25

17 0 0
                                    


Nagdaan ang panahon hanggang sa dumating ang araw na kinakatakutan nila...

Eychos! Wag kayong kayong magpaniwala mga minamahal, ni wala pa ngang biente-kwatro oras ang lumipas! sadyang baliw ang author. Parusa e! :-P

"Tell me, Do you like Sophia or you are up to something?" Hindi ko na kailangan pangalanan to.. kilala niyo to, ayaw kasi ni Chaos na pangalanan ko to e, masyadong bitter!

Hindi nakapagsalita agad si Chaos, he was caught up by a question.. he used to answer with a, Yes.

"The girl that you like, likes me.. at yan ang itatanong mo?" Naka-kunot noong sabi ni Chaos, "Tsismoso."

Ngumisi lang ito.

"Cause I know you are not that kind, bastard. You only trust on yourself and act only for your own sake." tinungga nito ang beer can niya.

Nandito kase sila sa Bar ni Lukas.. at kung bakit nandito si Kyl-- este si lalaking to, kase ewan.. masyadong malihim si Chaos.

"Life isn't long enough to know a person fully, gago!" Inisang lagok lang ni Chaos ang beer niya tsaka binagsak sa counter bago tumayo. "Kaya kung wala kang ititino.. lumayas ka na! Hahanapin ko pa ang babaeng yun."

Simula kase nang gumising siya kaninang umaga, wala na si Sophia at wala ni isa sa kanila ni Lukas ang nakakaalam.. nagsuntukan pa nga sila kase, pinagbintangan niya itong binubugaw si Sophia sa mga customer dito sa Bar, samantalang simula nung namahayan sila UB e, Nakasara na at Wala ng pinapapasok dung mga party people maliban sa taga-linis at sila. See? May tupak si Chaos.

-_-

Hinanap niya naman dun sa semeteryo kung saan ito kadalasang magpupugad pero.. Wala rin. Napaisip naman siya bigla sa ginawa niya kagabi, at ayun nga.. napag-isip isip niyang dapat pala magtoothbrush muna siya bago siya dumamoves! lalo pa't kagigising niya palang nun sa mahaba-habang pagtulog niya.. Ay, Isang linggo na pala siyang gising mula nun, pero naglilimumog naman ata siya.. At marahil, nalupitan si Sophia sa tatag ng mala-Absolutong hilumigmig niyang hininga. Kaya ngayon, pinagtataguan na siya.. di lang turn-off ang dalagita kundi malawakang brown-out pa! :P

Pero syempre, Mahal ko ang buhay ko.. kaya binabawi ko na. Ang talagang nangyari ng gabing iyon, ay nagising siya matapos ang mala-movie marathon niyang pagto-throwback at wala na si Sophia..

Siya na lang mag-isa, sa kamang hindi kanya. Sa kwartong hindi kanya. Sa bahayng hindi kanya at sana.. sa buhay na, umaasa siyang hindi na lang naging sa kanya.

Kaya ito, nakabusangot na naglakad pauwi si engot na Chaos, at pagbalik niya sa UB.. sumalubong sa kanya si Kyle. :)

Hmmm, pinangalanan ko na, bahala ka Chaos! Ako ang Author dito. I'm the boss! At bilang-punong emperatris, pantay-pantay ang pagtrato ko sa inyo.. cryolabels! Kaya..

Wag mo kong ina-under at baka ma-develop ka sakin! Blee :P

(Napaka-unprofessional ko talagang writer. Sorry po! :)

"Ngayon siya ipapakilala ni Tito."

Napaurong si Chaos at unti-unting napalingon kay Kyle. Tsaka niya napansin ang kasuotan nito.. naka-black tux at leather shoes tas may bitbit na black box.. sagana sa Black!

Binalikan niya uli ito ng tingin.

"Kaninong lamay?" -_-

Napa-facepalm si Kyle, "Ay gago?! Kung hindi ka magmamadali dyan, sa sunod mong kita ng babaeng yun.. nasa simbahan na kami!"

Cross My Heart And Hope You'll Die! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon