Special Chapter:

45 4 4
                                    

(A/N: Part to ng DELUSIONAL na chapter kaso tinatamad akong idagdag. Special chapter na lang siya ahihi.)

Max's POV

"Paulyn, tara nga dun sa carousel." Pagyaya ko dun sa kaklase ko papunta dun sa carousel.

"Yah, mag isa ka na lang."

Siguro, napapaisip kayo kung tama ba ang nabasa niyo. Oo, carousel. Ano bang masama sa carousel? Walang age limit para diyan.

Kaso ang mga kaklase ko ayaw sumakay. Wagas lang. Ayaw daw mapahiya.

Ano bang nakakahiya sa carousel?

Tiningnan ko ng one last look ang carousel at nagsimula ng maglakad palayo. Pero bago pa talaga ako makalayo, may humawak sa balikat ko.

"Akala ko ba gusto mong sakyan? Bakit mo iiwan?" Tanong niya. At shet, si Carl pa ang nagsabi. Si Carl, yung ultimate crush ko shet.

"Ha? Wala kasi akong kasama. Nagihiya daw sila." Sabi ko. Grabe, di man lang ako maka eye to eye contact sa kanya. Nahihiya ako eh.

"Then let's go together." Sabi niya.

"Ha? Eh pambata yan eh." Sabi ko. Lol. Haha kanina sabi ko no age limit tapos ngayon sasabihin ko pambata? Muntanga lang.

"Walang age limit to. Pwede to sa lahat. At anong pakialam ko kung mapahiya ako? At least, nag eenjoy." Sabi niya sabay smile.

Edi yun, hindi  na ako nagpabebe pa at sumunod na sa kanya.

Nagpaunahan pa kami na humanap ng magandang kabayo.

At takte, hindi na kami umalis dun. Haha.

Jem's POV

"Gusto ko nito, nito at nito. Tsaka pala nito. Ay wag na pala to, ito na lang. Oo. Ge. Masarap yan." Sabi nitong katapat ko. Sino pa? Edi si Yvette. -___-

Hindi na kami nag abalang hanapin pa yung dalawa kasi mukhang nageenjoy naman sila.

"Ang dami mo namang pinili." Sabi ko na lang.

"Sino bang nagsabing sakin lang yun?" Tanong niya.

Huh? Bakit? May kasama pa ba to? Nako naman. Tubig na nga lang ang inorder ko para makatipid pero mukhang nagsama pa siya.

"Tangina. Hindi ako nagsama. Para sayo yung iba dun, binayaran ko na din agad." Sabi niya tapos binalik nung waiter sa kanya yung black card. Paano niya kaya nabasa ang nasa isip ko?

"Pero ako yung lalaki, kaya dapat ako yung magbabayad." Paliwanag ko.

"Wag ka ngang tanga at kumain ka na lang." Sabi niya na dahilan ng pag ngiti ko. Alam niyo, concern din pala siya sakin. Di niya lang pinapakita.

Kumain na nga kami at tulad g sinabi niya, pinag order niya na rin ako at nagkataon pang mga paborito ko yung pagkain. Nagkataon nga lang  ba?

Pagkatapos kumain, nagyayaya tong babaeng to sa rides.

"Naks. Ang haba ng pila sa rio grande." Sabi ko.

Pero mukhang may pinaplano tong kasama ko.

"Nako Jem! Ang haba ng pila! Hindi na ata tayo makakasakay sa paborito kong rio grande for the last time! Mamamatay na kasi ako bukas tapos ganito pa! Hindi na ako makakasakay at ang lungkot lungkot naman! Sana, may rio grande sa heaven." Sabi niya at tumingin pa sa taas noong sinabi niya yung heaven.

Lahat ng tao tumingin samin.

"Miss, mauna ka na."

"Miss, may rio grande din sa heaven!"

"Miss, hindi pa huli ang lahat."

"Stay strong po."

So after nun, pinauna kami ng lahat kasi akala nila mamamatay na tong kasama ko.

"Works everytime." Sabi niya sabay kindat sakin.

At sinakyan nga namin yun. Ang saya kasi tatawa kami kapag nababasa ang isa samin.

"Dun naman tayo sa ekstreme." Sabi niya naman.

Mahaba din ang pila kaya nag acting ulit siya.

"Nako! Ang ekstreme na ito ay hindi ko pala masasakyan dahil sa haba ng pila. Sayang naman at mamamatay na ako bukas. Paano na lang ako? May ekstreme kaya sa heaven?" Sabi niya tapos tumingin ulit siya sa itaas.

"Ha? Diba ikaw yung kanina dun sa rio-" Bago pa matapos nung kuya yung sasabihin niya, sumigaw si Yvette.

"Bakit ka nandito? Pagkatapos mo akong lolohin at ipagpalit sa iba?! Walanghiya ka!" Sabi niya at parang lahat ng tao ay binugbog yung kuya. Ayaw daw nila sa manloloko. In the end, nauna kami sa ekstreme.

"Alam mo ang bad mo." Sabi ko sa kanya pero natatawa pa din. Minsan lang to kaya dapat sulitin.

"What can I say? Being bad makes me glad." Sabi niya at smile.

Hyacinth's POV

"Tara sa bumpcar!" Sabi ko sabay higit sa kanya. Wala gaanong tao kaya madali kaming nakapunta sa unahan.

BAM!

BOOGSH!

(Otor: tengeneng sound effects to.)

Grabe ang saya sa bump car! Lagi kong binabangga si Andrei. Kaso laging nababangga si Andrei dun sa isang girl.

Paano naman ako?

Lol.

Nakita ko si Yvette at sasabay sana ako sa kanya ng mapansin ko na may kasama pala siya which is si Jem. Ayaw ko naman maging third wheel edi ayun. Iniwan ko na sila.

"Tara sa ferris wheel." Sabi ni Andrei.

Sumunod pa rin ako sa kanya kahit na nabadtrip talaga ako dun sa babae. Halata namang nakikipagharutan siya kay Andrei!

Nung nasa tuktok na kami, nagsalita siya.

"Posible ba yun? Yung mabilis kang makamove on?" Tanong niya.

"Well, posible naman kung hindi ka gaanong nasaktan, kung hindi mo siya ganun kamahal o baka naman may mahal kang iba." Sabi ko.

"Hyacinth..." Tawag niya sa pangalan ko.

"Bakit?" Tanong ko.

"Nakamove on na ako kay Andrea. But I think I'm falling for someone again." Sabi niya sabay tingin ng deretso sa akin.

Sino Andrei? Sino siya?

Thank you for reading this special chapter. I really hope na naenjoy niyo siya. Ewan ko, mag eedit lang dapat ako pero bigla ko na lang ginawan pa ng isang chapter. Anyway, thanks again for reading. Remember, if you're not smiling, you're doing it wrong. -Alex Wassabi

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon