Hyacinth's POV
Naaalala ko yung time na narealize ko na ikaw yung gusto ko. Umasa ba ako sa wala?
Flashback...
Fieldtrip baby! Gosh fieldtrip namin! Basta highlight yung Enchanted Kingdom! And so, nandun na nga kami...
"Let's go." Sabi ni Andrei. Makautos siya, para siyang hari tapos ako ay isang alipin lang. Well, ang ganda ko namang alipin. Diyosa ang kagandahan. Anyway, nagbunutan kasi kami para sa fieldtrip buddy which means yung kasama mo sa fieldtrip para daw hindi kami mawala. Chos. Itinuturing nila kaming bata. So after bunutan, parehas kaming number ten. Edi huwaw.
"Hey, sabi ko tara sa space shuttle." Sabi niya.
"O-Okay."
I don't know kung bakit ako nauutal. What is happening to me? Maybe, I need to see a doctor for this abnormal heartbeat of mine. (Otor: Naks. English. Nosebleed na me.)
Pag ibig na kaya to? Mahal ko na nga kaya si Andrei? Psh! Imposible. Di ko pa naman siya ganun kakilala. Eh ano tong nararamdaman ko?
Bakit ko to nararamdaman? I can't fall... Fall in love with him. Eh hindi niya naman ako sasaluhin. Alam kong hindi niya ako sasaluhin. May Andrea na siya eh. Tsk. Tsk.
HIndi ko alam kung paano pero nakita ko na lang ang sarili ko na nakasakay na sa space shuttle. At teka nga, pumayag ba ako sa space shuttle?
Kasi puta, takot ako sa heights.
At bago pa ako makareact, nagstart na ang space shuttle.
"Sheeeet! Kuya! Kuyang may hawak ng controller para sa space shuttle! Itigil mo na to! Shet! Itigil mo! Kung hindi, mawawalan ka ng trabaho! Kuyaaaa! Bababa na ako! Jusko! Kahit hindi mo na ibalik ang bayad ko! Waaaaah! At ikaw Andrei, tumatawa ka pa diyan eh matter of life and death to! Sh-" Natigil ang paghy-hysterical ko nung tumigil ang space shuttle sa dulo.
Tumigil? Bakit nga ba natigil ang space shuttle sa dulo? Ay shet, pabaliktad nga pala. Shet.
"WAAAAAAAAAHH! TANGINAAAAAA!"
____________________________
"Grabe! Nakakatakot yun! I swear, hindi na ulit ako sasakay dun! Katakot talaga! Sigaw ako nang sigaw eh! At ikaw naman, tawa nang tawa!" Sabi ko sabay turo kay Andrei.
"How can I not laugh kung yung face mo ay priceless! Hindi tuloy alam nung kuya kung ititigil niya yung space shuttle o hindi! Sana nga lang hindi siya nawalan ng trabaho! Haha." Sabi niya.
"Kay kuya concern ka, tapos sakin hindi?" Pabiro kong sabi sa kanya.
Inakbayan niya ako sabay sabing, "Syempre, mas concern ako sayo. Kaya nga kahit sobrang higpit ng hawak mo na naharangan na ang pagdaloy ng dugo ko, hinayaan pa rin kitang hawakan ako." Sabi niya sabay ngiti.
Andrei, totoo ba to? Concern ka ba talaga sakin? May halaga ba ako sayo? Nararamdaman mo ba ba din yung nararamdaman ko?
Haha, siguro hindi. I mean, duh? Ako lang naman si Hyacinth. Yun lang naman ako. A nobody. Ang lakas ng impact mo sakin pero ako, wala man lang impact sayo?
Ipinanganak ba siyang paasa? O ako'y pinagpalang assumera?
Wala na bang better sa status ng life ko?
He's just paasa, or maybe, i'm just delusional.
Jem's POV
"Oy, nasan na sina Andrei at Hyacinth?" Tanong ni Yvette sakin. Dapat kasi kaming apat ang magkakasaman kaso biglang nawala yung dalawa.
"Ewan ko. Mukha ba akong tagahanap ng mga nawawalang tao?" Tanong ko sabay turo sa mukha ko. Naks, gwapo ko talaga.
"Oo, ang pangit mo kasi." Sabi niya. Sakit nun ah!
"Gwapo kaya ako. Tanong mo pa sa salamin." Sabi ko sa kanya.
Tiningnan niya ako. More like, sinuri niya ang mukha ko. "Gwapo ka sana eh.." sabi niya. "Pangit nga lang."
What was that supposed to mean?
Tawa lang siya nang tawa after that.
"Tapos ka ng tumawa?' Tanong ko.
"Hindi pa. Pinutol mo ako eh. BWAHAHAHA." Sabi niya.
Naglakad na ako. Kunwari iiwan na siya. Syempre kunwari lang. Di ko kayang iwan yan.
Nasa kanya kasi pera ko. Haha.
"Oy, teka lang. Eto naman, di mabiro. Gwapo ka naman. Ayusin mo lang ang smile mo." Sabi niya. Half compliment at half insult yun pero wala akong paki. Napasmile ako dahil dun.
"Yan, ganyang tawa. Ano bang iniisip mo ngayon? isipin mo lagi para umayos ang smile mo." Sabi niya at nauna ng maglakad.
"Gusto mong isipin kita lagi?" Sabi ko.
"Ano? Bilisan mo na nga. Gutom na ako." Sabi niya.
"Opo, mahal na reyna." Sabi ko at sumunod na sa kanya.
(Author: How was this chapter? Leave a comment and vote!! Love yah!)
![](https://img.wattpad.com/cover/52280081-288-k314067.jpg)
BINABASA MO ANG
When You're Gone
Ficção AdolescenteImAngel36's WHEN YOU'RE GONE "The only time a goodbye is painful is when you know you'll never say hello again." Join us in this journey. It's a long journey, but it's worth it!