6

109 28 10
                                    

Honey's POV

"Talaga ba?! Hindi mo ba ko niloloko?! Oh my gosh! Thank you so much, Ryker!" Napabangon ako sa higaan ko at agad na pumunta sa banyo.

Kaya siguro panay ang tawag sakin ni Parker kanina. Oh my gee! I am so fucking excited right now! Finally! Uuwi na si Toppo! Magkikita na ulit kami! Pagkatapos ng dalawang buwan na wala siya sa tabi ko hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko sa sobrang tuwa. Kumusta na kaya siya? Mahigit kalahating buwan din kaming walang communication, sabi ni Tita busy daw kasi. Well, naiintindihan ko naman yun although nakakapag-tampo kasi nakalimutan niya na naman na monthsary namin nung nakaraang araw.

Nagmadali akong maligo at nag-ayos. 8 am palang naman at ang sabi ni Ryker 10 am pa ang dating niya. Gusto ko lang talagang paghandaan ang pag-uwi niya. I tried to call Darrah pero hindi siya sumasagot. Maybe tulog pa.

"Bessy!"

Napalingon ako sa may pinto at nakita ang nakangising si Aiko. As usual, may dala na naman siyang pagkain.

"Bessy? Aga mo naman ata." Sinuot ko ang hikaw ko habang nakatingin kay Aiko sa salamin. Nilapag niya sa kama ang pagkain tsaka lumapit sakin.

"Ang aga pa but look at you! Sobrang excited pfttt,"

"Of course babalik na yung boyfriend ko. Sino ba namang hindi ma-eexcite?" She brush my hair while pouting.

"Me kaya? Kailan kaya ako magkakaroon ng Top in my life? I'm so inggit na sayo right now!" Umupo siya sa kama at nag-cross arms habang naka-yuko. Aw, nag-dadrama ang bessy ko.

"Bessy, dadating din siy---"

"Hello girls." Napatayo ako ng makita ko si Braden sa may pinto na naka-ngisi. Anong ginagawa ng lalaking to dito?! "Ay girl lang pala, hindi naman mukhang babae yung isa." Cold na sambit niya.

Sinubukan kong wag matawa sa reaction ni Aiko. Namumula na ang tenga at ilong niya at naka-close fist pa. Parang anytime susugurin niya na si Braden at ilalaglag sa hagdan.

"Why are you here?" Tanong ko sa kanya.

"Sinusundo ka."

See? Sinong gaganahan kung ganito kausap mo. Psh.

"When pa you naging driver? Ay sabagay, you look like a driver naman talaga!" Sigaw ni Aiko kaya napatakip ako ng tenga. Ugh! Bakit dito pa nag-away tong dalawang to?!

"I'm not talking to you."

Inawat ko silang dalawa at hinila palabas si Braden bago pa sila magbugbugan sa loob ng kwarto ko. Sadista pa naman si Aiko kapag inis na inis na.

"Kaya ko namang pumunta mag-isa sa airport isa pa kasama ko naman si Aiko so hindi na kita kailangan. You can go home na." Nakangiting sambit ko.

Umiling siya at umupo sa sofa. Aba't!

"Hindi sa airport ang punta mo. Bilisan mo na, naghihintay na sila."

"Anong sinasabi mo?!"

Hindi niya ko pinansin. Walang modo! Kung ganun? Saan naman kami pupunta? Inis akong umakyat sa kwarto ko at nag-suot ng sapatos. Hindi ko na napansin si Aiko dala narin ng inis ko kay Braden.

Bumaba kaming dalawa at sumakay sa sasakyan ni Braden. Noong una ayaw pa ni Aiko na sumakay, pero nung pinaandar na ni Braden yung engine tsaka naman siya kumaripas ng sakay.

"Sasakay din pala." Bulong ni Braden.

Habang nasa sasakyan kami hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kaba. Ilang buwan ko siyang hindi nakita. Ano ba dapat ang una kong gawin? Yakapin siya? Ngitian? Tumakbo papaunta sa kanya? Hayaang siya ang maunang lumapit? Ugh! Ano bang gagawin ko?!

Letter [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon