Chapter 4: Acquaintance Party

166 13 6
                                    

Hyacinth's POV

Nakita ko yung logbook section at nagulat ako kasi nandun pa yung logbook namin!! Inalagaan talaga ni Yvette! Hahah (Chos)

Binuksan ko yun at ito ang tumambad saken.

Flashback...

"Gay, Jem! How many times do I have to tell you not to put a smiley face in our logbook?!?"

Rinig kong sigaw ni Yvette (yung secretary namin) kay Jem. Well, yung secretary kasi namin ang nag aalaga sa logbook. Chinecheck nila kung sino ang nag log in na at ang hindi pa. Ganun na din sa pagla-log out.

Pero naaawa ako sa secretary namin. Aba, ang dami niya kayang ginagawa! siya ang bahala sa logbook at sa attendance folder! Tapos pinagsusulat pa siya madalas ng teacher sa board. In the end, yung mga kaklase niya may kopya tapos siya, wala! Thug life diba? Mabuhay ang mga secretary! Saludo ako sa inyo! Peace be with you! Amen. Lol haha.

"Ahh, so I can put a sad face?" Pacute pang sabi ni Jem. Eww, wag kang ganyan bro.

Tiningnan ko yung logbook tapos eto yung nakita ko:

John Emmanuel Macaraig :)

(Otor: Paki paltan ang font ng wattpad sa Bradley Handwritten para makita niyo yung original niyang handwriting. Ay wag na pala kasi nakakaiyak.)

Well, kung ako nga naman si Yvette, maiinis din ako. Nako baka nasipa ko na si Jem papuntang Bermuda Triangle. Tsk. Tsk. Pasalamat siya may dimples siya. Lol, ano konek? Di ko din alam. Hahaha.

Hayy, ang saya pala kasama yung Justus. (Otor: Sa mga hindi alam kung paano basahin yung Justus, it's Hustus. Hindi ko kasi alam kung paano basahin nung first time ko sa school. Aba sorry naman, hindi katoliko ang otor eh.)

Imposible nga lang na tumahimik sa classroom namin. Tapos pag tumahimik sasabihin nila na may dumaan na anghel. Chos. Mga ulol.

"Ako ang sasagip sa'yo~" kanta ni Carlo habang nakatingin kay Angela. Grabe LDR lang ang peg nila kaiyak haha.

"Guys, Guys!" Sigaw ng aming source ng news a.k.a Joriel. Haha. Yung otor ng story na to at si Joriel ay close. Ewan ko. Haha dejk. Sabihin na nating, MAY SECRET SILA NA SECRET AT HINDI NILA SINASABI SA IBA KASI SECRET NGA DAW KAYA HUWAG KANG TANGA thing. Haha.

"Ano? Ano?" Sagot ni Patrick. Lol, edi sila na mag sagutan.

"May news ako!" Sabi ni Joriel.

"Ano? Ano?" Sabi ni Patrick. Muntanga tong dalawa. JOKE! Grabe bromance na ba ito?! Gwapo pa naman silang pareho chos.

"May acquaintance party daw mamaya sa gym, no afternoon classes." Sabi ni Joriel with matching wide smile pa haha.

And the class went chaos. Hayy... BY THE WAY, nakipagkaibigan na din ako sa mga tao dito! Kaclose ko sina Jarah, Yvette, Maxinne at Layleh. (Otor: Friend ko yung sarili ko. Chos.)

*Gym (Acquaintance Party)

Owkay, sumayaw lang kami dito haha lol hindi ako gaanong sumayaw kasi baka ako'y madiscover pa lol. Baka maging best dancer ako tapos mahpapicture sila, nako.

Awarding na, sana naman maka Ms. Killer Smile man lang ako diyan! Pwede din yung tantalizing eyes. Tantalizing ba yun? Aba ewan. Basta eyes daw eh maganda naman ang mata ko. Mata ng diyosa baga. haha lol. Pwede din sakin yung crush ng bayan. Haha.

"Ms. Killer Smile is Joara de Chavez while Hyacinth Marie Perez is, intay, putangina, nagpatak ang papel."

