21.1

13 0 0
                                    


"I just wanted to wash away your tears.." ang mga katagang yan.

Minsan na nyang nasabi sa isang tao. Alam niya.. alam ni Chaos na sa kanya galing ang mga salitang yun.

///Flashback///

"Queen, ba't ka nakatunganga dyan sa sulok?"

Habang papalapit siya sa babae.

"Ikaw na naman?! Ba't ka nandito?!"

"Araw-araw sinasabi ko sayo ang rason ko, pero.. palagi mo paring nakakalimutan."

(Sarap mong pektusan Queen, palagi mo nalang akong binabalewala, sige lang.. Para sayo, iaa-unli ko ang pain resistance ko, Pangako yan.) nasabi niya nalang sa sarili niya. Anjeje diba?

"Iwan mo ako!" Medyo nasaktan NA NAMAN siya sa pagtaboy nito sa kanya. Akala niya kase immune na siya e, yun pala... Hanggang akala lang. Pero hindi siya sumuko.

Biruin niyo, jejemots! Pala pag inlababo tong si Chaot ko!

(Manahimik ka author! Ini-exag mo ko! Pakyu. -_-

Wag tsismosa, nag-uusap kami! Bye.)

"Wag mo naman akong itaboy oh.. Sino bang umaway sayo? Sinaktan ka ba nila? May ginawa ba silang masama sayo? Sabihin mo sakin at---"

"At ano? Bubogbugin mo?" Napatawa pa ito, tipong hindi makapaniwala, "Look at yourself Chaos.. You can't even protect yourself, how can you protect me?"

Napayuko lang siya sa sinabi nito. Sabog na naman siya!

HAHAHAHA! 3:P

(Author?)

yes?

(Babarilin kita mamaya. -_-)

Sabi ko nga e.. Hindi na ako iinsert.. sa storya MO, na tayo! Ehem.. GO!

Sa tuwing magkikita sila ng babaeng to, lagi nalang siyang nasasaktan. Minsanan na nga lang siyang magkagusto.. dun pa sa bituin, e hindi naman niya kayang sungkitin, ni puso ng saging nga hindi abot, yun pa! Kaya ayun, Si Chaot nganga!

(Author?)

Sabi ko nga e.. Abot niya ang puso ng saging, ipapalit niya sa kanya. Kase yung sa kanya inaagnas na.

(futa oo. -_-)

Okay, continue tayo..

"My mom.."

Nabigla si Chaos ng bigla itong nagsalita, biglaan naman siyang nakaramdam ng pangamba. Baka nabaliw na ito.. tulad ng author.

Ha?

"She's gone."

At sa isang iglap lang, ang pangamba niya ay napalitan ng kalungkutan. Hindi siya nagsalita, hindi niya naman alam kung paano i-comfort ang isang taong nangungulila sa pagmamahal ng isang magulang, dahil siya mismo, hindi nakaramdam ng pagkalinga mula rito.

"They told me so much things about her. So much... things I wish I never heard cause now, I can feel myself becoming that woman.. And I guess, If I want to win, I have to become that girl."

Inayos pa ni Chaos ang malalaking salamin niya sa mata para paniguradahing, tama ba ang nakikita niya nung na-confirm niya, tsaka siya napailing. Di niya inaasahan na ganun ang epekto ng mga sinabing iyon ng mga tao kay Queen 'niya'.

Yung pananalita nito, puno ng galit. Yung tipong, kunting push na lang ay tatambad na ang sungay at buntot nito!

Napalagok naman si Chaos. At napakurap ng marami-raming beses, bago nakapagsalita.

Cross My Heart And Hope You'll Die! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon