3

109 31 7
                                        

Honey's POV

Matatapos na pala tong semester na to. Bigla akong nalungkot ng mabalitaan kong magshi-shift ng course si Top. Same school parin naman kami pero kasi mahirap na. Paano kung may makilala siyang ibang babae dun sa department nila? Paano nalang ako?

"Cheer up Honey. Hindi naman siya aalis." Sabi ni Viena na busy sa pagmamake-up. "Wag mo masyadong higpitan. Ikaw din, baka masakal yan."

Napayuko ako sa sinabi niya. Masyado na bang mahigpit kung sasabihin ko sa kanyang wag na mag-shift? Natatakot lang naman kasi ako eh. Ayoko lang na malayo siya sakin. Sanay ako na lagi ko siyang kasama.

"You should trust him if you want na magtagal kayo. And isa pa, mahal na mahal ka niya so you don't need to worry bessy." Singit naman ni Aiko na punong puno ang bibig. Ang takaw niya talaga haha. Patagal ng patagal, palobo siya ng palobo.

"Tama yon." Sigaw ni Darrah sa banyo. Well, ako lang talaga ang tumatawag kay Charmaise ng Darrah. Wala lang, gusto ko lang na maiba.

"Okay okay. Sorry. Natatakot lang ako." Inabot ko yung tissue at nagpunas ng kamay. Bakit kasi naisipan ng mga lokaret na to na kumain ng nakakamay eh.

"Kaming bahala pag nagloko si Top. Diba?" Tumango naman si Aiko at Viena. Aw, so blessed to have them!

"Thank you guys!"

Tinext ko si Top at sinabing magkita kami. Hindi narin kasi kami masyadong nagkikita kasi busy sila sa paghahanda sa big event ng school. Naiintindihan ko naman siya, para sa event din naman yon eh. Atleast hindi niya parin nakakalimutang tumawag at magtext kahit pa yung mga letters. Naglalaan parin siya ng oras para sa lahat ng yon.

"Honey bar." He kissed my forehead and smile. "What's wrong?"

"I just missed you." Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Kahit pawisan na siya ang bango niya parin. 1 week nalang at sembreak na namin. Of course hindi ako masaya! Kasi next semester wala na si Toppo sa tabi ko. Hays.

"Hey, anong nangyayari sayo? May problema ba?"

"Eh! Sabi ko i miss you!" Tumawa siya ng mahina at ginulo ang buhok ko.

"I miss you more. I miss you every day, every hour, every minute and every second of my life." He never fails to make me smile.

"I love you."

Ngumiti lang siya at hinalikan ako. It was just a peck pero ramdam ko na mahal na mahal niya parin ako.

"Payag na ko. Payag na ko na mag-shift ka. Basta ipangako mo na hindi mo ko ipagpapalit!" Sinamaan ko siya ng tingin. Ngumiti siya at kinuha ang kamay ko. Hinalikan niya to habang nakatitig sakin. Eto na naman yung puso ko, may karerang nagaganap na naman. Ang dami na namang hayop sa tyan ko. Haha.

"Ikaw lang ang nag-iisang Honey bar ng buhay ko. Ikaw lang ang minahal ko, ang mahal ko at ang mamahalin ko." For the second time, he kissed me again.

"Promise?"

"I promise. Wala namang magbabago. Akin ka, sayo ako." Hindi ko na natago ang kilig ko kaya kinurot ko siya sa tagiliran. Aish! Sa simpleng mga banat niya lang, halos sasabog na yung dibdib ko.

"Kain tayo?"

Biglang nagbago ang expression ng mukha niya at bumuntong hininga. I knew it, hindi na naman siya pwede.

"It's okay. Next time nalang." Pinilit kong ngumiti kahit na sa kaloob-looban ko sobrang lungkot ko. Namimiss ko na siya kasabay kumain. Yung susubuan niya ko, yung nagtatawanan kami habang nagsasakitan. Hays.

"I am really sorry Honey. Babawi ako sayo okay? Pagkatapos na pagkatapos neto hinding hindi na ko mawawala pa sa tabi mo." He assured me with a kiss.

Wala naman akong magagawa pag sinabi niyang babawi nalang siya next time. Kailangan ko lang talagang siyang intindihin sa ngayon. Magtitiis muna ako. For sure sandali lang naman to, ilang araw nalang at event na and sana makabawin na siya sakin.


Letter [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon