Chapter 19: Modess Feels

74 11 3
                                    

Andrea's POV

Flashback...

"Jerica! Thank you so much for the advice! Isang malaking MU ang lahat!" I said to Jerica.

"MU? As in, Mutual Understanding?" She asked.

"Nope. MU, as in MisUnderstanding." I answered. She just nodded as a sign that she somehow understood what I meant.

Hyacinth's POV

Kami na! Kami na! Kami na! Shit! Di ako makapaniwala!

Talon lang ako nang talon sa kama ko.

Hindi naman kasi ako makapaniwala! Haha parang kahapon lang, nasapak ko si Andrei nung locker ko tas ngayon kami na oh!

Bilis ng panahon eh!

Kami na! Kami na! Ka-

"Hyacinth Marie Perez! Jusko! Balak mo sirain ang kama mo, aber? Sige! Sirain mo! Allowance mo ang gagamitin! Naku, naku! Mga bata nga naman ngayon. Nung panahon nga namin wala kaming kama. Sa sahig kami natutulog. Mabuti pa nga kayo may kama eh. Kaya wag mo sirain yang kama mo ha?"

Tingnan mo itong si mother. Kung saan-saan napunta yung usapan, eh tumalon lang ako sa kama.

Ay! May pupuntahan nga pala kami ni Andrei! Ihhh, kinikilig ako! Hahaha

First date namin to kasi MU na kami. Mag Un. Hahahahaha tawa ka bhe~

"Mother dear, mamaya ka na magdrama kasi may lakad pa ako ngayon. Love you mother." Sabi ko sabay kiss sa kanya.

"Ha? Aba't! Hya-" Hindi na natuloy yung sasabihin niya kasi nakalabas na ako ng bahay namin!

Haha totoo pala na kapag inlove ka, buhay ay kaysaya.

Tapos mas na a-appreciate mo yung surroundings mo.

Nakarating na ako dun sa park. Simple lang naman kasi yung date namin. Walang arte.

Kasi kuntento na ako. Mas sumaya pa yung araw ko kasi nakita ko na naman yung sexy back ni Andrei. 

Syet, kinikilig na agad ako. Gawd, normal ba to?

"Hyacinth!" Tawag niya sabay yakap. Yakap talaga, Andrei?

Jusko, baka di ako makapag pigil at maibulsa kita.

"Yow Drei." Tanging mga salita na nasambit ko.

"Tara upo tayo." Sabi niya.

Bago pa ako makaupo, bigla niya akong pinigilan.  "Wait!"

Tumayo ako at takang-taka.

O//////O <---- okay that was me hyperventilating; or blushing

Eh kasi naman, madumi pala yung bench kaya tinanggal niya yung jacket niya sabay lagay dun at pinaupo ako.

Uso ata ang pagiging gentleman niya ngayon.

"Gusto mo ng ice cream?" Tanong niya saken habang tinuturo ung nag i-ice cream.

"Yeah sure." Sabi ko.

Tapos bigla akong may naramdaman. Shit... Don't tell me...

Oh my gosh, naramdaman ko talaga ulit eh! This time, I'm sure!

Bumalik si Andrei habang may dalang ice cream.

"Andrei, kailangan ko ng umuwi." Sabi ko. "Huh? Why? Tumakas ka lang ba?"

"No, basta. NOW." Sabi ko at hindi ko alam kung gaano kami kabilis na nakapunta sa bahay namin.

Oo na, kasama ko siya.

Dumiretso agad ako sa CR.

"Tell me, what's wrong?" Takang-taka siya.

"O-okay. Paano ko ba sisimulan? Uhm, alam mo kasi, diba, puberty? Nasa age na tayo para dun. Adolescent na tayo. Tas ano, may mga pagbabago sa ating mga katawan. Tas-" Paliwanag ko when he cut me off.

"Get to the point Hyacinth." Sabi niya.

"Fine, menstruation ko ngayon." Sabi ko habang hiyang hiya. Jusko, sige nga girls, ipagtapat niyo sa isang lalaki na may menstruation kayo.

Boyfriend ko pa! Boyfriend ko siya for pete's sake! Boyfriend!

"Since hindi ako prepared, bilhan mo nga ako ng you-know-thing please." Sabi ko at parang na estatwa siya.

"W-Wait, you don't expect me to buy napkin for you, do you?" He asked.

"Uhh, yeah. I badly needed some." Sabi ko.

"Okay. Fine." He answered.

After some minutes, inabot niya saken ung paper bag na may laman na Modess at isang note.

"Babe, eto na yung Modess mo. Sorry kasi natagalan. Hindi ko kasi alam kung anong brand. Wag mo na din bayaran saken. Libre ko na yan kapalit ng date naten.
P.S. Ilang minuto din akong nakatayo sa stacks ng napkins. Hindi ko talaga alam kung alin ang bibilhin. But I enjoyed it. Parang isang napakalaking challenge. Sana okay ka na katulad ni Julia Baretto sa tv na naka Modess, magtatalon ka na babe, eto na napkin mo. Oo nga pala, may wings na din yan na hindi ko naman alam kung para saan. Love you babe. Mag-ala Julia Baretto ka na. 😘😘😘"

Oh My God! Thank you po sa napakabait kong boyfriend. Sana nga siya na si The One! Sana!

A/N: oo, eto na ung oh-so-awaited chapter. Thanks for the votes, comments, messages, support, everything! I really appreciate it guys. Sorry kung hindi ko kayang gawin ung daily update. Ang hirap hanapin nung inspiration ko. Hahahahahah joke lang.

Lagi kong sinasabi na mahirap hanapin yung inspiration ko. Alam niyo kung bakit? Di kasi kami naguusap. :(

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon