CHAOS : POV
Hindi..
May nakikita akong mga bagay na matagal ko ng pinagsarhan sa memorya ko.
///Flashback///
"Saan mo ako dadalhin?" Tanong ko kay Austyn habang nagmamaneho siya ng kotse niya.
Wala kase ako. Hindi naman ako tunay na anak para mag-demand! -_-
Minor lang kami, alam namin yun. Pero maraming connections si Tanda, kaya Walang problema.
"Secret!" Ngumiti siya, nakitawa nadin ako.
"Gong-gong! maghulos-dili ka sa mga surpresa mo. Kundi, sasapakin kita!"
Enjoy na enjoy pa akong naa-under ko siya ng biglang dinugtungan niya.
"Surprise namin ni Papa yun sayo!"
Si Tanda? Tsk.. Mabilis pa sa alas-kwatrong nagbago ang mood ko.
"Ihinto mo. Bababa ako."
"P-pero.. matagal mo na tong gusto!"
"Ibang storya na pag kasali si tanda.. Alam kong walang idudulot na maganda yun!"
Bumuntong-hininga siya.
"Ba't naman naging iba ang pakikitungo mo kay Papa?"
"Alam mo na.. Bata pa lang tayo, may malaking linya na nakapagitan satin.. di tayo pwedeng magsama. Isa akong kahihiyan sa pamilya niyo."
Naalala ko pa nga, kung paano ako pinagbawalan ni tanda na makipag-usap sa kanya sa harap ng mga tao. Kung bakit hindi ako pwede maglalapit kay Austyn sa labas ng bahay.. kung bakit kailangan kong mag-ingat. Yun pala yun.. dahil sampid ako. Ngayon alam ko na.
"Mali ka. Hindi ka kahihiyan.. at kahit ano pang sabihin ng mga tao sa oras na malaman nila ang totoo, still it won't change the fact.. kapatid kita at lahat gagawin ko, maprotektahan ka lang." Ngumiti siya, "Magulo pa lang ngayon.. hindi pa tayo kompleto kase.. busy si Papa at pinoprotektahan niya tayo. Pero maniwala ka.. mahalaga ka sa kanya."
"Ikaw ngang anak, nag-tatalo nga kayo, Kami pa kaya? IMPOSIBLE!"
"Hindi kami nagtatalo ni Dad.. may inaayos lang kami"
"Sino? AKO ba? Nagtatalo na naman ba kayo, dahil sakin?!"
"Hindi."
Sinungaling. Narinig ko pa nga si tanda, bago tayo umalis e, nagsabing, 'You are being reckless chaos! Alam mong delikado!' Naalala ko yun.
"Stop acting like an old man, it's nauseating" -_-
"Rumespeto ka, KUYA mo ako!"
"Magka-edad lang tayo, Austyn."
"Still, Kuya mo ako." Ngumiti na naman siya.
Agad naman akong nabuhayan ng loob sa mga hugot lines ng kapatid ko. Tingnan niyo, kahit sampid ako.. may umaalala sakin. Hindi naman pala ako ganun ka-malas.
"Sana nga.."
"Kaya nga.. nandito tayo e! May ipapakilala siya sayo. Matagal mo ng gustong makasama ang taong to.. at sigurado kaming matutuwa ka nito, panigurado."
Para naman atang nagsisiputokan na ang ang ugat ko sa puso sa sinabi niya. Di kaya... hindi.
"Oy chaos! Hindi ka man lang ba magtatanong kung ano ang surprisa namin?"
"Surprisa nga diba?" -_-
"Mali! Hindi to bagay.. Tao to! At alam kong matutuwa ka!!"
Eto na.
BINABASA MO ANG
Cross My Heart And Hope You'll Die! (Completed)
UmorismoChaos is a 17 year-old rebel guy. He got his kicks from stealing, lived like he'll be drop dead in a matter of seconds and go for greater lengths of liberating, that almost end his life.. he wanted to live desperately that he'll risk his life, livi...