Top's POV
Kanina ko pa sya pinagmamasdan dito sa kinauupuan ko. Ang epic naman kasi, ang daming nakapink. Akala ko pa naman ako lang.
Sa di kalayuan nakita ko siyang umupo. Naiinip na ata siya, tss. Hindi naman ako ganun kalayo pero bakit hindi niya ko makita-kita?
Mukhang aalis na siya kaya naman hinabol ko siya kaagad. Hinila ko siya at yinakap. Wala na kong pakialam kahit na pagtinginan pa kami ng mga tao.
"Tapos kana sa pagsinghot jan?" Napakalas naman agad siya. Halata sa mukha niya yung pagkagulat.
Napakunot naman noo ko sa ginawa niya. Inalog-alog niya ang ulo niya habang nakapikit.
"Hindi. Mali. Mali na naman to. Ugh epic." Tiningnan ko siya ng may halong pagtataka.
"Anong problema?" At hinawakan ko siya sa balikat. Tiningnan ko siya sa mata, tinitigan niya rin ako.
"Ano bang ginagawa mo dito Toppo? Bat kaba nakapink? Ugh epal ka talaga eh." Tanong niya sakin.
May pagka slow din pala tong babaeng to.
Hindi ko alam kung anong nagustuhan ko sa kanya. Andami dami namang babae pero sa kanya pa ko nagkagusto. Oo ako yung nagbibigay sa kanya ng mga sulat. Ang corny no? Di ko rin alam ano pumasok sa isip ko at ginawa ko yun. Akala ko nga di nya papansinin yung mga sulat ko eh. Akala ko mababaduyan siya. Langya. Sa bawat pang-aasar ko sa kanya lalo lang lumalalim yung pagtingin ko sa kanya.
Ang bakla. Pero wala eh, tinamaan na talaga ako sa babaeng to.
"Slow." Pinitik ko yung noo niya.
Napahawak siya sa noo niya at tinitigan ako ng masama.
"Ano ba! Naman eh."
At nag pout pa talaga sa harap ko! Langya naman tong babaeng to.
"Sana anino mo nalang ako." Sana naman magets niya.
"H-ha? Bakit naman?" Hinawakan ko yung kamay niya at tumingin ulit sa napakagandang mga mata niya.
"Para kasama mo ko lagi kahit san ka magpunta." Hinalikan ko siya sa noo at ngumisi. Siguro naman alam niya na.
"T-teka nga lang. A-no yan? I mean para san yan? Ikaw ha bumaba-- T-teka?!!! Don't tell me, i-ikaw yung--" I cut her off. Hinalikan ko siya sa lips pero smack lang naman. Ang bagal maka pick up eh. Laging loading.
"Oo ako nga. Ako si gwapong admirer, surprise?" At nginisian ko siya.
"Omg!! T-totoo ba to? Toppo wag ka namang magbiro ng ganyan." Tingnan mo to. Ayaw pa maniwala.
"Gusto mo ng kiss pa?" Pang-aasar ko sa kanya. "Ako nga yon. Ako lang at walang iba okay? Mahal na kita dati pa Honey bar."
Maniwala ka naman. Rarapin na kita eh.
"W-wait. Dati pa?" Oo paulit ulit. Hirap naman mainlove sa ganitong babae. Hahaha.
"Oo dati pa noon pa, okay? Mahal na kita simula nung una kitang nakita. Ewan ko bakit ikaw pa, di ko din alam, basta nagising nalang ako ng isang araw mahal na kita, hinahanap hanap na kita tapo--" Damn. Napatigil ako sa pagsasalita nang maramdaman ko yung labi niya sa labi ko.
"Ang daldal mo, mahal din kita noon pa." Yan ang matagal ko nang gustong marinig.
Nakakabakla man pakinggan pero siya lang ang nakakapagpabilis ng tibok ng puso ko. Malaman ko lang mahal niya ko sapat na. Hindi ko maipaliwanag yung tuwa at saya na nararamdaman ko. Halo halong emosyon. Basta isa lang ang gusto kong mangyari ngayon. Yun ay ang maging kami. Maging akin siya.
I kiss her passionately. Gusto ko na malaman niyang mahal na mahal ko siya. Sobra pa sa sobra. Hindi ko na pinansin ang mga taong nakapalibot samin na pinipicturan kami. Ang mahalaga ay nasa akin na ang matagal ko ng pinapangarap. Hinding hindi ko na siya papakawalan pa.
BINABASA MO ANG
Letter [Completed]
Novela JuvenilHand written love letters will never go out of style. WARNING: THIS STORY IS UNEDITED.