CHAOS' POV
"Mahal kita."
"Tapos na tayo dyan" tsaka ko siya tinalikuran.
"P-pero, hindi ako nagbibiro!" sinundan niya ako.
"Hindi rin ako nagbibiro."
"Why aren't you taking me seriously?" habang pinapatigil niya ako. Ang tigas rin ng bungo ng babaeng to, kabanas. -_-
"Kailan ba ako nagseryoso?" Tinabig ko ang kamay niya.
"Dati. Noon pag-"
"Alis na ako." Iniwan ko siya habang nagmo-monologue siya.
Tsk, kada-araw na mag-krus ang landas namin ng babaeng to, Wala na siyang ibubungad sakin kundi mga..
KAHIBANGAN.
Hindi naman ako Casanova, playboy, babaero o anong kajejehan yan na hindi kailangan sa buhay. Ni wala ngang naglalalapit sakin. Sila lang..
Oo. Sila lang.. maya-maya, pusta pa! May lilitaw na prokorpyo sa likod ko!
"TAMA NA." sabat ko.
"Why? Why don't you tell me the truth?!"
Tinalikuran ko nalang uli siya. Pag ako nairita dito babatokan ko to ng Magtino! -_-
"Chaos!"
"Wala akong alam sa sinasabi mo." Patuloy parin ako sa paglalakad.
"Wala nga ba o nagpapanggap ka lang?" Hindi ko siya pinansin.
"Nagpapanggap kang nakalimutan mo kami.. para makalimutan mo lahat-lahat.. ang itinira mo nalang ay galit dyan sa puso mo. Pero pati rin ba ang Pagmamahal kinalimutan mo na?"
Napatigil ako.
Eto na naman tayo.. lumang tugtugin na naman. Paulit-ulit nalang. Kinabog na ang 'Thinking out Loud'. Futa.
"Hindi ko kayo kinalimutan.. kusa kayong naglaho sa buhay ko. Pero, binabawi ko na ang sinabi ko.." hinarap ko siya.
"Kung magkasalubong man tayo, Wag mo na akong kausapin. Kahit di kita kilala, naging parang kaibigan na ang turing ko sayo.. alam kong kabaliwan yun! At ang magpanggap na isang kaibigan sa lalaking matagal ng walang puso.. Hindi ka magiging masaya nun." yumuko siya, "Ikaw na mismo ang nagsabi, sabog sa galit ang puso ko. Ang kaibahan lang, Mali ka.. wala na akong puso.. Galit lang."
"Pero hindi mo pa nasasabi yan.."
"Kaya nga binabawi ko na agad!" Nakakayamot naman to e.
-_-
"Pero.."
Bago pa man siya, nakapagsalita inunahan ko na.
"You are so inlove.." Sabay tapon ko sa sigarilyo ko.
"Chaos."
"It's pathetic." Tsaka ko inapakan. Buti marunong pa akong umenglish. Hindi, linya yan ni Anne. Ginaya ko lang, syempre lalaki rin ako at nagagandahan ako kay Anne Curtis! Normal lang yun.. (-_-")
Tsaka ko siya liningon, "Pagmamahal? Tsk, tangina. Wag mo ng pahirapan ang sarili mo. Wala kang maaasahan sakin dyan."
"Pero mahal kita!" She yelled, crying.
Pagmamahal.. tsk, buti hindi natusta ang dila ko?
"Umiyak ka. Ginusto mo yan."
Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Kita mo yung babaeng yun? Andaming Paandar. Kung makaasta, Mas alam ang buhay ko?! futa. Ni wala nga akong alam sa sinasabi niya e. Dinadamay pa ako sa kahibangan niya. Buti nalang hindi na siya nagtangkang sumunod. Kundi, Lagot yun. -_-
BINABASA MO ANG
Cross My Heart And Hope You'll Die! (Completed)
ComédieChaos is a 17 year-old rebel guy. He got his kicks from stealing, lived like he'll be drop dead in a matter of seconds and go for greater lengths of liberating, that almost end his life.. he wanted to live desperately that he'll risk his life, livi...