EPILOGUE

53 0 0
                                    

Cross My Heart and Hope You'll Die -  McQueen_Bee

E P I L O G U E

---

5 years later...

"Are you ready to see her?"

"Yes."

Then we went inside the car and sped off.

Kinabahan ako. Oo, pero walang ibang emosyon ang makakapantay sa kasiyahang nararamdaman ko ngayon.. kasi, makakasama ka na namin. Magkakasama na tayong tatlo.

Queen, Ang daming tumulong sa akin para matuloy 'to. Ang dami kong gustong pasalamatan pero hindi ako marunong sa mga ganung bagay.. hindi ako magaling sa salita, dati pa yun. Pero isa lang ang batid kong alam na nila, na masaya ako dahil nandyan sila para satin at dahil sa wakas, matutuloy na rin ang pinakagusto at pinakahihintay nating mangyari..

When the piano started playing, mas lumakas ang kabog ng puso ko.. akala ko, mawawalan na ako ng ulirat e. Pero nang makita kita, all trace of anxiety and uneasiness left my system. Nawala ang nerbyos ko, my breathing steadied, at kumalma ako.

Biruin mo? Totoo pala talaga ang sinasabi ng mga tao, kapag nakikita mo ang tao sa puso mo, the will world turn into slow mo.. blurry ang mga bagay sa paligid mo.. mistulang mabibingi ka, ang maririnig mo lang ay ang pagtibok ng puso mo at alam mo, ikaw lang ang nakikita ko.

It's funny how you turned me into someone I'm not, tingnan mo.. dahil sayo, nag-aala makata ako rito. Sinabi ko naman sayo, I'm not good with words, pero para sayo.. handa akong makipag-timpalakan kay Shakespeare at Maki-dwelo kay Balagtas!

So you know, handa akong gawin ang mga bagay kahit na imposible, basta para sayo...

gaya ngayon.

"Hey." ;)

"Hello." :)

"Hi, my first Queen."

"Hi, my first and second Chaos."

Akala ko buong buhay, na lang talaga akong magiging gago.. Pero ng dahil sa araw na 'to, hindi.. sa oras na ito, nang makita ko ang ngiti mo, sa bawat kita ko ng mga ngiting yan? masasabi kong may mga minuto akong hindi naging gago sa buhay ko.. kase, alam kong ako ang isa sa dahilan ng mga ngiting yan e.

"Chaos, do you.."

Nagsimula na ang pari sa ceremony, pero mistulang wala akong marinig.. rather, hindi ako nakinig. I was giving you my whole attention. Alam ko na naman ang sasabihin ng priest e, the vows? meron ako nun.. I only had one. And I'll never break it or else I'll die..

"Chaos.." you mouthed my name.

"Chaos.." siniko mo ako.

Tsaka ako napaharap sa pari at inulit niya ang sinabi niya..

"Chaos, do you take Sophia for your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do you part?"

I stared at you, and I catched a glimpse of something that made me feel anxious again. Pero, binalewala ko lang.. pede akong mag-alala mamaya, o bukas, sa susunod na mga araw.. pero wag muna ngayon. Kahit ngayon lang.. hayaan ko ang sarili kong sumaya.

"I do."

Pero matapos nito.. alam kong, balik uli ako sa pagiging gago. Pero maniwala ka, sinusubukan kong magbago.. pero hindi na e. Hindi na talaga...

"Sophia, do you..."

"Chaos.."

Lalo na nung, makita kong unti-unting nawawala ang mga ngiti mo. "Chaos!!"

Cross My Heart And Hope You'll Die! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon