Last chapter

115 27 7
                                    

Honey's POV

"Nasa baba na po ang sundo niyo." Sabi ng katulong namin. Ngumiti nalang ako bilanv tugon.

Hindi ko maalis ang mga mata ko sa salamin. Sobrang kinakabahan na ako. Hindi ako handa sa kung ano mang mangyayari samin ng mama ni Toppo mamaya. Andito rin yung takot sa dibdib ko, takot na hindi niya ulit matanggap yung relasyon namin ng anak niya.

Kinulot ko ang baba ng buhok ko at nag-make up ng light para bumagay sa dress na ibinigay ni Toppo. I am confident naman but everytime na pumapasok sa isip ko ang mukha ng mama ni Toppo, nawawala yun.

"Kaya mo 'to Honey. Nasa tabi mo lang si Toppo ha? Kapag pinalapa ka sa aso tumakbo ka sabay lipad. Kaya mo to! Kaya ko to." Pagpapaalala ko sa sarili ko

For the last time, nag-spray ako ng pabango ko at bumuntong hininga ulit.

Malalagpasan ko din to! Aja!

Nag-paalam na ko kay mama at papa. Pumasok ako sa sasakyang itim. Pinasundo pa kasi ako ni Toppo para masigurado niya daw na makakarating ako.

Hindi pa man nagtagal tumawag siya.

"Toppo?"

"How are you? Safe ka ba jan? Kasama mo ba si manong Elmer?"

I laughed secretly. Masyado siyang napapraning. Should i prank him?

"A-actually...."

"Actually what?! May nangyari ba ha? Bumalik ba si Ali?! Damn!"

Nagkatinginan kami ni Manong Elmer. Tumatawa na din siya. Naririnig niya kasi kami ni Toppo dahil naka-loud speaker yung phone ko.

"Honey answer me! Are you alright?!"

"Toppo i'm okay. B-but..."

Buti nalang at kahit papaano nawawala yung kabang nararamdaman ko.

"But what?! Tangina!"

Napatigil ako sa pagtawa ng marinig ko ang pagmumura niya sa kabilang linya.

Waaaaah! Galit na siya! Hindi ko na dapat siya pinag-aalala eh! Aish!

"Calm down Toppo! I-i just wanted to say na traffic kaya baka matagalan kami. We're fine okay?"

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. He is really worried.

"Pinakaba mo ko. Akala ko may nangyaring masama na naman."

Letter [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon