32

11 0 0
                                    


CHAOS: POV

I know what I was about to say would either be my ticket to freedom or my death warrant.. but either ways, I'd still be hurt.

"Eto ba ang hinahanap mo?"

Nakita ko kung paano nag-iba ang mukha niya, napaupo siya habang tinititigan ang papel na hawak ko..

Di pa sana ako susuko, di pa sana ako magpapadala sa sakit na nararamdaman ko, ngingiti pa dapat sana ako.. but the way she looked at this paper, she is somewhat afraid and pained.

Ayaw kong makitang nakaganyan ang reaksyon niya. Gusto kong lapitan niya ako at sabihin niya mismo sa mukha ko na, JOKE LANG TO! o ba kaya'y punitin niya ito gaya ng pagpunit ng mga bayani natin sa sedula noon, pedeng Ako na lang din mismo ang pumunit kung tinatamad siya.. di yung tinititigan niya ako ng ganyan. Kase.. that reaction of hers,

Those stares, verify that what is written in this goddamn piece of paper is somehow.. true, and for the second time, I feel like a part of me just died..

Dahan-dahan siyang tumayo tsaka naglakad papalapit sakin, sinundan ko lang siya ng tingin but she didn't even make any eye contact. She was just staring in a void while walking aimlessly, till she walked past me.

And I let her go..

Nakatayo lang ako dun, tinititigan ang hawak kong papel.. isang pirasong papel lang 'to but, it did rip my only hope..

Pagtalikod ko, nawala na siya.. dali-dali ko siyang sinundan, dala-dala ko parin ang papel na binigay niya sakin nung Birthday ko, na naglalaman ng mga bagay na kailangan kong gawin para makaalala.. but it appeared to me, that I had the wrong list.

"Queen!"

Naabutan ko siya sa daan kung saan ko siya muntikang nabangga noon.

"Sophia..!" I held her hand so tight, ayoko ng mawala siya.

She tried to run but I restrained her. She struggled, helplessly but I enveloped my arms around her.. gusto kong malaman niya na, andito lang ako. Hindi ko siya iiwan kahit na..

"A-alam mo na?" she said between her sobs, "Alam mo ng may eraser ako dito.." turo niya sa ulo niya.

Tinignan niya ako, halos malaglag na ang puso ko sa bigat ng nararamdaman ko.. without opening my mouth, I nodded. Natatakot ako na pag ibinuka ko ang bibig ko, humagulhol ako sa harap niya.

Naitakip niya sa mukha ang dalawa niyang kamay habang umiiyak. Tsaka ko siya inakap uli.

"N-nalaman ko kay Kyle, nalaman ko sa doctor mo.. yung doctor na kinausap mo nung na-ospital si Aliz, kinausap ko rin siya.. gusto ko ngang batukan yung doktor na yun e, kase ayokong maniwala sa pinagsasabi niya, kaso.. nalaman ko rin sa Dad mo. Nalaman ko sa mga gamit mo.. sa sulat mo. At ang pinakasakit pa, tangina lang.. Inamin mo."

Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya,

"Ikaw na nga lang ang tanging pag-asang kinakapitan ko e.. Isang sabi mo lang, maniniwala na ako. Sayo lang ako makikinig.. basta, sabihin mo lang na.. parte na naman 'to ng plano.. na may bago na namang plano. Plano na lokohin si Chaos ba yan o ano, basta bawiin mo lang ang sinabi mo.. wag, wag lang 'to."

Inantay kong magsalita siya, pero mistulang iyak lang niya ang narinig ko.

Tsaka sumagi sa isip ko ang pag-uusap namin ng Dad niya..

"She had Alzheimer's disease."

"Nagkakamali ho kayo, 18 pa lang po si Sophia.. Imposible." Hindi makapaniwalang sabi ko sa kanya. Nagpipigil na nga akong suntukin siya uli e.

Cross My Heart And Hope You'll Die! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon