Chapter 24: Basketball

61 10 1
                                    


Flashback...

Angela's POV

Uso pa pala yung salitang manhid?

Siguro nagtataka kayo kung sino ang sinasabihan ko ng manhid.

Kung hindi kayo nagtaka, edi huwaw.

Ang sinasabihan ko ng manhid ay ang sarili ko.

Kasi all this time, akala ko magkaibigan lang kami ni Carlo.

All this time, nagsesend siya ng motibo na gusto niya ako.

Pero anong ginawa ko? Hindi ko pinansin. Kasi iniisip ko na malayong mangyari yun.

Hindi ko alam na ganito yung nararamdaman ni Carlo.

Wait, hindi ko nga ba alam? O ako yung todo iwas?

Tatlong tao lang naman ang pinagkakatiwalaan kong lubos.

Una, Me. Pangalwa, Myself. Pangatlo, I.

Pero sa totoo lang, niloloko ko din ang sarili ko eh.

Yung tipong paulit ulit kong sinasabi na, "Wala akong gusto diyan."

Pero sa loob ng puso ko, ang sarap sabihan ng, "May gusto ako diyan! Bakit? papalag ka?"

Gusto ko si Carlo, pero gusto pa kaya niya ako pagkatapos nung ginawa ko?

FŁ🅰$♓️🔙

"May pag-asa pa ba ako sa'yo? Kasi kung wala pwede bang tapatin mo na ako? Kasi pagod na akong umasa... Wala naman kasing kasiguraduhan.." Sabi niya with matching luha effect pa.

"Naks, Carlo. Ang galing na ng acting skills naten ah. Improving!" Sabi ko sabay hampas sa braso niya.

"Angela, tao ka ba talaga? Bakit sobrang manhid mo? Ano bang kinain mo para maging ganyan ka kamanhid?!? Mahal kita! Sobra! Dati pa! Oo na, ako na ang t*nga. Pinagkahintay-hintay pa kasi kita. Kasi akala ko, may pag-asa. Akala. Mahal kita pero sana akala na lang din yun. Ang hirap kasing mahulog sa taong walang pakiramdam kahit sa lahat ng bagay ipinaramdam ko na. Mahal kita... Pero kalimutan mo na. At least nasabi ko na. Hindi yung tuwing gabi, iniimagine ko na kahit katiting lang, may gusto ka saken. Na kahit katiting lang, napansin mo din ako hindi bilang kaibigan, kundi bilang ako. Ayoko ng umasa. Pagod na ako. Sobra."

Andrea's POV

Nagkaroon kami ng cool off ni Kyle. Pero si Carlo, sinasabi niya na gusto niya daw ako. Weird.

Hyacinth's POV

Mag babasketball daw sina Andrei I mean, laro talaga at kailangan kong manuod.

Tomorrow pa naman yun. Pero seriously...

Ano nga ba ang basketball?!?!

Andrei's POV

Weird. Weird. Weird. I'm forgetting a lot of things nowadays. Tumatanda na ba ako? Well, birthday ko lang naman nung isang araw.

Siguro normal lang yun. Memory gap! Ayun! Nakalimutan ko din ang tawag eh!

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon