27.2

14 0 0
                                    


He stood there in silence trying to patch up his thoughts about what the hell is happening to them this past few days.. and what is this plan.. this thing that cost lives from the very start..

Tsaka siya napatingin kay Sophia, napatakip ito sa bibig habang hindi halos makapaniwala ang mukha nito at muli, nakaramdam siya na halos papaiyak na naman si Sophia. Tinignan niya naman ang tinititigan nito..

It was Aliz and Kyle's photo with bright neon fonts above them read as: Engagement Party..

projected directly opposite from which side they are supposed to be..

Nilipat niya ang tingin sa mga nakatayong guards..

"N-nasa sa.. sa rooftop po si Sir. Easton." Sabi ng isa.

"Halika na Sophia.." pinatayo niya na ito. Tsaka niya senenyasahan ang mga guwardya na ipasunod sa kanila ang lalaki na nakahiga.. buhay pa man o patay.

Nang makarating sila sa rooftop, saktong papalapag ang isang helicopter.. papaalis na pala sana ang matanda, mabuti na lamang at naabutan pa nila ito.

"Chaos!" Tawag sa kanya ng matanda, lumapit ito sa kanya.

"Wag kang lumapit." Tinutukan niya ito sa baril na kailanman hindi niya na binitawan. "Sino kang matanda ka?"

"Mabuti at ligtas ka.." ngumiti pa ito sa kanya.

"Wag mo akong gaguhin tanda! Alam kong pinapasundan mo ako sa mga tauhan mo! Kaya wag kang magmaang-maangang hindi mo alam ang bawat galaw ko!"

"Oo nga. I'm glad their reports about you were right." Nakangiti parin ito habang papalapit sa kanya. "Si Sophia.. asan? Bigla siyang nawala kanina--"

"Anong plano mo?" Chaos said, the man avoided his gaze. "Ano 'tong plano niyo?! Ano 'tong pinanghahawakan mo na, nakahanda kang ibuwis ang buhay ng iba?!"

The old man remained silent still avoiding chaos' eyes.

"Bakit? Bakit mo 'to ginagawa sakin?! Uulitin ko.. demonyo ka. Bakit biglang lumitaw sa mapayapa ko ng buhay sina Aliz at Kyle?! Bakit pinagpipilitan mo saking akuin ang pagpatay sa taong tinuring kong tunay na pamilya?! Nung araw na nawala si kuya.. ang babaeng makakasama ko sana, si Queen yun diba? Si Sophia yun.. Bakit pinaglapit mo kami ni Sophia?! Para mas layuan niya ako? Mas magalit siya sakin? Ano, pinaparusahan mo ba ako?! Masaya ka ba talagang nakikita akong nahihirapan?!" He paused as he take a deep breath, he is so mad that he's been shaking while still aiming the gun straight to the old man's side. "Sumagot ka!"

"Chaos, you can't understand.." he said calmly as he scoots forward to chaos.

"I can't? Intindi ko tanda.. intinding-intindi ko. Baliw ka na!"

Tinalikuran niya ito hinarap ang lalaking tinitingnan ni Sophia, nakahiga ito ngunit nagkamalay na, "Chaos, gising na siya."

"Ikaw. Sino ka? Sino ang nagpadala sayo rito?!"

Hindi ito agad nakasagot.

"SUMAGOT KA!"

Nagulat silang lahat sa biglaang pagsigaw uli ni Chaos.

Tahimik..

Hindi nila namalayang, silang tatlo nalang pala ang nasa lugar na iyon.

"Tangina, magsalita ka sabi e!" Itinaas niya ang baril at nagputok.

"Chaos.."

"Hindi kayo ang kinakausap ko!"

Tsaka niya ito ibinalik sa pagkakatutok sa lalaki. Batid ni Chaos na kailanman, hinding-hindi aamin ang matanda sa kanya at wala siyang makukuhang matinong sagot dito.. pero susubukan at susubukan niya itong paaminin.

Cross My Heart And Hope You'll Die! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon