23

13 0 0
                                    


"Padaanin niyo ako."

"Pero sir--"

Agad sinuntok ni Chaos ang isa sa mga tauhan ni Mr. Easton na nakabantay sa Gate ng bahay nito.. marahil alam na nito na paparating siya at nag-hire agad ng tone-toneladang guards.

"Sabihin mo kay Tanda, ako ang gumawa niyan sayo." Then he stormed through the gate, "Wag na kayong magtangkang humarang.."

Sabi niya sa mga tauhang nakasalubong niya.

Nag-uumapaw na ang galit niya sa lalaki na nagpalaki sa kanya. Dahil kanina.. kung hindi pa sila nadapa, malamang wala na ang isa sa kanila ni Sophia.. at kung hindi dahil sa narinig niya mula sa mga lalaking naka-motorsiklo..

Sa mga lalaking bumaril sa kanila.

Hindi sana siya pupunta dito para makipag-usap.. pupunta siya dito para patayin mismo, ang lalaking kinamumuhian niya, si Mr. Easton.

"You're not allowed to--"

Tinulak at sinuntok ni chaos ang mga tauhan na humarang sa kanya, tsaka mapwersang sinipa ang pintuan ng office nito para bumukas.

"I'm glad you're here.." nakangiting pahayag ng matanda bago isinalin ang wine sa isang baso at iniabot ito sa kanya, "It means you're safe."

pinukolan lang ng masasamang tingin ni Chaos ang mga tauhang nakakapit pa rin sa dalawang braso niya.

"Unhand him.."

"Affirmative, Sir Easton." Tsaka na siya tuluyang binitawan ng mga ito at umalis.

Naka-abot parin ang kamay ng matanda, ngunit tinignan niya lamang ito.. ng may halong galit, hinanakit at pagka-lito.

"Dumami ang pasa at sugat mo?"

"Tsk, you're too late to care, nung pinalayas mo ako.. MAS malala pa dito ang mga nakuha ko. But you didn't even give a damn!"

"I heard you had a fight with Kyle.."

"I also heard it was you, who wanted this to happen.."

Nabigla si Mr. Easton waring hindi alam ang sinasabi ni Chaos.

"Hindi, hindi. Ang ibig ko dung sabihin ay yung mga taong tumangka sa buhay niyo!"

Napangisi si Chaos ng mapait, ito na naman ang matanda.. inulit niya naman ang ginawa niya tulad ng dati.

Bumalik sa alaala ni Chaos ang nangyari sa kapatid niya, at sa kagustuhang pigilan ang pangyayaring pilit bumabalik sa isipan niya tinungga niya ang bottle ng wine sa harap niya.

"Bakit? Bakit mo to hinayaang mangyari sa amin?! Alam mo na mapapahamak kami ni Kuya! Bat hindi mo kami pinigilang umalis?! BAKIT?!"

"Dahil gusto kong sumaya ka." Nginitian uli siya nito.. Naitapon na lamang ni Chaos ang hawak niyang bote sa galit.

*Crash!*

"Masaya?! Mukha ba akong MASAYA?!"

"Yung taong makikita mo.. siya--"

"Sino? Magulang ko ba?! Tangina, sabihin mo sa kanila.. Mamatay na sila! Hindi ko sila kailangan! Nabuhay ako ng wala sila! Mamamatay ako ng Wala sila!"

"Enough!" Tumalikod ito sa kanya. "Magpahinga ka na."

Iniharap siya ni Chaos at kwinelyuhan.

"Kung hindi ikaw ang pumatay kay Austyn, sino?"

Yumuko lamang ito.

"Ano yung narinig ko sa mga lalaki kanina? Sino ang anak ng Boss? Sino ang Boss?!" Agad Nagpe-play sa isipan niya ang mga nangyari kanina..

Cross My Heart And Hope You'll Die! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon