14

89 28 5
                                    

Honey's POV

"Bitawan mo sabi ako eh!" Sigaw ko kay Ali.

Kanina niya pa ko sinasabunutan at hinihila pakaladkad. Sobrang dami ko ng sugat sa katawan. Ang hapdi narin ng mukha ko dahil ilang beses niya na kong sinampal.

Alam ko dapat hindi na ko lumalaban pa pero hindi ko kaya. Ayokong mamatay.

"Shut up or else ipapaligo ko sayo tong muriatic acid na hawak ko."

Hindi ito yung Ali na kilala ko. Maybe i was wrong, hindi ko pala talaga siya kilala. Hindi ko akalaing hahantong kami sa ganito.

Top please, iligtas mo ko.

"Bakit kailangang dumating sa ganito Ali?"

Napatigil siya. Humarap siya sakin at nanlilisik ang mata. Nakakatakot siya.

"It is all your fault! Kung hindi ka sana bumalik, kung hindi mo sana kami ginulo edi sana walang ganitong nangyayari!"

"But Ali akin siya! Ako yung nauna so akin siya! Nakihati ka lang Ali! In the first place wala naman talagang sayo!"

Hindi ko alam kung saan pa ko humuhugot ng lakas para makipagtalo pa kay Ali. This is also my way para matagalan siya sa kung ano mang plano niya. And malakas ang kutob ko na this time papunta na dito si Toppo. Alam kong dadating siya.

Ganun naman lagi diba? Dadating lagi yung taong mahal natin sa oras na nasa panganib na tayo.

"Simula nung sinaktan mo siya wala nang sayo Honey! Nawalan ka na ng karapatan sa kanya nung iwan mo siya naiintindihan mo ba?! Kaya sino ka sa palagay mo ngayon para kunin siya sakin ha?!"

Pain and anger all over her eyes. Nakakatakot siyang tingnan.

Biglang kumirot ang pisngi ko, pati ang buo kong katawan ng subukan kong umalis sa pagkakatali niya sakin.

"All my life si Top lang yung nagparamdam sakin ng ganito. At hindi ko na kaya pang mawala siya sakin!"

"Pero Ali ako ang mahal niya."

Oo alam kong nasasaktan si Ali. Pero hindi naman pwedeng dalawa kami kay Top! Pareho kaming nagmamahalan at alam ko sa sarili ko na ako ang para kay Top.

Letter [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon