Chapter 3: Crazy or Stupid? ❤️

161 12 2
                                    

Hyacinth's POV

Isasarado ko na sana yung locker ko nung nakita ko yung diary ko. Sa sobrang tuwa ko, binuksan ko yun. Tumambad saken ang date: June 16, 2015... Yun yung date na naging close kami... Yun yung date na hiniling kong sana'y di na lang nangyari.

Flashback...

Binuksan ko na naman yung locker ko and again, may natamaan na naman ako and this time, alam ko na kung sino. Christian Andrei Laylo.

"Aminin mo nga sakin, araw araw ba akong masasampal ng locker mo?" Tanong niya sakin.

"Uhh, hindi. Kasi walang pasok ng sabado at linggo, kaya weekdays lang. Pero minsan kasi, walang pasok gawa ng bagyo. So in short, masasampal ka lang ng locker ko tuwing tanga ka. Eh mukhang tanga ka naman lagi, edi yun. Sampal everyday." I said with matching smiles pa. Aba! Yan na ata ang longest statement ko. Ilalagay ko yun sa diary ko!

Nag sigh na lang siya. Di niya ata kinaya ang powers ng isang diyosa.

Hindi ko alam kung anong nangyari basta today naging close kami agad. Di naman pala siya masungit. Moody lang talaga na parang binabaha yung bahay nila everyday ng dugo kasi may PMS siya everyday.

"Staring is rude." Sabi niya saken kasi tinititigan ko siya. Well, hindi naman talaga tinititigan. Para naman akong patay na patay dine eh. Tinitigan ko siya, kasi naisip ko kung paano kami naging close ngayong araw. Basta, yun na yun. Defensive na kung defensive, maipagtanggol ko lang ang bandera ng mga diyosa. Ay wala palang "mga" kasi ako lang ang diyosa dine. Har har.

"Rude ka din naman." I replied.

"Why?" Tanong niya Lol. "Kasi kanina ka pang titig na titig kay Andrea. Yung tipong every paghinga niya binibilang mo. Alam mo, para kang stalker eh." Sabi ko sa kanya.

"Tsk. Tsk. Tsk. Walang stalker na gwapo." Sabi niya naman.

"Oh, anong tawag sayo?" Tanong ko.

"Ewan ko din. Ako lang kasi ang gwapong stalker kaya ayun, wala silang tawag sakin." Sabi niya. Wushu! Palusot pa. Ang sabihin niya, wala siyang maisip.

BY THE WAY, green-minded nga pala siya. At pag sinabi kong green, hindi open. As in green. Kanina pa nga siyang nagsasalita tungkol dun eh sumakto pang hotdog ang ulam ko edi huwaw.

"Bakit di mo sabihin sa kanya na may gusto ka sa kanya? Mabigat sa dibdib yan bro." Sabi ko.

"Makapagsalita ka, parang may dibdib ka ah!" Biro niya.

"Aba't putangina neto! Ikaw na nga ang tinutulungan ko!" Sabi ko.

May nagring nung bell, meaning maingay kami. Well, baka kami ni Andrei.

"Shit, ang taas ng IQ mo, ang baba naman ng EQ mo, ligawan mo na lang kasi. Hindi yung tulala ka lang diyan." Then he paused for a moment.

Suddenly he snapped his fingers and looked at me while giving me the thank-you-for-the-idea look.

"Pero wait, not now. Chapter 3 pa lang may ligawan na agad chos. Mamaya na."

"You're crazy" he said. "I thought I'm stupid." I said.

"Are we playing?" He asked. "I guess it started." And we both laughed.

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon