Letter 2

208 33 4
                                    

Honey's POV

Natapos narin ang klase ko sa wakas. Pero andito parin ako sa classroom dahil inaantay ko pa si Aiko. Sabi niya kanina wait lang dahil mag twetweet pa siya. Ugh!

"Yes! Leggo home bessy." Sigaw niya.

Inirapan ko lang siya at kinuha na ang gamit ko. Adik talaga sa twitter tong babaeng to eh! Mas madami pa nga ata siyang oras dun kesa sakin na bestfriend niya.

"Bessy, wag na you magtampo. Ang bagal kasi magsend ng tweet ko eh."

"Fine. Samahan mo ko sa locker, iiwanan ko lang mga books ko." Ang bigat naman kasi at ang sakit na ng balikat ko.

Si mama kasi akala mo siya yung mag-aaral. Gusto pa ko gawing nerd.

"Sure. Leggo bessy." At hinatak niya naman ako. Tingnan mo to, kung makahatak akala mo may lakad.

"Dahan dahan naman Aiko!" Sigaw ko sa kanya. Pano naman kasi muntik na kong masubsob.

"Ahe, sorry. Kasi magtwitwitter pa ko, you make bilis." Conyo ever. Nakakainis!

Tiningnan ko lang siya ng masama habang ngiting ngiti naman siya.

Habang nasa hallway kami nagkandalaglagan yung mga librong hawak ko. Kung minamalas ka nga naman oh. Ugh!

"Ay sorry." Sabi ng nakabunggo sakin at pinulot ang mga libro ko.

Teka! Wait! Parang kilala ko yung boses na yun. Agad naman akong napaangat ng tingin.

"Oh? Si honey bar pala to. Haha sorry honey bar. Tatanga tanga ka naman kasi eh." At ako pa ang tanga?! Nakakainit talaga ng ulo tong isang to.

"Excuse me?!" Sigaw ko sa kanya.

Tinaasan niya lang ako ng kilay at umusod ng konti.

"Dadaan ka honey bar? Go." At nginitian niya ko ng pang-asar. Aish!

Bakit ba ko nagkagusto dito?!

"Heh! Alis nga Toppo! Panira ka ng araw." Kinuha ko na yung libro ko sa kanya at umalis na kami ni Aiko. Si Aiko? Ayon tawa ng tawa.

"Titigil ka o titigil?" Pagbabanta ko sa kanya. Kairita talaga.

"O bessy. Hihi joke. Nakakakilig kasi kayo. I think mauubusan ako ng air." Sabay ngiti niya ng pang-asar. Tinitigan ko naman siya ng masama.

Binuksan ko na yung locker ko at ipinasok ang mga libro ko. Nang isasara ko na sana yung locker ko, may napansin akong kakaiba. Isang kulay pink na papel. Kinuha ko yun at napangiti agad. Galing na naman sa Admirer ko.

Tiningnan ko yung papel at napansin kong may 'gwapong admirer' na naman sa dulo.

Nung umulan ba ng katangahan nalunod ka?

Tatawid ka na nga lang sa isip ko nahulog ka pa sa puso ko.

What the?! Kailangan laging may insulto?

Pero teka?! Pano napunta sa libro ko to? Posible kayang kaklase ko ang admirer ko? Ihh. Wala namang gwapo sa klase namin eh! Ang chachaka kaya nila.

"Bessy ano na? T-teka! May bago na naman? Waaaa. Lemme see bessy!" Hindi pa ko sumasagot kinuha niya na agad yung papel.

"Waaah!! Kinikilig ako ano ba yan. Hihihi, sino ba siya? Omg can't wait to see him!!" Hinablot ko na sa kanya yung papel at tinago kasama ng mga papel kanina.

"Tara na. Wag mong pakialamanan yung lovelife ko." Sabay talikod ko sa kanya.

Di ko maiwasang hindi mapangiti. Akalain mo nga namang may admirer pala ako. Sana naman magpakilala na siya. Excited na kong makita at makilala kung sino man siya.


Letter [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon