7

92 28 9
                                    

Top's POV

"Ah, Alicia right?" Napa-angat ako ng tingin. "Baka gusto mong mag-ikot ikot?"

"Hindi na. Dito lang siya sa tabi ko." Mariin kong sagot.

Nagsukatan kami ng tingin. Hanggang ngayon pinipigilan ko parin ang sarili ko na suntukin siya. Hindi pa ba siya kuntento kay Honey? Pati ba si Alicia balak niya pang landiin?

"What is happening here?"

"Wala po tita. Sige, una na ako." Nag-paalam siya kay mom bago lumakad palayo. Hinawakan ni Ali ang kamay ko at pinisil.

"Are you okay?" Tanong niya.

Nakilala ko si Ali sa isang bar noong gabing nalaman ko ang lahat. Hindi niya ako iniwan noon kahit na pinapaalis ko siya. Kalog siyang babae at hindi mahirap pakisamahan. Pareho kaming niloko noon kaya nagkapalagayan kaagad kami ni loob. Hanggang sa niligawan ko siya at sinagot niya ako.

"He's okay for sure. Naninibago lang yan. Halika iha, masyadong mainit dito."

Hinalikan niya ko sa pisngi bago tuluyang tumayo. Ramdam kong may nakatingin sa amin pero hindi ko yun pinansin. Tss, wag siyang magkunwaring apektado siya ngayong may girlfriend na ako.

"Gusto mo na bang umuwi?" Rinig kong tanong ni Viena.

"Let's go uwi nalang bessy. I don't like the atmosphere here eh." Napapikit ako habang nakikinig sa usapan nila. Bakit pakiramdam ko ako ang may maling ginawa dito?

"Okay lang ako. Pwede bang iwan niyo muna ako?"

Kabisadong kabisado ko parin ang boses niya kapag malungkot siya. Tss, para saan naman lahat ng inaarte niya? Bakit hindi nalang siya makipag-lampungan sa boyfriend niya.

"Bessy,"

"Tara na. Hayaan na muna natin si Honey."

"Anjan lang kami sa kabilang bench, senyasan mo lang kami pag kailangan mo ng resbak."

"Bessy make sure na hindi you iiyak okay? I don't want to see you crying."

"Tara na."

Dumaan sila sa harap ko at isa isa akong tinitigan. Inirapan pa ko ni Aiko at Charmaise. Tanging si Viena lang ang nakangiti. Ako ang naloko ako pa ang masama? Hindi ba sila aware sa ginawa ni Honey? Tangina.

"Can we talk?"

Hindi ako lumingon sa likod. Ramdam ko ang presensya niya pero hindi ako sumagot. Ayoko siyang kausapin, ayokong makarinig ng kahit na ano mula sa kanya.

"Toppo,"

"Hindi ako si Toppo." Mabilis na sagot ko. Kakasabi ko lang na hindi ko kakausapin eh. Tss.

Nakita kong naglalakad palayo sina Parker, Ryker, Auke at Braden kasama sila Viena. So close na din pala sila? Tss.

"Ano bang nangyayari sayo? A-ano bang problema natin?"

Tatayo na sana ako ng bigla niyang hilahin ang damit ko. Yinakap niya ko bigla na siyang nagpatigil sakin.

"Toppo ano ba. Joke lang to diba? Isa to sa mga prank mo eh. Kilala kita Toppo, hindi mo ko ipagpapalit sa iba diba? Forev—"

"Shut the fuck up!"

Tinanggal niya ang kamay niyang naka-yakap sakin. Hinarap ko siya at kitang kita ng dalawang mata ko ang pagbagsak ng luha niya. Gustuhin ko man yung punusan, hindi na pwede.

Letter [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon