13

86 28 5
                                    

Honey's POV

"Magandang umaga!" Masayang bati ko sa sarili ko.

Simula ng makauwi ako kagabi hindi na natanggal tong ngiti sa mga labi ko. Hindi na nga ko kumain sa sobrang saya eh. Maisip ko palang na kami na ulit busog na ko.

Nagvibrate ang phone ko. Si Aiko tumatawag. Ang aga niya naman at tumawag? May problema kaya siya?

"Besssssssssyyyyyyy!!!!!"

Nailayo ko kaagad yung tenga ko sa phone. Grabe naman kung makasigaw! Ni-loud speaker ko pa man din. Aish!

"Bessy naman!" Sita ko sa kanya. "Muntik ng mabasag eardrums ko."

Bumangon ako at hinila pataas yung kurtina ng bintana ko. Ang sarap naman simulan ng umaga ko lalo na't okay na kami ni Toppo.

"I'm sorry naman. I didn't sadya naman eh i'm just natutuwa lang sa news like omg diba?"

"Anong news ba bessy?"

"Yah! You're so pabebe pa! I knew it na kaya na nagbalikan na kayong two!"

"H-ha? Paano mo naman nalaman?" Balak ko pa naman sana silang i-surprise. Aish!

"Twitter! You know naman i'm so active there! And then i nakita the post of Topperman, he said that you two are nagbalikan! I retweeted pa nga eh so Charmaise and Viena will kita it. Omg bessy i'm so natutuwa for the both of you! Congratulations! Cheers for your successful for chasing Topperman!"

Napangiti ako sa mga sinabi ni Aiko. She's really the best! Buti pa siya naiintindihan ako. Sana ganun din si Darrah, sana hindi na siya galit kasi inuna ko pa si Toppo.

"Thank you bessy! Balak ko pa naman sanang surpresahin kayo. Hehe."

"It's okay lang naman bessy! Basta you make kwento ha? Or else i will unfollow you on twitter! Hahaha! Kidding! I will end this call na bessy, Ryker is making kulit on me pa eh. Bye bye bessy!"

Letter [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon