CHAOS: POV
Nakasalubong ko si tanda.. pababa na sana ako mula sa kwarto ko para lumanghap ng preskong hangin pero... ang nakasalubong ko, Hari ng LAHAT ng masasamang hangin sa balat ng lupa.
-_-
"Magbihis ka Chaos. Sasamahan mo si Sophia.." di ko siya pinansin.
"Chaos.."
"Pwede ba, Tantanan mo ako! Wag kang magbait-baitan sakin.. di ako sanay" nagpatuloy na ako sa paglalakad papasok ng kwarto ko.
Maya-maya may kumatok.
"Destin!! Destiny? Tapos ka na ba? Aalis na tayo.."
"UMALIS KA MAG-ISA M---" Napatigil ako, bumukas ang pinto at nakita ko si Lolo.. sa tabi niya.
"Destin, apo! May sinisigaw ka? ^___^"
"O-oo na. Aalis na tayo. Magbibihis na!" Nyeta.
Tsaka ako dali-daling nagbihis. Pero syempre, sinara ko muna ang pinto. Hindi ako ganun ka-confident.. Putrages! Naman talaga. ginagawa niyang bioweapon ang Lolo sakin!
Natulog lang ako sa loob ng sasakyan. Nung makarating na ata kami, tsaka niya ako ginising..
Ginising niya ako sa flash at ingay ng camera niya. Futa. Yan na naman siya. Dati, ganyang mudos din ang nagpagising sakin e! Pede namang humiling siya sakin ng isang shot e. Pwede naman, papayag naman ako. Basta may bayad.. Magpaalam lang siya ng maayos.
Di yung nagaala paparazzi siya! Habang natutulog ako! Potangina. Isturbo e!
Pagkalabas ko.. mistulang nalaglag ang panga ko sa lugar na kinakaharap ko...
SIMBAHAN?
Anong ginagawa ko rito? O_______O
"Pasok na tayo!" Masigla niyang pahayag at hinawakan niya ang kamay namin ni Alien. At hindi lang basta hawak! Talagang naka-pulupot ang daliri niya sa akin, peste. Ibinuwal ang pugita! parang holding hands ata talaga! Bullcrap, parang nabato ako.
Im feeling nostalgic, at hindi ko gusto ang takbo ng puso ko ngayon.. Bakit? Bakit ko to nararamdaman ngayon? Akala ko ba Wala na. Patay ka ng puso ka! Patay ka na dapat. Wag kang pasikat, di ka artista. Bwisit.
0_0
Pumasok kami sa loob. Ngayon lang ulit ako nakapasok sa simbahan simula nung maaksidente ako. Ngayon ko nga lang uli naalalang, naaksidente pala ako.. Ang tagal na no? halos dalawang taon na pala. Mali, isang taon at tatlong buwan na.. ay apat? Ewan.
Alam ko naman kasing wala akong lugar dito dahil matagal ko ng isinangla ang kaluluwa ko para lang makapaghiganti ako. Pero ito na eh... Buti nga't hindi ako natusta. Hindi pa talaga ako tuluyang naging, demonyo.. sa lagay kung to.
Lumuhod sila, pinikit ang mga mata at nagdasal. Di kalaunan ay gumaya na rin ako sa kanila. Hindi ko alam kung bakit ako gumaya, lumuhod lang ako para magkaroon ako ng pagkakataong makita ang maamo niyang mukha..
Shit, Ito na naman ako, pang-ilan nato. Hindi ko na naman iniisip ang mga pinagagawa ko.
Agad akong tumayo tsaka naglakad papalabas ng simbahan. Ni hindi ko nga alam kung bat ako dapat lumuhod dun e.
Kabaliwan.
Isipin niyo nga, Kung meron mang ama sa ilalim ng marangyang papawirin.. Bat niya tayo pinabayaan dito sa impyernong to?! Nahihirapan tayo, samantalang siya nagpapakasasa sa kaginhawaan niya.
BINABASA MO ANG
Cross My Heart And Hope You'll Die! (Completed)
UmorismoChaos is a 17 year-old rebel guy. He got his kicks from stealing, lived like he'll be drop dead in a matter of seconds and go for greater lengths of liberating, that almost end his life.. he wanted to live desperately that he'll risk his life, livi...