29

11 0 0
                                    


Isang linggo na ang lumipas mula nung araw na 'yon. Si Chaos, nanatili parin sa UB kahit galit siya kay Lukas. Umamin kase itong, bahagi siya sa plano.. at matagal na nitong alam na siya ang totoong anak ni Mr. Easton, na isa siya sa mga taong, pumoprotekta sa kanya ng palihim.

Gusto niyang isipin na dapat galit siya rito. Pero habang iniisip niya ang mga taong nanggagu sa kanya, bumabalik lang sa sarili.. ang galit niya.

Kaya siya nanatili muna sa UB, bukod sa wala siyang ibang matuluyan.

Pero si Sophia.. hindi na. Hindi niya alam kung nasaan na ito, pinuntahan niya ang lugar na dati-rati nitong tinatakbuhay pero nabigo siya. Pati, pinuntahan niya ang bahay nito noon. Pero wala daw ito..

Lumabas siya sa kwarto,

*Blag*

"Aray! Futa."

nagulat siya nang makita si Lukas na nabuwal sa may pintuan niya habang hinahapo ang noo at pwet nito.

"O-oy Chaos! He he he. Ano.. kuan. Dumaan lang ako, hindi kita binabantayan. Ano.. hindi kita pinapakealaman. Kase, galit ka e. Tama, Galit ka sakin kaya ayaw ko ng dagdagan pa. Si-sige, magpapatuloy na ako sa pagdaan ko."

Paika-ika pa ito sa paglakad, hapo-hapo ang balakang. Habang nagma-makeface sa kanya.

Sinimangutan niya si Lukas.

"P-pare.. Totoo talaga! Hindi ako nagsisinungaling!!"

Nakasimangot parin si Chaos rito.. bumuntong-hininga ito, "Sige na nga, sasabihin ko na. Sorry..."

Nginitian lamang siya ni Chaos. "Bastard."

0_0

Nagulat si Lukas sa pagngiti nito. Umiling siya saka ngumisi, alam niya na napatawad na siya nito.

"As*hole ka Chaos, as*hole ka! Hahahah." :D

Nagpatuloy na si Chaos sa paglabas ng bahay. Ilang araw nadin siyang nagkukulong sa kwarto nayun, habang sinisisi niya ang sarili. Nakapagisip-isip nadin siya at nakapagtanto..

Lumalabas lang kase siya kada-hatinggabi at humihilik na si Lukas, para mangsalvage ng Malamig na kanin at ulam na niluto nito..

Isa din yan sa rason sa pananatili niya, magaling kaseng magluto si Lukas.. siya hindi. Kaya may kusinero siya.

Sarap ng buhay diva?

Pagkarating niya sa Ospital, dumiretso agad siya sa room ni Aliz.

Ngumiti si Aliz sa kanya, nang makita siya nito.

"Chaos!"

"Nakaya mo pang ngumiti sa lagay mong yan?"

"Bakit naman hindi?" Pinalapit siya nito, "E buhay ka." :)

Pinitik niya ito.

"Kahit kelan, matigas talaga ang bungo mong babae ka!"

"Aray naman e!" Nagpout pa si Aliz, "Hindi ka na naawa sakin!"

"Bakit naman ako maawa sayo?" Napatawa si Chaos. "dapat akong magpasalamat sayo.."

"Chaos.."

"Alam ko ang ginawa mo Aliz.. alam kong, gaya ko.. napatawad mo narin si Sophia."

Nagulat siya ng bigla siyang Inakap ni Aliz.

"Sorry Chaos.. naging makasarili ako. Naalala mo ba kung bakit tayo nagkakilala? Yun yung araw na na akala ko, inagaw ni Sophia si Austyn sakin. Ang araw na pareho nila tayong iniwan. Galit tayo pareho nun, Alam mo namang, patay na patay ako nun sa kuya mo. Kaya nangako tayong paghihigantihan si Sophia.. since sabi mo, hindi mo kayang saktan si Austyn." she paused, "Biruin mo? Napaka-childish ko! Hahaha" she laughed bitterly.

Cross My Heart And Hope You'll Die! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon