9

101 27 12
                                    

Charmaise's POV

Naka-upo ako sa lounge habang hinihintay si Viena. Mamayang 3:30 pa kasi ang labas namin. Hindi na ako pumasok dahil late na ko ng 30 minutes.

Yeah, dalawa lang kami ni Viena ang may pasok dahil may bagsak kaming isang subject! Nakakainis kasi imbes na nagbabakasyon na kami eh andito parin kami sa school na to!

"Cutting classes huh."

"Ay negrang sunog!" Sinamaan ko agad ng tingin tong kapatid ni Aiko na prenteng naka-upo sa tabi ko. "Ano bang ginagawa mo dito?!"

"Umuupo." Sabay kindat niya sakin.

"Eh kung dukutin ko kaya yang mata mo jan! Pakindat kindat ka pa di ka naman gwapo!"

"Asus, baka nga pinagnanasaan mo na ko ngayon eh." This time, kinagat niya naman ang labi niya.

NAKAKADIRI!!!! NAKAKAINIS!!! HINDI SIYA NAKAKA-ATTRACT!!! NAKAKABWISET!!!!!!!!!!!!

"TANGINA MO! LIBOG LANG YAN!"

Tumayo ako at kinuha lahat ng gamit ko. Bwiset, ako pa napiling asarin.

"Oy cha! San ka pupunta?"

"Anong ginagawa mo dito? May klase pa tayo ah?"

Ngumisi lang si Viena. Kahit kailan talaga hindi niya ko matiis.

"So san tayo?"

"Kila Aiko haha! Sabi niya kasi movie marathon daw tayo today."

Napansin ko ang biglang paglungkot ng mukha niya.

"Bakit? Ayaw mo ba? O-okay lang naman sakin." Nag-aalalang sabi ko kag Viena.

"Hindi naman sa ganun. Inaalala ko lang si Honey. Kumusta na kaya siya?"

"Oo nga eh. Hays. Miss na miss ko na siya."

Ngumiti siya bigla at hinampas ako sa balikat. "What if i-surprise natin siya? Para kahit papano naman matuwa siya."

"Game ako jan! Sabihan nalang natin si Aiko."

Tumango siya at sabay kaming naglakad papunta sa parking lot. Wala akong idea kung paano susurpresahin si Honey pero gagawin ko ang makakaya ko para mapasaya siya.

Letter [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon