdasal. Halos maiyak-iyak na ko ng biglang tumigil ang sasakyan. Wala na, katapusan ko na nga ata talaga. Hanggang dito na nga lang siguro lahat.

"Baba." Utos nila sakin.

"Oo sige, makakababa ako ng maayos eh. Nakakakita kasi ako diba?" Nakarinig ako ng tawanan sa bandang likod ko.

Inalalayan naman nila ako sa pagbaba. Wow, ang gentleman naman pala ng mga kidnapper na to.

"Saan niyo ba ko dadalhin?"

Naramdaman kong binitawan nila ang kamay ko kaya nakahinga ako ng maluwag. Hindi kaya pinagtripan lang ako ng mga lokong yun?! Aish!

Tinanggal ko yung piring sa mukha ko at isang malaking puno ang bumungad sakin. Ano namang trip nila at dito nila ako iniwan?!

"Mga sira-ulo ba sila?!" Inis na sambit ko.

Kikidnapin nila ako tapos dadalhin dito?! Mukha ba kong kapre?!

Aalis na sana ako ng biglang umilaw ang puno.

"Wow!"

Napatakip ako ng bibig ng makita ang picture namin ni Top sa puno habang napapalibutan ng mga puso. Oh gosh! Para saan to?

Biglang tumugtog ang paborito naming kanta ni Toppo. Nagulat ako ng bigla niya kong yakapin sa likod.

"Happy sixth monthsary Honey."

Oh gosh! Sixth monthsary?! Paano ko nakalimutang monthsary pala namin ngayon?! Kaya naman pala biglang nag-alarm yung phone ko kanina. Shoot!

"Nakalimutan mo no? Hahaha. It's okay, quits na tayo." Yeah, quits na kami dahil last month, siya ang nakalimot.

"Waaah! Akala ko mamamatay na ako kanina! Ikaw lang mag-isa gumawa nito?" Umiling agad siya at may tinuro sa likod ko.

Nakita ko naman ang mga kaklase ko kasama si Aiko na may dala-dala pang banner. Kitang kita sa mga mukha nila ang saya.

"Woah! Thank you so much guys!" Sigaw ko sa kanila.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong naman ni Toppo.

"Sobraaaaaaa!" Sa sobrang saya ko hinalikan ko siya sa labi. Pero smack lang naman kasi maraming naka-tingin. Hehehe

"Ayieee!"

Nakangiti lang si Toppo habang nakatingin sakin kaya naman nag-iwas ako tingin.

"Level up ka na Honey. Hahaha. Pero may surprise pa ko sayo."

Inirapan ko siya at kinurot ng mahina sa tagiliran.

"Heh! Ano yun?"

"Kiss muna ulit." Pagbibiro niya naman pero sinamaan ko lang siya ng tingin.

Tumawa siya ng mahina at pinatalikod ako. Bilang maganda, mabait, masipag, masunurin at sexy'ng girlfriend ni Toppo, tumalikod ako.

Naghintay ako ng ilang minuto ng bigla niyang isuot sakin ang kwintas na may pendant na infinity.

Halos maiyak ako ng yakapin niya ulit ako.

"Simbolo yan ng pagmamahal ko sayo. Mamahalin kita hanggang sa dulo ng walang hanggan."


Letter [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon