11

87 27 8
                                    

Alicia's POV

"Marry me."

Natigilan si Top sa sinabi ko. Wala akong pake kung masyado pang maaga. Ang mahalaga sakin ay ang hindi siya maagaw sakin ng ex niya. Hindi ko kaya.

"But babe,"

"No buts babe. If you really love me, marry me. That's all."

Simula ng dumating si Top sa buhay ko nagkaroon na ko ng rason para ipagpatuloy ang buhay ko. Simula ng hiwalayan ako ng ex ko, nawalan na ko ng gana sa lahat. Pero masyadong mabait si kupido at pinana niya ulit ang puso ko at puso ni Top. Kaya ngayon? Hindi na ko papayag pang iwan ulit.

"Hindi ko pa kaya babe, i'm sorry pero kasi---"

"Maghiwalay na tayo."

Malakas ang loob kong sabihin kay Top na maghiwalay na kami dahil alam kong hindi siya papayag, lalo na si Tita. Botong boto siya sakin at alam kong hindi niya hahayaang maghiwalay kami ni Top.

"Babe, mahal kita. Mahal na mahal pero hindi ba't masyado pa tayong bata para ikasal? May mga pangarap ako sa buhay at ikaw din diba? Babe, abutin muna natin yung mga pangarap natin bago tayo magpakasal."

"No. Pwede naman nating abutin yung mga pangarap natin kahit kasal na tayo ah?"

"Babe mahirap yon. Trust me, ikaw lang naman eh. Ikaw lang yung gusto kong makasama habang buhay."

Umiling ako, "Mahirap panghawakan ang salita Top."

Napasabunot siya sa ulo niya. Kitang kita kong nahihirapan siya.

Masama ba? Masama bang manigurado? Masama ba kung gusto ko na siyang angkinin? Na gusto kong ako lang? Masama bang hilingin na sana kami na hanggang sa pagtanda ha? Masama na ba yun?

Ayokong maiwan ulit. Ayokong maramdaman yung sakit ulit. Ayoko na nung gabi gabi kang iiyak dahil namimiss mo na siya at dahil gusto mong ibalik yung kayo ulit. Ayoko na maramdaman lahat ng yun!

"I'm really sorry babe pero hindi ko pa kayang magpakasal. Mahal kita."

"Okay then. Goodbye."

I'm sorry Top. Kung ayaw mo pwes ako mismo ang gagawa ng paraan para maikasal ka sakin. I will talk to Tita and i will make sure na maikakasal tayo bago pa tuluyan kang maagaw sakin ng ex mo.

Letter [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon