Special Chapter

36 6 0
                                    


Kung ayaw mo tong basahin, feel free to skip! This chapter is about the what-ifs of the story. What if... Hindi natamaan si Andrei ng locker ni Hyacinth? What will happen?

Flashback...

Hyacinth's POV

Pumunta na ako sa multi-purpose hall para maglog-in. Grabe, napaaga ata ako ng pagpasok. Eksayted much? Well, kinakabahan din naman ako.

Di porket diyosa ako, di na ako kinakabahan. Chos.

Pumunta na ako sa locker at binuksan ito.

"Andrei!"

Humaygad. Muntikan ng matamaan si kuya ng locker ko, buti na lang tumingin siya dun sa sumigaw ng Andrei. Baka yun yung pangalan niya. Ampanget naman ng name niya kung ganun. Andrei? Haha dejk lang. Pero okay lang kahit gaano pa kabantot ang pangalan ng isang tao. Kung saksakan naman to ng kagwapuhan, lahat ng babae sasamba diyan. Hahaha.

Kinuha ko na yung mga libro ko at nakipagsiksikan na sa mga estudyante na akala mo gutom na gutom. Grabe, lahat talaga sumisiksik. May nasa ilalim pa nga na nagapang na eh makita lang ang section nila.

Kanina pa akong nakikipagsiksikan sa mga estudyante at no success ang theme nito. Sa sobrang galit ko, nung nakalapit ako sa unahan, hinablot ko yung papel ng isang section dun.

7-St. Justus.

Ano yun? Paano basahin? Justus? O Hustus? Baka naman Hustusb tas silent b. Haha lol. Walanghiya.

Oy, nice nandito ang pangalan ko.

"Excuse me, mind telling me where 7-St. Justus is?" Tanong ko sa babaeng dumaan. Eto yung kaninang sumigaw ng Andrew ata o Andrei. Baka Andreib tas silent b. Bwhahaha. Okay, enough na.

"Uhh, I'm not really good with directions so I'm gonna go with you na lang. Justus ka? Or may bibisitahin lang?" Tanong niya.

Ahhh, hustus pala ang pagkabasa dun.

"Justus." Sagot ko.

"Nice. I'm one of your classmates, Yvette Angelica D. De Chavez." Sabi niya sabay smile sakin. Nakita ko tuloy yung dimples niya.

Shet, nakakaiyak. Gusto ko din ng ganun. Huway?

"Ang cute ng dimples mo. Gusto ko din." Sabi ko sa kanya.

"Haha. Alam mo ba kung bakit ang ibang tao may dimples?" Tanong niya.

Umiling ako. Sorry na. Hindi ako informed na pinagaaralan din dito ang dimples. Ang cute kaya ng mga dimples. Dagdag pogi at ganda points siya. Ahihihi.

Kinuha ni Yvette yung logbook at nagsimula na kaming maglakad papuntang St. Justus. Siya pala yung secretary namin. Temporary pa naman pero iboboto ko to sa botohan haha.

"May dimples ka kasi may problema ka sa muscle mo in your cheeks." Sabi niya.

Eh? Ganun pala yun. Ay walanghiya, may sakit pala siya. Haha dejk.

"Ahhh. Gusto ko pa din ng dimples!" Sabi ko.

"Haha. Mag asawa ka na lang ng merong dimples para yung baby mo magkameron." Sabi niya.

Oo nga no? Talino ng babaeng to.

"Yvette! Palog-in ako!" Sigaw ng isang lalaki. Gwapo. May dimples. Ay ano kayang mangyayari kapag nagpakasal silang dalawa na may dalawang dimples? Apat na dimples na yung anak nila? Ganern? Haha. Pak. Ganern.

"Saksak mo sa baga mo!" Sabi ni Yvette at binato ang logbook. Nasambot naman nung lalaki.

"Sino yang kasama mo? Pinagpalit mo na ako?" Tanong niya. Ay shet, ang kyot.

"Tangina neto. Haha. This girl is named... Ay shet, di pa pala kita kilala. What's your name?" Tanong niya sakin. Grabe, natataranta siya.

