Chapter 16: Madramang Jem

87 11 2
                                    

Hyacinth's POV

Flashback..

Owkay, hindi ko alam kung bakit ako nakakatanggap ng mga evil stares from Demi.

Syet, anong ginawa ko?!

Nalaman niya ata na gusto kong gupitin yung hair niya sabay sabing, "Kids can't fight cancer alone."

Or baka yung line na ang sarap niyang pektusan.

Anla, di ko talaga alam but one thing's for sure.

I'm doomed with Demi.

BY THE WAY, okay na din yun kasi lumalayo na siya kay Andrei KO.

Caps lock lang ha? Akin din yan... Sooner or later.

hayy, wala na bang igugulo pa itong buhay ko?

Ay wait, nakita ko lang naman si Jem na nakiupo kay Demi.

Luh? Nalaman na niya ba na PERFECTS GO TOGETHER??

At hindi lang yun, ang sweet nila ha.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Guilt? Bakit? Ewan.

Siguro, dahil iba na ang pakiramdam.

Iba na ang gusto ni Jem. Hindi na ako. Nakakapanibago lang. A person can change so much.

Jem's POV

"Saya siguro maging blonde." Asar saken ni Yvette. Tss.

"At least gwapo ako."

"Jusko, mahangin."

"Totoo naman, ah? In denial ka pa diyan. May crush ka naman saken!" Asar ko sa kanya.

Kilala ko crush neto, hindi ako.

"In your dreams! Ako? Magkakagusto sayo? Uulan muna ng malakas!"

"Baka in my nightmares! At-" natigilan ako ng umulan. May bagyo nga pala. Malakas pa.

"Anong sabi mo kanina?" Tanong ko.

"Sabi ko, ang gwapo mo. Tch." Sabi niya. Defeat kasi ang peg niya. Haha.

Buti pa tong babaeng to, marunong magcomfort. Marami ang nagsasabi na may crush kami sa isa't isa, pero di nila alam ang totoo.

Hyacinth, miss na kita.

Ang hirap pala magmove on. Paano ba ako magmomove on kung siya na ang bago kong seatmate tapos lagi akong kinakausap? Nasan ang hustisya? Grabe ang sakit.

Tapos ang sweet pa ni Drei at Hyacinth. Sarap nilang itapon sa Pluto. Gusto kong sabihin, "Nagmomove on po yung tao kaya pwede huwag kayo dito maglandian? Bitter ako. Walang forever."

Pero instead, I just didn't mind them.

Yung puso ko nagsasabi ng, "Naglalandian kayo, so ano ako? Audience niyong dalawa? Pwedeng tumayo na? Standing ovation kasi peg niyo sa kalandian. AMAZING."

Pero yung utak ko, "Huwag mo na lang pasinin, Jem. Nagmomove on ka nga diba?"

Mabilis mahulog ang mga loob ng babae, pero pag nahulog ang lalaki, malalim.

Paano ko ba naman kasi makakalimutan itong babae na nagpakita saken na hindi mahalaga ang sinasabi ng iba?

They don't know about me. They don't hella care.

Bakit naman kasi sa dinami-dami ng babae sa mundo, yung babae pa na manhid ang napili ko?

Yung babaeng may gustong iba.

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon