Hyacinth's POV
Sabi nila, "Pictures hold memories."
At yung memories na yun, may malungkot at masaya...
"Kuya guard, pwede pumasok? Mabilis lang ako!" Sabi ko kay kuya guard na nagbabantay sa dati kong school. School kung saan kami nagkakilala; school kung saan gusto kong kalimutan siya...
"Ahhh sige po, pero magmadali ka na lang miss kasi pauwi na din ako eh." Sabi niya.
Tumango na lang ako at nagsimulang pumasok. Pagpasok ko, nakita ko agad yung multi-purpose hall kung saan nag simula ang lahat...
Flashback...
New school, new world, new friends at new boys to target. Har har joke. Pero pwede din naman.
Haha grabe nakakatakot ang mga tao dito!
Nakatingin sila saken na para bang ninakaw ko ung G-tec nila chos. (Otor: Ano spelling ng G-tec? With h ba sa dulo? O wala na? Baka naman G-tecb? Haha lol utas sa silent b na iyon. Wala lang, naisip ko lang. Diba? Para saan pa ang mga silent letters kung di rin pala bibigkasin?)
Nag log in ako sa log book namin. For those na hindi nakakaalam, ang logbook ay parang libro haha lol. Book-sized siya which contains the time kung kailan ka dumating at umalis sa school. Masasabing ito ang record ng attendance.
Pero alam mo yung maganda sa logbook? Yun yung pagkatapos ng year, bibilangin mo yung pages nung logbook. Doon mo malalaman ang mga days na pinagsamahan niyo. Wala lang, share ko lang haha lol.
Edi yun, naglog in na nga ako.
Hyacinth Marie Perez
Ang ganda ng pangalan ko! Hahaha.
Next, pumunta ako sa mga lockers. Ang lockers namin ay nakahilera. Pagbukas ko ng locker, may natamaan ako. Something hard. Or maybe someone hard.
"Shit, i'm sorry! I'm so s-" Sabi ko pero pinutol niya. Edi wow. ORRY na nga lang yung sasabihin ko pinutol pa. Tsk. Tsk. Walang manners.
"Stupid." Owkay? Ako? Stupid? Ako ba ang sinasabihan neto? Aba! Baka hindi siya marunong tumingin! Hindi stupid ang nasa harapan niya! Isang diyosa! DIYOSA! I didn't enter this school just to be called an idiot by a strange man.
Sakto naman na napatingin ako sa mukha niya. Gwapo na sana eh, paki tapon lang ng attitude, kaasar.
Hindi niya ako pinansin at umakyat na lang siya papuntang second floor. Nako, pagbabayarin kita mamaya but for now, hahanapin ko muna ang classroom ko. Naawa ako eh, nag iintay lang sila ng diyosa dun.
Wag niyo ng itanong kung anong ginagawa ko right now kasi nakakaiyak.
Nakipagsiksikan lang naman ako sa mga tao na hindi ko kilala. Buti napunta agad ako sa unahan.
Actually, hindi AGAD ako nakapunta sa unahan. Aba! Ilang "ate, excuse me po." At ilang "tabi, dadaan ang diyosa." Ang nasabi ko, padaanin lang nila ako. Mukhang nakita nilang diyosa nga ako kaya ayun, pinauna nila ako.
Joke ulit yun. Tinulak ko lang naman yung mga naharang kaya ako nakapunta sa unahan.
Aguda, Cedrick Paol
Atienza Reed Solomon...Laylo, Christian Andrei
Macaraig, John Emmanuel
Malata, John Rei...Calderon, Angela Reine
De Chavez, Yvette Angelica
Perez, Hyacinth MarieYun! St. Justus pala ang section ko, grabe. Mukha akong James Bond na gumulong gulong para makaalis sa grupo ng mga tigreng gusto makita kung saang classroom yung para sa kanila.
Okay, nakita ko naman yung classroom ko, at pagpasok ko, nalaglag yung panga ko. Tas pinulot ko ulit yung panga ko kasi nakakahiya. (Otor: Haha. Nababaliw na ata ako. Kung anu-ano ang pinagsususulat ko eh!)
May sumasayaw ng isang bold dance lol. (Both boys sila, remind ko lang.)
Tapos yung isa, tinaas niya ung middle finger niya habang sinasabing, "Orayt! Rock and roll to the world!"
Dinaig niya na si Ryan Rems niyan grabe. Gwapo pa naman haha.
Yung isa naman, paikot-ikot sa classroom na parang naka shabu or so.
May seating arrangment na agad kami and so umupo na ako... Katabi ng lalaking ang sama ng tingin saken.
"Andrei! You look gay! Faster, let's go to the CR!" Sabi nung sumasayaw kanina. Patrick daw ang name niya sabi noong babae sa labas na patay na patay doon.
Ahhh so Andrei pala ang name niya.
Pero bago siya tuluyan umalis, bumulong siya saken, "Brace yourself. You just got my attention, Stupid."
(Otor: Ang kyot nina Andrei at Hyacinth! DreiCinth forever!)
BINABASA MO ANG
When You're Gone
Teen FictionImAngel36's WHEN YOU'RE GONE "The only time a goodbye is painful is when you know you'll never say hello again." Join us in this journey. It's a long journey, but it's worth it!