Shet wala na ung killer smile. Owkay lang, life doesn't go the way we wanted. Hindi naman laging nasa taas, minsan--

"Hyacinth Marie Perez is... Ms. Small but Terrible!" Tawa pa ng tawa tong si MC na to. Aba't ang sarap sakalin neto. Nakuuuu! Itatapon din kita sa Bermuda Triangle. Wala ka kasing dimples! At huwag mo na din itanong kung anong connect kasi mismong ako, hindi ko alam.

Nakakaiyak lang kasi yun yung award ko! The crowd went, "Speech!"

No choice naman ako kung hindi magsabi ng speech. Kahit na labag sa kalooban ko na tanggapin ang award na to. Hindi naman kasi to compliment, insult to! INSULT! Kapag talaga ako naging tall, who you kayo saken!

Anyway, nag speech na nga ako. "Uhh, I never expected this! Thanks sa height ko at napanalunan ko to hahaha." Good thing tumawa sila.

Sapakin ko sila pag hindi nila ako sinakyan eh.

Pagbaba ko ng stage, isang akbay ang sumalubong saken.

"Yow Ms. Small but Terrible. Mas maganda sana kung mas pinahaba. Ms. Small but terrible but still small! Hahaha."

Guess who's that! Of course it's-
"Salamat ha? Na appreciate ko talaga Jem."

Nasan na kaya si Andrei? Hindi ko alam kung bakit hinahanap ko si Andrei. Anyway, move on na tayo kahit mahirap chos.

Hinanap ko si Drei. Sarap kulitin eh. Nakita ko naman agad siya sa classroom... With Andrea.

"This isn't going to work, Andrei. May Kyle na ako!" She said. Maganda kasi si Drea at marami siyang choices pero isa lang ang puso niya!

Feel ko siya, parehas kami ng situation! Haha jk! Siguro yung parehas kaming maganda lang part! Haha

"Ano bang meron siya na wala ako?! Okay naman tayo eh, umepal lang siya." Owkay galit na siya. Gusto ko sanang pumasok kaso nakaharang sina Faye, Roma at Arianne. And I swear, hindi na ako papasok kasi nakakatakot sila for pete's sake.

"It isn't about you, Andrei. It's about me." Andrea said. Bakit ganun? Kailangan may masaktan? Diba pwedeng happy happy na lang? Walang problema, hayy. Ang complicated ng love. Kaya nga ang hirap ng life ko eh. Kasi everyday, all eyes are on you. Paano, diyosa eh.

Lumabas na si Andrea at umalis na. Sumunod yung mga friends niya sa kanya. Maganda naman si Andrea. Mas maganda lang ako. (Otor: hala ka. Sumbong kita.) Hala joke lang.

Pumasok ako at nakita ko si Andrei na nagpahid ng luha. Yah, umiiyak din pala to.

"Hindi niya naman ako mahal, wala ng kwenta ang buhay ko." Sabi niya. Siguro naramdaman niya ang presence ko. Naks! Iba talga kapag presence ng isang diyosa!

"Oo wala ngang kwenta yang buhay mo." sabi ko na ikinagulat niya. Nagulat siya eh inulit ko lang. Baka akala niya magsasabi ako ng, "Oy May kwenta yan! Tiwala lang! Huwag kang bading!"

Pero no. "Walang kwenta kaya gawin mo ang lahat para magkameron." Sagot ko.

"Diba sabi nila kapag you love someone, let her go?" Tanong niya saken.

"Anong katangahan ang paglelet go? If you love her, truly love her, you'll never let her go. Ipapakita mo sa kanya na mahal mo siya. You found the perfect flower in the middle of a desert and you'll never let it go. Malay mo tinetest ka na niya. Kasi pag nilet go mo na siya, baka di mo na siya makita ulit. Baka kapag nilet go mo yung flower na yun, lipadin na siya at iwanan ka sa gitna ng disyerto." Sagot ko.

"Teka nga. May pinagdadaanan ka ba?" Tanong niya saken. Tanga ba to? Magtatanong siya ng pahugot na tanong edi pahugot din ang sagot.

At para akong si James Bond na nasa Mission Impossible. Kasi sa tingin ko, isang itong mission kung saan gagawa ako ng tulay para kay Andrei at Andrea.

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon