Top's POV
Tumalikod ako dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mayakap ko siya. Sobrang sakit makitang umiiyak siya sa harapan ko. Gustong gusto ko siyang i-comfort pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko may mali.
Pero hindi eh, ano yung nakita ko kahapon?
"But tita!"
Napahinto ako ng marinig ko ang sigaw ni Ali. Andito siya? Simula ng iwan niya ko sa supermarket hindi ko na siya natawagan. Hindi din naman siya umuwi dito.
"I said no Ali. Stop it."
Boses ni Mom yun ah? Ano bang pinag-uusapan nila?
Naglakad ako papunta sa kusina at naabutan ko si Ali na nakatayo sa harap ni Mom. Nag-aaway ba sila?
"Do something tita! Hindi ako tumatanggap ng no! Gusto kong makasal kami ni Top naiintindihan mo ba yun? Boto ka naman sakin diba?"
"Boto ako sayo bilang girlfriend niya, hindi para maging asawa. And isa pa, ang babata niyo pa! What happened to you Ali?"
"Don't tell me tita mas gusto mong yung ex niya ang mapangaswa niya?!" Nagulat ako sa inasta ni Ali. Hindi ito ang kilala kong Ali.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
"Of course not! Tingin mo ba paghihiwalayin ko sila kung boto ako sa kanya? But Ali iha, hindi pa kayo pwedeng ikasal. Magagalit sakin ang Dad mo sa oras na ginawa ko yun."
"Totoo pala. Totoo pala lahat ng sinasabi ni Honey."
Nagulat silang dalawa ng makita ako. I can't believe this. Sarili kong ina sinira ang buhay ko? Pucha naman!
"S-son listen to me first I-i can explain it to you,"
"Hindi na Mom, ngayon alam ko na. Ayaw mo kay Honey para sakin kaya mo kami pinaghiwalay diba? Lahat ng sinabi mo sakin noon puro kasinungalingan lang!" Tiningnan ko si Ali na nakayuko. "Minahal kita Ali pero mukhang nagkamali ako. Niloko mo ko."
BINABASA MO ANG
Letter [Completed]
أدب المراهقينHand written love letters will never go out of style. WARNING: THIS STORY IS UNEDITED.