10

20 1 0
                                    

#10:

CHAOS' POV

Sinundo ko na si Cassoy. Tsk, leche naman kase eh! Ginising ako ng pagkaaga-aga nung mga Siraulong katulong dun sa Bahay nila Tanda!

Futa! 10:32 AM?? Maaga pa yun sakin! Tsk. Kabanas nga naman, ngayong nahanap na daw ni Lolo si Sophia.. Eh dun na daw din ako makikitira sa Bahay nila ULI. Para mabantayan ko daw si Sophia.. Langya! Ginawa pa akong Tagabantay-Baliw.

So which means, wacko have to spend the rest of her life there at Walter Easton's Hell House. -_-

"Bilisan mo nga! Para kang Ninja Turtle sa Bagal eh!"

"Hindi kaya sila Mabagal!"

"Ms. Paris! Ba't po nagalsabalutan kayo? aalis ka po ba?? Susunod ka ba sa Dad mo?"

"Ha? Hindi Manang.. uggh Vacation lang ^___^" Habang akay-akay niya ang mga Maleta niya.

"Ha? Hindi pwede hija."

"Bakit?" Malakas ata ang topak ng babaeng to e. Hindi man lang nag-isip agad ng MAS KATANGGAP-TANGGAP na dahilan. -_-

"Ang hirap neto... Basta hija, Hindi ka pwedeng umalis. Masyadong delikado. Hindi mo maiintindihan sa ngayon, pero maiintindihan mo rin, merong mga panahon.. meron ring hindi.. gaya ngayon, pero maiintindihan mo rin."

Napaisip ako sinabi nung Matandang babae.. Huh? Anlabo. Pati rin ata si Cassoy walang alam sa sinasabi niya.

Ayoko na ngang makinig, Wala naman akong madedekwat dito e.

Tinapon ko na sa labas ng bintana ang pang-limang sigarilyo na naubos ko sa kakaantay sa kanya.

(-_-)

"Tatlong oras akong nag-antay sa pagbabalut-balot mo. Tell me, ilang oras din akong mag-aantay bago ka makarating sa sasakyan ah? Kaasar."

"FYI. Tinulugan mo ako sa loob ng Tatlong Oras nayun! Natulog ka hindi Nag-antay! Hmmmp.. ><"

"Pareho na din yun. Boring"

"Kung tinulungan mo sana ako, edi mas matulin pa sa alas-kwatro akong nakarating dyan sa Sasakyan mo!"

"Anong sinabi mo?"

"Wala.. Salamat Manang! Grabeh.. Talagang hindi ako pinagpawisan eh! Hahaha. Andami kaseng tumulong.. May God bless you po! Bye ^___^"

Tinitingnan niya pa ako habang sinasabi niya yun. As if makokonsensya ako? UMASA SIYA.

"P-pero hija.."

"Opo. Bye na po.. Trust me, Aalagaan ko ang sarili ko :)" tsaka niya ako liningon. Yung matanda, napabuntong-hininga nalang. Malamang, sumuko na sa katigasan ng bungo ni Cassoy.

"T-teka.. Destin? Saan ko to Ilalagay?" Turo niya sa dalawang Malalaking Maleta niya.

"Ewan, Ilagay mo muna dyan sa tabi.. Ipapakuha ko nalang yan dun sa mga Tao-tauhan ni tanda."

"DESTIN!!" May plano ba siyang bingihin ako? Tss

"Futa. Ano?"

"Nakakainis ka naman eh! Pagod na pagod akong buhatin to, tas Ipapadeliver mo lang pala??"

"Oh. Tapos?"

"Eh nakakaasar ka eh! Hindi ka na naawa sakin! Hmmp.. >3<"

"Dati pa akong walang-awa. Tsk, ano? Sasakay ka ba o pasasagasa ka nalang dyan?? cause I'm more than willing to do you that favor."

Cross My Heart And Hope You'll Die! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon