31

11 0 0
                                    


"Sophia.."

Sabi nito, parang nagmamakaawa na bawiin ni Sophia ang sinabi niya.

Hinawakan niya uli ang isang kamay ni Chaos, she can feel him trembles.

"Chaos, napatawad mo na nga ang Dad ko.. ang sariling ama mo pa kaya?"

Nakatingin lang ito sa malayo,

"Chaos.."

No response.

Lumapit si Sophia sa kanya at ang ikinabigla ni Chaos ay nung nilapit nito ang ulo sa may dibdib niya. Tipong pinapakinggan ang pagtibok ng puso niya.. mas lumakas tuloy ay pagsipa nito.

"Hoy puso!" katok ni Sophia.

*knock knock!*

"H-hoy! Ano ba--"

"Sshhh.. wag kang maingay Chaos.. hinahanap ko ang puso mo."

0_0

Mas kumabog tuloy ang puso niya. Napapikit si Chaos, sa isang iglap nawala ang namumuo niyang galit.. "Animal kang puso ka, wag ka sabing pasikat!" pagkakalma niya, pero mistulang may sarili itong utak at mas kumabog. "Tigil sabi!"

"O-ooy! HAHAHAHA. Nararamdaman ko na siya.." tumawa ito, "Wow, ang galing! May natitira pa pala!!"

Hindi alam ni Chaos kung matutuwa ba siya o maiinsulto sa sinabi nito.. kase parang both e.

Para itong batang mangha na mangha sa tunog ng kuliglig o tarurukan sa pag sapit ng hapon.

"Sabi niya, Chaos.. buhay pa ako! Inaalikabok na ako rito sa galit at puot mo. Ampait-pait ng karanasan ko rito.. lagi nila akong inaapi, they made me feel like I'm unwanted.. ayoko silang kasama! ayoko na, kunin mo na sila! awat na!"

Sophia said, mimicking a chipmunk's voice. Tsaka niya iniangat ang ulo niya..

"Tas may hashtag pa siyang pahabol.. Lovelovelov--"

0_0

Napatigil siya pang-kris aquinong accent niya nang biglang nag-lean si Chaos, agad naman siyang napapikit.

Nag-antay siya..

But,

She got poked, instead.

"Aray." Sumalpak siya sa upuan, dahil may nakalimutan siyang seatbelt na nai-stretch niya.

"Yan kung saan-saan ka kasi nagpapa-bagok."

"Kaasar ka talaga!" sabay halukipkip ni Sophia at lean sa headrest.

"Tsk, binitin mo nga ako kanina."

"Ano?"

"Nothing, tumuloy na tayo.. baka may makahuli pa satin, kung saan-saan tayo pumaparada."

Sabay kindat nito, then they sped off.

[After 3,600 seconds]

"Nandito na tayo.."

"Alam ko.."

"Papasok na ba tayo?"

"Oo."

"Hanggang kailan pa?"

"Maya-maya na.."

"Sure ka? Isang oras na tayo rito oh!"

Nakahalumbabang sabi ni Sophia, habang naka-indian seat siya sa loob parin ng kotse.

Cross My Heart And Hope You'll Die! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon