Character Interviews

68 4 0
                                    


May mga tanong ba kayo na hindi nasagot? May mga bagay na gustong itanong sa characters or sa mismong author? May gustong sabihin sa characters and the author? Well, the perfect chapter is here for you! Kung ayaw mong basahin ang chapter na ito, feel free to skip. Basta dito mo makikita ang mga clarifications and such.

(Otor: Nagtanong tanong po ako sa readers ng When you're Gone kung may gusto silang itanong and here's the things that they came up with.)

Otor, nabasa ko na po ito one year ago pero naisipan kong ireread. Nung nireread ko po, ang dami pong nagbago like ang dami na pong scenes ni Yvette at ni Jem. Kung hindi din naman po sila nagkatuluyan, bakit niyo pa po dinagdagan?

Otor: gusto ko eh. Dejk. AYOKO NAMAN TALAGA. Di kami talo ni Jem. Kaso, may nagsabi. Well, natalo po kasi ako sa isang bet with some GUY. At sabi niya, dagdagan ko daw po ang scenes namin ni Jem sa When You're Gone. Hindi ko na imemention pa ang name nung guy pero kilala niyo siya. Kilalang kilala. Hindi niyo aakalain na siya mismo ang nagsabi. Bwahahah. Lol. yun lang.

Nung nag wish sina Andrei at Hyacinth sa wishing well, bakit hindi po Philippine coin ang ginamit nila?

Otor. masaydong cheap. Haha.

Dear Author, bakit po sinabi ni Hyacinth sa chapter 6 na ex boyfriend niya si Andrei though hindi naman po sila nagbreak. Or nagbreak po ba sila?

Author: Hindi sila nagbreak. Eh kasi nga, namatay si Andrei diba? Pinatay ko sa story haha kaya ayun.

Otor, sabi po ni Hyacinth, gusto niya daw po ibalik ang panahon nung di pa sila magkakilala. Bakit po?!?! No. 1 fan here. hehe.

Author: Eh kasi, iniisip niya na kasalanan niya kung bakit namatay si Andrei. Thug life lang ano? hoy salamat sa pagiging fan though hindi kita kilala haha peace be with you. Amen.

Bakit po hindi kayo ang main character?

Otor: Good question. Haha. The truth is, ako dapat ang bida with another guy but the thing is, ang weird kapag name ko. Basta, ang uncomfortable lang. Eh sayang naman, kasi naisip ko na yung plot and everything. Sakto naman na nauso yung loveteam na DreiCinth which means Andrei at Hyacinth.

Jem, kagwapo mo!

Jem: Ha? Salamat. *with pacute effect

Otor, necessary po ba talagang libutin ang school sa story?

Otor: hindi naman. Kaso wala yung magandang effect kapag hindi ko siya nilibot. At saka, mawawala yung main purpose ng story.

Paano po maging diyosa, Ms. Hyacinth?

Hyacinth: Sorry, walang ways para maging diyosa. Born this way po kasi ako. Diyosa ka din po in someone's eyes. You just need to find him.

May book two po ba?

Otor: I dunno. Ewan. First of all, busy ako. May tatlong story pa kasi akong ineedit at two stories na binabalak ipublish. At may isa pa akong story na tinatapos. Well, kung matapos ko man lahat ng yun, hindi ko alam kung may book two pa din kasi di ko alam kung tungkol saan yun. Pero kung may sudden idea na pumasok at hindi ako busy, book two is possible. :)

Nacurious po ako kay Patrick. Who are you Patrick in real life at how are you related kay Author para isali ka sa story niya?

Patrick: Ako ay tipikal na tao lamang. Haha joke. Kabarkada ako ni Jem, Andrei at Archie. Masasabing gwapo din. Pasaway minsan, pero mapagkakatiwalaan sa oras ng pangangailangan. Kaibigan ako at kaklase ni Yvette. Tinulungan niya ako sa Math noong hindi ko maintindihan kaya pumasa ako sa quiz namin.

Sino ang nagbigay kay Hyacinth ng gulaman?

Otor: Si Yvette. Reason? Kasi nagbayad siya ng utang. Haha lol lang. Galing yun kay Jem. Nabanggit ko ata yun sa story. Nalimutan mo lang. S'okay.

Bakit po si Yvette at si Luke? Mas gusto ko po si Jem.

Otor: Edi iyo na. Joke! Ayaw ko kay Jem. haha. Okay pa ako kay Luke Castellan.

Author, may nakita akong sign na inedit mo to tapos biglang nawala. Ano bang inedit mo?

Otor: Well, may mga jeje words pa ako at wrong grammars pati spelling kaya pinaltan ko na. Though hindi pa siya 100% complete kasi nagmamadali ako nung inedit ko. Dinagdagan ko din ang ilang scenes nina Yvette at Jem kasi may nagrequest pero huwag ko daw sabihin na siya yun. Luko luko ga yun haha. May tinanggal din akong scenes pero di naman ganun kalaki.

Shet, mas sweet pa sina Yvette at Jem kaysa sa DreiCinth.

Otor: K.

Ngayon ko lang nabasa yung special chapter. Shet, kakilig!

Otor: kapapublish ko lang non. Naisipan ko lang haha. Thanks for the feedback.

Ano po yung winish ni Andrei sa chapter 14?

Otor: Winish niya na sana mahanap na niya ang taong magmamahal sa kanya ng todo.

Minsan ba, otor, naisip mo na pwedeng maging si Yvette at Jem? I mean, yung characters.

Otor: Syempre, oo. After kong ilagay ang sarili ko with Jem kahit labag sa kalooban ko, naisip ko yung mga what ifs. Pero gusto ko kasi na may matutunan tayo. Na ang babae at lalaki ay pwedeng hanggang kaibigan lang. May babae/lalaki na hanggang kaibigan lang, at may babae/lalaki na pwedeng more than that. Si Yvette, in the story and in real life, madami yang kaibigang lalaki. Mas close siya sa boys. Sinasabi nung iba na imposible yung hanggang kaibigan lang, pero they're wrong. Baka nga kayo din eh, may kaibigan kayo na hanggang kaibigan lang pero ang tingin ng mundo ay more than that. That's why. :)

Kung meron pa ding mga katanungan na naglalaro sa inyong isipan, feel free to comment or message me. Feel free to vote na din. Ahihihi. Thanks for reading!

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon