Viena's POV
Pumuti na buhok ko kakahintay kay Charmaise pero hindi parin siya dumadating. Subukan niya lang talaga magloko makakatikim siya sakin ng kamehameha wave ni Goku.
"Unnie!"
Napalingon ako sa may likuran ko at nakitang nakasimangot si Charmaise. Ano namang problema ng babaeng to? Ngayon ko lang ata siya nakitang nakasimangot. Simula ng nakilala ko siya never pa siyang sumimangot sa harap ko. Siya yung tipo ng babaeng sobrang masiyahin.
"What happened?" Nilapitan ko kaagad siya. Hindi ko naman maiwasang hindi mag-alala lalo na't kapatid na ang turing ko sa kanilang tatlo. Ako yung tipo ng tao na kahit sobrang daldal at masiyahin, nalulungkot din lalo na kung may isang malungkot sa mga kaibigan ko. Gusto ko masaya lang sila palagi.
"Curse that Ryker! Tinakot niya na naman ako!" Si Ryker yung kaklase naming ang hilig manakot. Hindi ko alam kung anong meron sa taong yun at lahat nalang tinatakot niya. Kung hindi lang siya gwapo iisipin ko talaga baliw na siya.
"Ano na namang ginawa niya?"
"Sinundan niya lang naman ako! Aish. Akala ko talaga katapusan ko na kanina! Aish! Kawawa naman tong mundo na to kung mababawasan ang mga magaganda." Natakot na nga siya nagawa niya pang magbiro. Isa din sa mga nagustuhan kong ugali niya yung ganyan. Hindi siya nagagalit ng matagal. Tampo lang tapos pag sinuyo mo, okay na.
"Si Mira ka ba?" Kumunot naman ang noo niya at nginitian agad ako. Alam niya kasing magjojoke ako.
"Bakit? Pft."
"AssuMIRA ka kasi. Halika na nga." As expected, tumawa lang siya ng tumawa na parang wala ng bukas. Pft, never talaga siyang napikon sa mga jokes ko kahit na inaasar ko na siya.
"Ang havey nun unnie! Ako naman." Huminto ako at humarap sa kanya.
"Game. Hahahaha."
"Use narnia in a sentence."
"Use it."
"Ning ang mato! Narnia!" Ginaya niya pa talaga yung action ni Darna kaya lalo akong natawa. Hahaha damn! Mauutot na naman ako neto mamaya.
"Ako din meron. Pft." Ngumiti agad siya. "Sige sige pft."
Narealize niya rin sigurong mukha na kaming tanga dito sa daan. But, who cares? Basta masaya kami.
"Use calamba in a sentence."
"Use it!"
"Charmaise, CALAMBA birthday mo? Hahahahahaha!" Tumawa din siya at nag-apir kami. Kaya nagkakasundo kami ng babaeng to eh.
Naglakad na kami kahit na tumatawa parin. Pero biglang nag-ring ang phone ni Charmaise.
"Si Aiko."
"Anong kailangang ni conyo girl? Pft." Nagkibit balikat siya bago sinagot ang tawag ni Aiko.
"Hello?" Dinikit ko ang tenga ko sa phone ni Charmaise.
"Where na ba kayo? We're waiting kaya!"
"We're on our way na kaya so you make hintay okay?" Natawa kami pareho. Ganyan talaga kami pag kausap namin si Aiko. Nagcoconyo din para suporta sa kanya. Hahaha.
"Whatever! Okay, you make ingat ha? Bye."
Sumakay agad kami ni Charmaise. Pupunta kasi kami sa bahay nila Honey. Mukhang namimiss niya na naman si Toppo. Well, hindi kasi siya dito nag-sembreak kaya ganun. Siguraduhin niya lang talaga na hindi niya ipagpapalit si Honey dun, or else makakatikim siya sakin.
Hindi naman ganun kalayo ang bahay nila Honey kaya nakarating kaagad kami. Sinalubong naman kami ni Aiko.
"Let's go! Kanina pa naka-serve ang food and i'm so gutom na."
"We know. Kailan ka ba nahuli pagdating sa pagkain?" Tanong naman ni Charmaise. Umiling lang si Aiko habang nakangiti.
Naabutan naming tulala si Honey sa sala. Sumenyas ako kay Aiko at Charmaise na gulatin namin si Honey. Knowing Honey sobrang magugulatin yan. Nagbilang ako hanggang tatlo at sabay sabay naming ginulat ni si Honey.
"Ay butiking baboy!"
Nagtawanan kaming tatlo ng makita ng mukha ni Honey. Kahit kailan talaga to. Pft.
"Hello!" Nagyakapan kaming apat pero agad akong humiwalay. Ew, ayoko talaga ng ganyan.
"You know guys, may baong joke si Honey!"
Nagkatinginan lang kami ni Charmaise at umiling. For sure corny na naman yan Lagi namang corny joke niya. Hahahaha.
"Wag na." Sabay irap niya samin hahaha.
"Yie, tampo siya. Game na, promise tatawa kami." Umagree naman sila Charmaise at Aiko.
Umupo siya sa harap namin at tinitigan kami isa isa.
"Saan nagtatrabaho ang mga uling?"
Naweirduhan kaming lahat sa joke niya. Pag eto waley hindi talaga ako tatawa. Mahal kaya tawa ko.
"Saan?" Nagtatakang tanong din ni Charmaise.
"Edi sa coal center."
Tawa lang ni Honey ang nangibabaw sa looob ng bahay nila samantalang kami tatlo nakatingin lang sa kanya. Alam ko namang natutuwa kaming tatlo sa mga joke niya pero hindi lang namin pinapahalat kasi ang sarap niyang inisin. Hahaha.
BINABASA MO ANG
Letter [Completed]
Dla nastolatkówHand written love letters will never go out of style. WARNING: THIS STORY IS UNEDITED.
![Letter [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/29579400-64-k766453.jpg)