"Haha. I'm Hyacinth Perez." Sabi ko.

"Sorry at nalimutan ko. This guy is John Emmanuel Macaraig or you can call him Jem." Sabi ni Yvette.

"J-Em ang gusto kong itawag niya sakin. Ikaw lang ang tatawag sakin ng Jem." Sabi ni J-Em kay Yvette.

"Bakit naman?" Tanong ni Yvette.

"Nagselos ako kanina sa inyo ni Andrei."

"Ano konek?" Tanong ni Yvette.

"Ewan. Haha."

"Ang drama mo. Bahala ka na lang Hyacinth kung ano man ang itatawag mo dito."
Sabi ni Yvette.

"Magboyfriend-girlfriend kayo?" Tanong ko. Ay shet, ang non stop naman ng bibig ko.

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH!" Tawa ni Yvette nang malakas. Nung napansin niyang siya lang ang natawa, tumigil na siya.

"Hindi."

"Oo."

"Putangina mo."

Si Yvette ang nagsabi nung hindi at putangina mo.

"Eto naman. Panira ng moment." Sabi ni J-Em.

"Kasalanan ko ba na sobrang honest ko?" Tanong ni Yvette.

"Hindi. Kasalanan mong maging KJ." Sabi ni J-Em.

"Mahal mo naman." Sabi ni Yvette.

"Aba. Abuso." Sabi ni J-Em.

"Tss. Tara na nga sa classroom. Nao-op si Hyacinth." Sabi ni Yvette.

Nauna silang maglakad. Umakbay pa nga si J-Em kay Yvette pero tinanggal ni Yvette. Haha ang sweet nila.

"Magkaano-ano kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Mag-asawa." Sabi ni J-Em at binatukan ni Yvette.

"More than friends."
Sabi ni J-Em.

"But less than lovers." Sabi ni Yvette.

Ang cute nila together. Medyo manhid nga lang silang dalawa. Haha.

Ilang steps pa ang hinakbang namin and at last! Nakarating na din kami sa St. Justus.

"Huwag kang mabibigla ha?" Sabi ni Yvette.

"Mabibigla saan?" Tanong ko.

"Dito." Sabi niya sabay bukas ng pinto.

Nagitla ako sa mga lalaking sumasayaw. Yung feeling nila may tugtog kasi f na f nila.

Yung mga babae naman, chikahan nang chikahan.

Yung ibang lalaki nag ja-jak en poy sa isang tabi.

At may ilan namang nagbabasa ng libro.

"Magulo man at maingay, masaya naman dito." Sabi ni Yvette at nagsimula ng maglakad.

"Doon ang upuan mo." Tinuro niya ang upuan katabi sa lalaking nakatingin sa katabi ng nasa unahan ko. Gets niyo? Haha. Nakatingin siya dun sa nasa harapan niya.

Ay teka... Ito yung lalaking muntikan ko ng matamaan ng locker. Grabe, siguro kung natamaan ko to, sasabihan niya ako ng idiot, stupid o tanga. Haha. Buti na lang hindi ^___^

Well, siguro kung natamaan ko siya ng locker, magagalit siya sakin tapos di kami magkakasundo pero for some reason magiging prends kami tas maiinlove ako sa kanya tas maiinlove siya sakin tas magiging kami tas ang saya saya kaso mamamatay siya. Baka ganun ang mangyari. Haha joke. Anong klaseng kwento naman yun?

Ano nga ulit pangalan neto? Andrew? Anton? Anvil? Alec? Alex? Ace? Alejandro? Angelo?

Nalimutan ko na.

"Hi! Hyacinth, right?" Sabi niya at ngumiti.

Tumango ako. "Anvil, right?" Sabi ko.

Napatawa naman siya. Yung tipong sexy laugh. Shet.

"Ano ako? Gamot? I'm not Anvil. I'm Andrei."

Tas lumapit siya sa akin. Ano to? Hahalikan niya ako? Virgin pa lips ko! At saka, kamimeet pa lang namin tapos ikikiss niya na agad ako?

Lumapit yung mukha niya sa tenga ko at bumulong. "Stupid."

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon