Flashback...Hyacinth's POV
Nawiwindang ako. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin ma absorb lahat. Si Andrei, yung alzheimer's disease.
Langya lang. Sa dinami-dami ng masasamang tao sa mundo, bakit hindi na lang sila ang nagka alzheimer's disease?!
Bakit yung inosente pa na si Andrei?! Bakit yung taong mahal ko pa?! Bakit yung taong nagbukas ulit ng puso ko?!
Ako na ang selfish! Ako na! Masisi niyo ba ako?
"Ms. Perez, are you favor of euthanasia or so called Mercy-killing? Elaborate your answer. I'm giving you point for that." Sabi ng teacher ko na hindi man lang napansin na nag eemo na ako dito.
"Euthanasia? I'm not in favor of it. You're killing the person you love. You don't have mercy there! Euthanasia is a homicide."
I continued saying,
"In most countries killing another person is considered murder, even if the intention is to "ease the pain", even if the person has a terminal illness." I added."Kung mahal mo, hindi mo ipapapatay ang makina. Kasi kahit konti, alam mong lumalaban siya. Na kahit konti ung pag-asa, umaasa ka na kaya niya yan. Euthanasia is like a stage where you lose that kind of hope. I'm not in favor of it." I answered and waited for the teacher to let me sit.
"I'm quite impressed, Ms. Perez. Take your seat."
(≧∇≦)
"Andrei!!! Punta tayo sa anusement park gaya ng dati~" Pamimilit ko sa kanya.
Nabobored na kasi ako.
"Amusement park? Gaya ng dati?"
"A-Andrei." Sabi ko. Heto na naman siya eh. Nakalimutan niya na naman.
"Hyacinth, ipaalala mo ulit saken."
=•=
Pumunta kami sa amusement park, at sa iba't ibang lugar kung saan gumawa kami ng memories. Memories na may posibilidad na makalimutan niya.
"Dito! Dito tayo umupo tapos umaandar pa to! Vinivideohan mo pa nga ako eh!"
"Dito mo nakuha si DreiCinth!"
"Dito tayo nagbasketball!"
"Dito ako kumanta nung natalo ako sa basketball!"
"Ito yung locker na inihampas ko sa mukha mo!"
"Dito sa hagdan, mahuhulog na dapat ako pero sinalo mo ako!"
"Naaalala mo na ba?"
"Hindi pa rin."
Ewan ko. Naluluha ako. Wala siyang maalala. Lahat ng yun... Nakalimutan niya.
"Hyacinth... Wag ka naman umiyak." Sabi niya sabay pahid ng luha ko. Mas naluha tuloy ako. Gulo no? Parang lovestory naming dalawa. Magulo din.
"Eh kasi wala kang maalala. Naiyak din pati si DreiCinth." Sabi ko tapos pinakita ko si DreiCinth sa kanya.
Tapos parang natigilan siya at hinawakan niya pa yung ulo niya. Hindi kaya...?
"DreCinth! Naaalala na kita! Yes naman! Wohoo! Hyacinth! Naaalala ko na ulit!"
God, help me. Help us. Ang sakit na. Hindi ko kaya to. Nakakatakot. Nakakabaliw. Natatakot ako na balang araw, pati ako makalimutan niya. Paano na siya? Paano na kami? Paano na ako?
BINABASA MO ANG
When You're Gone
Ficção AdolescenteImAngel36's WHEN YOU'RE GONE "The only time a goodbye is painful is when you know you'll never say hello again." Join us in this journey. It's a long journey, but it's worth it!