Honey's POV
"Makakalabas ka na ngayon miss." Masayang sabi samin ng doctor. Ngumiti lang ako.
Simula ng umalis si Top kagabi hindi parin siya bumabalik ngayon. Saan naman kaya nagpunta yun?
Sobrang saya ko at buhay pa ko. Masaya ako at humingi na ng tawad si Ali sa lahat ng ginawa niya. Sino ba naman ako para ipagdamot ang kapatawaran diba? Lahat naman ng tao nagkakasala.
Nakakalungkot lang isipin na aalis na si Ali. Kailangan niya daw muna kasing lumayo at buuhin ulit ang durog na durog niyang puso. Sayang at di kami makakapag-bonding. Well atleast we're friends na. Mabait naman talaga siya eh, nagiging demonyo lang kapag nagmamahal.
"Bessy i'm so nag-alala last night! I cried because akala ko i won't see you na. Omg bessy give me a hug nga!"
Yayakapin niya na sana ako ng biglang tinulak ni Braden ang mukha niya. Alam niyo yung palad ni Braden? Pfft! Nasa mukha lang naman ni Aiko! Sobrang laki naman kasi ng kamay ni Braden eh, kasyang kasya mukha ni Aiko.
"What are you doing ba?! Get off your hands nga! It's so ewwwwww! Mamaya you make hawak it to your..." Sabay tingin niya sa private part ni Braden. Omg! Kung ano ano na pumapasok sa isip nitong si bessy.
"Gusto mo din eh." Pang-aasar pa ng kapatid niyang si Ryker.
"Yuck! Over my super fabulous sexy body Ryker! Don't make joke nga! Kaya Charmaise is so galit sayo eh!"
Napatingin naman ako kay Darrah na tahimik lang sa isang tabi. Is she still mad at me? >3<
"Wag ka nga. Nananahimik yang si cutting classes girl eh. Iniisip niya kasi kung saang hotel kami mamaya."
Biglang sumama ang awra ni Darrah. Parang kakainin niya ng buhay si Ryker.
"Wala ako sa mood para sakyan yang mga kagaguhan mo ha!"
"Edi ako nalang sakyan mo." Aish! Pervert!
Ayan, nakatikim tuloy siya ultra mega kick sa balls niya.
"Okay ka na ba talaga?" Tanong sakin ni Viena.
"Yep. Okay na okay na." I smile at her and then she nod. Para na talaga namin siyang Ate although mas mukha pa siyang bata kesa samin.
BINABASA MO ANG
Letter [Completed]
Teen FictionHand written love letters will never go out of style. WARNING: THIS STORY IS UNEDITED.